Kita'y Magtatagpo Kay layo nating dal’wa, lagi’t-lagi kang ala-ala. Minsan sa aking panaginip, doon lang kita nakakaniig. REFRAIN Ang mga sulat mo’y lagi kong tangan-tangan Sa poon ay dasal ‘di ka pababayaan. Ako’y naririto magkalayo man tayo. Handang maghintay sa ‘yo. Magkalayo man ang ating mundo, Ikaw ang laging nasa aking puso. Tulad ng awit ng ating pag-ibig Sa tuwi-twina ay naririnig. REFRAIN II Ang mga sulat mo’y lagi kong tangan-tangan. Sa poon ay dasal ‘di ka pababayaan. Ako’y naririto magkalayo man tayo Sa ating mundo kita’y matatagpo.