Sa Isip Ko Alam kong mayroon nang iba Sa kilos mo'y nadarama Mukhang ako ay kinalimutan mo na Wala nang masasabi, di ba? Ang kapit mo'y kay lamig na Pati halik mo'y wala nang gana Maagaw ka man ng iba sa akin Pag-ibig ko'y patuloy pa rin Refrain: Sa isip ko'y yakap ka pa Sa isip ko'y walang iba Mananatiling ikaw ang kapiling Kahit sa isip ko na lamang Alam kong Mayroon nang iba Ang init ay nanlamig na Ba't di aminin nang di malilihim Ikaw at ako'y tapos na Bawat hakbang palayo ka Walang linaw na babalik pa Maagaw ka man ng iba sa akin Pag-ibig ko'y patuloy pa rin Repeat Refrain Mananatili ikaw ang kapiling Kahit sa isip ko na lamang Hooh