Bakit Kung Sinu-Sino




Heto na naman, may lumiligaw 
Tinitignan baka siya't maaaring
Pumalit sa puso mo 
Siya'y may ibubuga
Mabait tulad mo 
Lahat na ata'y nairegalo niya
Mapasagot lang ako 
Ngunit kahit ano mang gawin niya'y
Puso ko'y di tumitibok
Kilala ang kabiyak na para sa kanya 


Refrain: 


Bakit kung sinu-sino na ang nakikilala ko 
Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko 
Bakit kung sinu-sino na ang nakikilala ko 
Bakit ikaw pa rin sigaw ng puso ko 


Nung isang gabi, may isang guwapo 
Pinakyaw na ata ang lahat ng bulaklak 
At binigay 
Sabay sinabi niya 
Labis niya akong mahal 
Hihintayin na balang araw siya ay aking mahalin 


Ngunit kahit ano mang gawin niya'y
Puso ko'y di tumitibok
Kilala ang kabiyak na para sa kanya 


Refrain 


At kung nilimot mo na 
Ang pag-ibig ko sa'yo
Hihintayin pa rin kita 
Hanggang sa pagbalik mo 


Refrain (except last line) 


Laging ikaw pa rin sigaw ng puso ko 


Refrain

Hosted by www.Geocities.ws

1