Free heart health tips for Pinoy web surfers written in Tagalog or Pilipino language! Caring or maintaining a healthy heart start by knowing your heart. Free information for the prevention of heart attack, hypertension, stroke, etc. Heart attack and other heart related problems remain the top killer disease among Filipinos. For knowledge is power and this is the best starting point to fight heart diseases!

MyGoodFood healing food recipe for hypertension, cancer, heart problems, etc.! Donasyon
ANG TAMANG PANGANGALAGA SA ATING PUSO

ANG PUSO ay ang pinaka-importanteng muscle ng ating katawan. Ito ay binubuo ng apat na magkakahiwalay na chambers at apat na valves, na siyang nagpapanatili at nangangalaga ng sirkulasyon ng dugo. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng baga o lungs sa likod lamang ng breastbone at ribs.

Ang bilang ng pagtibok ng puso ay automatikong nasa average rate na 72 bawat minuto para sa mga kalalakihan at 75 para naman sa mga kababaihan. Ang bilang ng pagtibok ng puso ay bumibilis sa tuwing tayo ay magsasagawa ng ehersisyo o kaya ay makaramdam ng excitement o kaba.

May tatlong esensiyal na mineral ang may kinalaman sa pagtibok ng puso: calcium, potassium at sodium. Ang calcium ay nagpapabuti ng contraction ng puso, ang potassium naman ay nagpapabagal ng pagtibok at pinapahaba ang pag-relax ng puso, samantalang ang sodium ay ang siyang nagbabalanse ng aksiyon ng calcium at potassium at pagpapanatili ng calcium sa solusyon nang maiwasan ang pagdeposito nito. Ang sodium na tinutukoy dito ay hindi asin, ito ay organic sodium na nakukuha sa mga pagkaing nagtataglay nito.

Makabubuting kumain ng mga pagkaing mayaman sa "calcium", "potassium" at "organic sodium" upang magkaroon ng masiglang at malusog na puso. Ang mga pagkaing mayaman sa calcium ay ang mga sumusunod: Almond nuts, Apricots, Artichokes, Bananas, Barley, Beans-lima, Beef, Beets, Beet greens, Blackberries, Blueberries, Broccoli, Brussel sprouts, Carrots, Cauliflower, Chayote, Cherries-wild black, Chervil, Chicken, Chicory, Chives, Coconuts, Corn, Cucumbers, Currants-black, Dandelion greens, Duck, Eggplant, Endive, Figs-black mission, Grapes, Halibut-smoked, Honey, Horseradish, Kale, Kohlrabi, Lamb, Lemons, Lentils, Lettuce-sea, Limes, Mangoes, Mushrooms, Mustard greens, Olives, Onions-white, Parsnips, Parsley, Peaches, Peanuts, Pecans, Potato-baked, Prunes, Radish-black, Radish-red, Raisins, Spinach, Turnips, Watercress at Zucchini.

Ang mga pagkaing mayaman sa potassium ay ang mga sumusunod: Asparagus, Banana, Beans-lima, Blueberries, Bread-whole wheat , Butter-cow, Buttermilk, Brussel sprouts, Carrots, Cauliflower, Cheese-cow-cottage, Cheese-goat-cottage, Cheese-roquefort, Cheese-Swiss, Chinese Cabbage, Chives, Cream, cow, Cucumbers, Dandelion greens, Endive, Grapefruit-fresh, Honey, Kale, Kohlrabi, Leeks, Lemons, Lettuce-Romaine, Limes, Mangoes, Milk-cow, Milk-goat, Mustard greens, Oranges-ripe, Parsnips, Parsley, Peaches, Peas-fresh, Pecans, Persimmons, Pineapple, Strawberries, Swiss chard, Turnips, Turnip leaves, Watercress, Watermelon, Whey.

Ang mga pagkaing mayaman sa organic sodium: Butter-cow, Cheese-Swiss, Chinese cabbage, Leeks, Milk-cow, Milk-goat, Okra, Papaya, Pears, Pineapple, Pomegranate, Pumpkin, Raspberries, Rice-natural brown, Squash, Strawberries, Swiss chard, Veal joint broth, Watermelon, Whey.

 

FREE RADICALS, ANTIOXIDANTS AT EHERSISYO

Ang katawan ng tao kabilang na ang puso ay binubuo ng mga cells, ang cells ay binubuo ng molecules, ang molecules ay binubuo ng isa o mahigit pang atoms at ang atom naman ay binubuo ng nucleus, neutrons, protons at electrons.

Ang "free radicals" ay napaka-unstable at madaling mag-react sa ibang compounds upang agawin ang kinakailangang nitong electron, nang sa gayon ay magkaroon ito ng stability. Inaatake nito ang pinaka malapit na stable molecule upang nakawin ang electron nito. Sa oras na mawala ang electron ng isang molecule, ito ay nahahawa at nagiging free radical na rin, dito na magsisimula ang chain reaction na malalagay sa iyo sa kapahamakan.

Ang free radicals ay nakukuha ng tao sa pollution, radiation, cigarette smoke, carcinogens, preservatives, chemicals at herbicides. Kung minsan ito ay ginagawa mismo ng immune system ng katawan ng tao upang labanan ang viruses at bacteria. Sa tamang level ng free radical, ito ay kayang i-handle ng ating katawan, ngunit kung walang "antioxidants" o kaya ay nagkaroon ng over production ng free radicals, ito ay makakapinsala at lalong dumadami sa iyong pagtanda.

