Isang Comic Script na may Temang Romansa

Title: Hindi Mapaghihiwalay

Sinulat ni: Hazel Angela Javier

    Characters:
  1. Marga Cruz --- teacher sa Mapalad Elementary School. 26 years old, balingkinitan ang pangangatawan dahil sporty din. Magandang ngumiti at may hawig kay Kristine Hermosa pero hindi kasingputi ng aktres. Lagging naka-ponytail at simple lang magdamit.
  2. Lt. Col. Leo Reyes --- sundalo na naassign sa Mapalad Elementary School noong eleksiyon. Hindi mahaba ang buhok pero hindi din naman semi-kalbo. Clean-cut lang, kumbaga. In good shape ang katawan kaya maganda ang fit ng mga damit sa kanya. May pagka-boyish pero sensitive type ng lalaki. Main-love kay Marga.
  3. Cecille --- fellow teacher ni Marga sa Mapalad Elementary School. Hanggang shoulders ang buhok at kinukulit lagi si Marga dahil may kasintahan na siya.
  4. Principal --- principal ng Mapalad Elementary School. Hindi main character pero lalabas sa isang eksena. Medyo may pagka-demanding.
  5. Heneral Bautista --- Heneral sa military na pinag-rereportan ni Leo. Maintindihin at susuportahan si Leo.

Page 1

Frame1 Nasa loob ng classroom, nag-aayos ng mga upuan, folder, at ibang voting paraphernalia. May sandwich at juice sa table na nakaharap sa mga tauhan. (Nag-break muna sila.)

Marga: Pagod nako e nagsisimula pa lang tayo mag-ayos.

Cecille: Hay naku, Marga, ganyan talaga. Eto ang pinasok nating trabaho e.

Frame 2 (Biglang may nag-ring na cellphone.) Naka-closeup ang cellphone.

Frame 3 Si Cecille nasa may bandang likod, hawak ang cellphone

Cecille: Hello, honey�

Marga nasa foreground, close-up uli.

Marga (thought): Buti pa siya may nagmamahal sa kanya. Ako kaya, kelan darating ang Prince Charming ko?

Page 2

Frame 1

Top cap: Kinabukasan. Araw ng eleksyon na.

(Ginaganap ang bilangan sa Mapalad Elementary School. Mainit ang labanan sa pagitan ng dalawang tao gustong maging mayor.) Ipapakita ang tally sheets na nasa blackboard. Yung isang mayoralty candidate ay nakalalamang ng isang puntos lang. May naka-dispatch din sa lugar na mga military.

Frame 2 (Biglang nagkagulo dahil may narinig na gunshot.) Close-up ng baril at nagtatakbuhang mga taong bayan.

Frame 3 Si Leo ay inaalalayan ang mga titser na umupo lang ang maging kalmado.

Leo: (kausap si Marga) Miss, wag kayong mag-alala. Sisiguraduhin naming walang masasaktan sa inyo.

Marga (thought): Aba, ang bilis naman ng sagot sa panalangin ko! Siya na ba ang Prince Charming ko?

Page 3

Frame 1

Top cap: Natapos na ang bilangan. Balik na sa normal ang lahat.

Si Marga ay nag-jojogging sa park malapit lang sa eskwelahan. Putting jogging pants at puting sleeveless shirt ang suot ni Marga. May dala din siyang maliit na tuwalya na hawak niya.

Marga (bulong sa sarili): Hindi ko man lang natanong yung pangalan ng Prince Charming ko. Haay.

Frame 2 Nasa likod pala nya si Leo. Si Leo naman ay naka-black na jogging pants at puting sando na may nakasulat na Philippine Military Academy

Leo: Miss, parang narinig ko Prince Charming. Tinatawag mo ba ko?

Frame 3 Nagulat si Marga. Napahinto sa pagjogging.

Marga: Ano, ikaw??!!

Frame 4 Nakaupo na sa bench sila Leo at Marga. Nagpupunas silang dalawa ng mukha nila ng pawis.

Marga: Salamat nga pala sa pag-assist nyo sa�min nung eleksyon.

Leo: Walang anuman. It was my pleasure.

Frame 5

Leo: I�m Lt. Col. Leo Reyes. (inabot ang kamay kay Marga)

Marga: Ako nga pala si Marga Cruz. Nice meeting you.

Frame 1 Close-up ng ngiti ni Marga

Leo (thought): Mas maganda pa ang ngiti nya kesa kay Julia Roberts! Feels like I�m in heaven.

Frame 2

Marga: So, ilang taon ka na sa military?

Leo: Matagal-tagal na rin para makita ang iba�t ibang kababalaghan sa gobyerno.

Frame 3 Umiiling ng ulo si Leo.

Frame 4

Marga: Buti hindi ka nadidiscourage.

Leo: Ikaw din naman. Mukhang mahal na mahal mo ang pagtuturo.

Frame 5

Marga: Kailangan gabayan ang mga pag-asa ng bayan, di ba?

Leo: At kailangan proteksyunan ang mga katulad mo.

Bottom cap: At nagpatuloy pa ang kwentuhan nila Leo at Marga, kumportable kagad sa isa�t isa.

Page 5

Frame1 Top cap: Mukhang gumaganda ang lovelife ni Marga. Samantalang, may sorpresa din sa buhay-titser niya.

