Taga

Taga-punas ng 'yong pawis, taga-pahid ng 'yong luha,
Taga-yakap sa lamig, 'yan ang gawain ko.

Taga-luto ng 'yong pagkain, taga-bayad ng 'yong utang,
taga-linis ng 'yong kalat, ano pa ang gusto mo?

REFRAIN
Taga-silbi ng beer, taga-pakinig sa 'yo
sa mga paulit-ulit mong kwento.

Taga-pagtanggol mo 'pag ika'y ginagago,
Taga-hanga, taga-tawa 'pag ito'y kailangan mo.

Taga-hele sa gabi, taga-gising sa umaga,
Taga-plantsa ng damit na gagamitin mo.

Taga-ayos ng sira-sira mong buhay.
Taga aliw sa 'yo pag-uwi mo sa bahay.

REFRAIN
Hindi ko na alam kung bakit ko ginagawa ito para sa 'yo.
Kung sana naman paminsan-minsan may thank you.
Wala bang thank you? Ano 'bang lahi mo?
Hindi ka ba marunong magka-utang na loob?
Talaga bang malabo lang ang 'yong pagkatao?

Thank you, wala bang thank you?

Ngunit habang 'di naririnig...

Kinukulob ang galit, tinitiis ang init.
Nagtatanong-tanong, Diyos ko pag-ibig ba ito?

CODA
Wala bang thank you, thank you, thank you
Wala bang thank you, wala bang thank you
Wala bang thank you, wala bang thank you
Hohhh-yeahhh..




Hosted by www.Geocities.ws

1