Ang pag-ehersisyo o exercise ay nakabubuti sa ating na siyang nagiging dahilan upang kumunsumo ng mas maraming oxygen ang ating katawan. Sa kasamaang palad, ang pag-kunsumo ng mas maraming oxygen bagama't nakakabuti sa katawan ay nakapagpapabilis ng pagdami ng "free radicals" na maaring makasira sa ating muscles at iba pang tissues ng ating katawan. Ang mga "antioxidants" tulad ng vitamin C at E ay pinaniniwalaang magaling na panlaban at proteksiyon ng ating katawan laban sa free radicals at kamakailan lamang ay natuklasan na mabisa laban sa Alzheimer's disease. Para sa iyong aktibong lifestyle, pinaniniwalaang makabubuti ang pag-inom ng vitamin E (100 to 200 IU, 10 beses na mas marami kesa RDA) at vitamin C (1000 mg) upang maiwasan ang pagkasirang dulot ng pag-ehersisyo.

Nilalabanan ng mga antioxidants ang free radicals sa pamamagitan ng pag-donate ng kanilang sariling electrons, upang maging stable ang molecules na ninakawan ng electron at pigilin ang pagkalat ng free radicals sa iyong katawan. Ang antioxidants ay nananatiling stable at hindi nagiging free radicals sa oras na mag-donate ito ng electrons. Sa pamamagitan ng antioxidants, naiiwasan ang pagkasira ng cells at tissues sa loob ng katawan at pinipigilan ang pagkakasakit ng mga taong gumagamit nito.

Ang vitamin C ay water soluble o humahalo sa tubig, ang recommended daily allowance (RDA) nito ay 60 mg bawat araw at ang pagkain ng mahigit sa 2000 mg ay maaring magresulta ng hindi maganda sa katawan ng tao. Ang mga pagkaing nagtataglay ng vitamin C ay: citrus fruits and juices tulad ng orange, lemon, lime, green peppers, cabbage, spinach, broccoli, kale, cantaloupe, kiwi, at strawberries.

Ang vitamin E (d-alpha tocopherolay) ay fat soluble o humahalo sa taba, ang recommended daily allowance (RDA) ng vitamin E ay 15 IU bawat araw para sa mga kalalakihan at 12 IU para sa mga kababaihan. Ang mga pagkaing nagtataglay ng vitamin E ay ang mga sumusunod: nuts, seeds, vegetable and fish oils, whole grains (esp. wheat germ), fortified cereals, and apricots. 

 

CHRONOTHERAPY AT ANG PUSO

ANG CHRONOTHERAPY ay ang pagkakaroon ng "coordination" sa paggamot o pag-inom ng gamot base sa "biological rhythms".

Ito ay nagbunsod sa nadiskubre ng mga siyentipiko at mga doktor na ilang sakit ay "lumalala" o kaya ay umaatake sa partikular na oras sa isang araw. Sa oras ding iyon nagiging "critical" ang lagay ng isang taong may sakit na maaari niyang ikamatay kung hindi maagapan.

Halimbawa, sa hypertension o altapresyon. Ang ating blood pressure o presyon ng dugo ay tumataas sa ating paggising sa umaga kaya kadalasan ang "heart attack" at "stroke" ay nangyayari sa pagitan ng alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Sa halip na "Cardiac arrest", nagiging "misconception" o ang maling paniniwala ng marami na bangungot o nightmare ang naging dahilan ng kamatayan ng isang taong inabot ng atake sa puso sa kanyang higaan pagka-gising sa umaga.

Dala marahil ng kahalintulad na "manifestation" o "reaction" ng isang taong binabangungot at inaatake sa puso. Ang inaatake sa puso tulad ng bangungot ay kinakikitaan ng pag-ungol o pagdaing na para bang nahihirapan huminga.

Kung kayo ay pinagbilinan ng duktor na uminom ng "beta blockers" at aspirin o ano mang gamot laban sa "high blood" na hindi 24 oras ang epekto, makakabuti na inumin ito sa umaga. Ang aspirin ay hindi lang ginagamit na panlaban sa pananakit ng katawan at pampababa ng lagnat, ito rin ay inererekomenda ng duktor sa mga taong may sakit sa puso at altapresyon upang maiwasan ang paglapot ng dugo. 

Sa chronotherapy nabibigyan ng importansiya o mas nagiging epektibo ang gamot na ating iniimon dahil sa ating kaalaman hindi lang ukol sa ating sakit kundi may mas mabisang paraan tayo para labanan ito. Naiiwasan rin ang ano mang panganib at komplikasyon na dulot ng inyong sakit sa pamamagitan ng tamang approach sa paglaban o pagsugpo dito.

Kung hindi mapigilan o hindi maiwasan ang pagkain, may alternatibo at mas mabilis na paraan ng pagsugpo ng inyong sakit sa puso, almuranas o hemorrhoids, altapresyon o high blood pressure, diyabetes o diabetes, bukol o cyst, kanser o cancer, tumor at iba pang nakamamatay na sakit, kayo po ay aming inaanyayahang sa aming website sa pamamagitan ng pag-click sa banner sa may bandang unahan o dulo ng website na ito. Hindi na kailangan ng special diet o ang pag-iwas sa ano mang uri ng pagkain. Ito ay naglalaman ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants na nakakatulong upang labanan ang mga sakit na nabanggit. Dalawang kutsara lamang ng pagkaing ito sa isang araw bago matulog sa gabi ay sapat na upang mabigyan ka ng ka ginhawahan at kagalingang pangkalusugan.

 

Sikreto ng pagpapabata, pag-iwas sa sakit sa puso, kanser atbp.

MyGoodFood healing food recipe for hypertension, cancer, heart problems, etc.! Donasyon

 

Hosted by www.Geocities.ws

1