Nasa Langit

Naaalala mo pa ba nang una tayong
magkita?
Natatandaan mo pa ba ang mga
bulaklak na alay mo sa akin?

REFRAIN
Para 'kong nasa langit, punong-puno
ng pag-ibig.
Ang aking mundo'y walang kasing
tamis, punong-puno ng kulay.

Subalit ang panahon, sadya yatang
mapanghamon.
Kailangan kang lumayo at lisanin ang
puso kong nagtatampo.

Parang isang panaginip, naglahong 
bigla sa aking isip.
Ngunit ang pag-ibig ko'y mananatili,
laging tapat sa 'yo.

At ikaw ay nagbalik muling limiyab
ang pag-ibig.
May kabog sa 'king dibdib, salamat 
at makakapiling muli.

REFRAIN II
Para 'kong nasa langit, punong-puno
ng pag-ibig.
Parang isang panaginip, punong-puno
ng damdamin.

CODA
Woh-hoh isang panaginip
Woh-hoh punong-puno ng pag-ibig
Ang aking mundo'y walang 
kasing tamis, punong-puno ng pag-ibig


Hosted by www.Geocities.ws

1