...a trip down memory lane
Corregidor Island via Sun Cruises
July 2001
Kung tutuusin, kakaunti lang naman ung fieldtrips namin nung college. Mabibilang lang. Kaya nga siguro sabik kame! Madalas, sa tabi-tabi lang kame pinapapunta ng mga professors namin. Nagkaron pa nga ng time na pinalibot samin ang metro manila para bisitahin ang iba't ibang templo at saksihan ang mga ritwal ng iba't ibang relihiyon. Ang saya,db?=)

Kaya isa lang itong trip na to sa corregidor na medyo nakalayo-layo kame at masasabi talaga naming "fieldtrip" Kaya kahit mahal ang fee, sumama din naman halos lahat. 

It was supposed to be an educational trip sa PI 100, isang history subject. Pero as far as i can remember, hindi naman kame naging concerned sa historical significances ng lugar na yun e! (nakakhiya mang sabihin!) Kasi naging pictorial session ang ngyari! Wa na care kahit na umuulan, and i mean, talagang malakas na ulan! Basta everyone had to have their perfect pose for everyshot! Ang daming may dalang camera! We had so much fun! Ngpictorial lang, pumunta pa ng corregidor!

Hindi ko nga malaman kung paano kame nakagawa ng papers for that trip after e. That was required to be submitted after the trip. Magaling lang siguro kami magpretend, at creative ang mga utak to come up with those reaction papers.

After all, it was one of those times sa college na worth remembering. Alam ko, lahat kame di makakalimutan yun kahit mga  totoy at nene pa kame d2! Kaya join me as we trip down memory lane...
bAck to MEeee
All rights reserved. � Andrei Salvador, 2003.
Hosted by www.Geocities.ws

1