Illustration: Sa Mapalad Elementary School, sa loob ng principal�s office. Makikita sa backdrop na nakasabit sa bukas na pintuan ang �Principal�s Office�. Nakasalamin ang Principal at nakasuot ng ibang kulay ng uniform kesa kay Marga. Ang kulay ng uniform ni Marga ay yellow habang ang suot ng Principal ay brown. Nakaupo na ang ang principal at si Marga.

Principal: Ms. Cruz, pinatawag kita kasi may request na nanggaling sa Butuan for a substitute teacher. Would you be willing to go?

Marga: Ma�am, pwede nyo pa ba kong bigyan ng ilang araw bago mag-decide?

Principal: Sige. Pero ibigay mo ang sagot mo bago weekend ha?

Frame 2

Papasok sa isipan ni Marga ang mukha ni Leo at kung paano nya sasabihin ang balita.

Frame 3 Tumunog ang cellphone ni Marga.

Leo (sa cellphone) : Hello, Ms. Marga.

Marga: O Leo? Ang pormal naman. Bakit ka napatawag?

Frame 4

Leo: Wala naman. Gusto ko lang makita ang close-up smile mo. Free tonight?

Marga: Hmm, bola! O sige na nga.

Page 6

Frame 1 Top Cap: Sa loob ng restaurant na pagkikitaan nila Leo at Marga...

Nakaupo na si Leo sa loob ng restaurant. Naka-suot ng polo shirt si Leo na blue na hindi niya madalas suotin. May centerpiece na floating candle sa isang parang baso na nagbibigay ng soft lighting.

Frame 2 Dumating na rin si Marga at nakaupo na sila. Si Marga naka-skirt na light blue at puting blouse.

Leo: Marga, sigurado kang okay ka lang dyan? Kanina ka pa walang kibo.

Marga: Ha? (tahimik) Kasi may problema, Leo. Ipapadala daw ako sa Butuan kasi kulang ng techers.

Frame 3

Leo: Ganun ba? Ikaw, gusto mo ba?

Marga: Gusto ko rin sana para sa experience and service kaso�

Leo: May maiiwan ka dito�

Page 7

Frame 1

Leo: Hindi siguro magandang timing pero�Marga, will you be my girlfriend?

Frame 2 Si Leo nilabas ang ring at ibinibigay kay Marga.

Marga: E paano nga yung distance?

Frame 3

Leo: Hindi naman yun ang isyu. Mahal mo rin ba ko?

Frame 4

Marga: Oo nga�pero totoo bang �love conquers all�?

Frame 5

Leo: This time magiging totoo yun. I promise.

Frame 6 Pakikitang magkayakap sila Leo at Marga. Suot na ni Marga ang singsing na bigay ni Leo.

Page 8

Frame 1 Makalipas ang ilang araw�Sa tanggapan ng Heneral ng military. May assignation na nakapatong sa table ng general. May Philippine flag sa wall sa likod ng upuan. Si Leo nakapang-civilian. Ang Heneral naman ay nakasuot ng kanyang military uniform, may kasamang badges din.

Leo: Sir, reporting for duty, sir! (nakasaludo)

Frame 2

Gen. Bautista: (sinagot ang saludo) Good morning, Lt.Col. Ano ang sadya mo?

Leo: Sir, magpapaalam po ako. Magpapare-assign sana ako sa ibang lugar.

Frame 3

Leo: Magpupunta po kasi ng Butuan ang nobya ko. Gusto kong ipakita sa kanya that I can be there for her always.

Frame 4

Gen. Bautista: Mahal mo talaga siya no? Very well, permission granted.

Page 9

Top cap: Araw na ng pag-alis ni Marga tungo sa Butuan.

Frame 1 Sa may airport lounge. Naghihintay si Marga ng eroplanong sasakyan niya. Naka-black slacks at pink shirt siya. Si Cecille naman suot pa ang uniporme sa eskwelahan dahil babalik pa siya sa school..

Cecille: Hindi ba magulo dun sa Mindanao? Di ba andun ang Abu Sayyaf?

Marga: Parang hindi na ko babalik ah!

Cecille: Hindi naman, mabuti pa ring mag-ingat.

Frame 2

Marga: Wag mo nga ko pinakakaba.

Cecille: Uy, mamimiss nya si Prince Charming nya.

Marga: Oo nga e. Kung kelan naman naging nobyo ko na siya.

Frame 3

(nakaalis na si Cecille)

Marga (nakapangalumbaba): Di pa ko tinatawagan uli ni Leo. Kala ko pa naman ihahatid man lang niya ko.

May nag-aanounce gamit ang speakerphone: Flight to Butuan now boarding.

Page 10

Frame 1

Top cap: Nakarating naman ng matiwasay si Marga sa Butuan.

Illustration: Si Marga hawak-hawak ang mga bagahe nya sa may labasan ng airport.

Marga: Ganito pala ang Butuan. Sayang, wala si Leo.

Frame 2 Biglang sumulpot si Leo galing sa likod at hinawakan niya ang kamay ni Marga. Nasa kabilang kamay niya ang hawak na white roses.

Frame 3

Leo: Sinong wala? Sabi ko naman sa�yo lagi mo akong makakapiling.

Frame 4

Marga: Wala na ngang makapaghihiwalay sa atin.

Bottom cap: WAKAS�

1
Hosted by www.Geocities.ws