|
Bakit Labis Kitang Mahal
Alex Mallillin
Mula nang makilala ka, aking mahal
'Di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa 'yo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo'y natatanaw
Maging sa pagtulog ay panaginip ka
Pagka't ang nais ko sana
Kapiling ka sa t'wina
Ano bang nakita
Ng puso kong ito sa 'yo
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta
Refrain:
Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita
Mula nang makilala ka, aking mahal
'Di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa 'yo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo'y natatanaw
Maging sa pagtulog ay panaginip ka
Pagka't ang nais ko sana
Kapiling ka sa t'wina
Ano bang nakita
Ng puso kong ito sa 'yo
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta
Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita
Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita
back2top
Minsan, Isang Kahapon
George Canseco
Kung maibabalik pa ang nagdaang panahon
Maitutuwid ko pa
Ang bawat mali, kung nagawa kahapon
Na hanggang ngayo'y dama
Minsan, isang kahapon lang di ba
Naitadhanang makilala kita
Pinagsaluhan nating ang saya
Buhat sa puso diwa't kaluluwa
Minsan, isang kahapon din pala
Di ko alam na pansamantala
Ligaya naidulot mo sinta
Nag-iwan ng luha sa 'king mata
Minsan, isang kahapon ang saya
Buhat sa puso diwa't kaluluwa
Minsan, isang kahapon din pala
Di ko alam na pansamantala
Ligaya naidulot mo sinta
Nag-iwan ng sugat sa 'king alaala
Minsan, isang kahapon hanap kita
back2top
Tell Me
Louie Ocampo/Allan Ayque
There are nights
When I can't help but cry
And I wonder why
You have to leave me
Why did it have to end so soon
When you said that you would never leave me
Refrain:
Tell me
Where did I go wrong
What did I do to make you change
Your mind completely
When I thought
This love would never end
But if this love's not ours to have
I'll let it go with your goodbye
(Instrumental)
Oh, why did it have to end so soon
When you said that you would never leave me
Tell me
Where did I go wrong
What did I do to make you change
Your mind completely
When I thought
This love would never end
But if this love's not ours to have
I'll let it go with your goodbye
Oh, tell me
Where did I go wrong
What did I do to make you change
Your mind completely
When I thought
This love would never end
But if this love's not ours to have
I'll let it go with your goodbye
back2top
Kaibigan
Jaypee Garcia
Hello kaibigan, kamusta ka na
Kay saya-saya muli kitang nakamusta
Mabuting kalagayan hangad ko sa 'yo
Kung ako'y tanungin mabuti naman ako
Bridge 1:
Di pa rin nagbabago pagtingin sa 'yo
Di pagpapalit ako'y hiyang dito
Hello kaibigan, kamusta ka na
Ibang-iba nga kung kilala mo na
Di ba mas natural, mas maganda
Kung hiyang talaga
(Instrumental)
Bridge 2:
Ang nakasanayan mahirap ipagpalit
Magandang karanasan mahirap mawala
Hello kaibigan, kamusta ka na
Ibang-iba nga kung kilala mo na
Di ba mas natural, mas maganda
Kung hiyang talaga
back2top
Tagumpay Nating Lahat
Gary Granada
Ako'y anak ng lupang hinirang
Kung saan matatagpuan
Ang timyas ng perlas ng Silangan
Nagniningning sa buong kapuluan
Taglay ko ang hiwaga ng Silangan
At saan mang bayan o lungsod
Maging Timog, Hilaga at Kanluran
Ang Pilipino ay namumukod
Refrain:
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat
Ako ay may isang munting pangarap
Sa aking dakilang lupain
At sa sama-sama nating pagsisikap
Sama-sama ring mararating
Ang iba't ibang galaw, iisang patutunguhan
Dito isang araw, isang kapuluan
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat
Hangad ko'y tagumpay nating lahat
back2top
Nandito Ako
Aaron Paul del Rosario
Mayroon akong nais malaman
Maaari bang magtanong
Alam mo bang matagal na kitang iniibig
Matagal na 'kong naghihintay
Ngunit mayroon kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin
Ngunit ganun pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa iyo
Refrain:
Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako
Kung ako ay iyong iibigin
Di kailangan ang mangamba
Pagka't ako ay para mong alipin
Sa iyo lang wala nang iba
Ngunit mayroon kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin
Ngunit ganun pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa iyo
Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako
Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako
Nandito ako...
back2top
|