Walang anak this time si Christopher de
Leon pero, katulad ng Wanted Perfect Mother kung saan sila unang
nagkatambal ni Regine Velasquez, isang widower din si Boyet sa kanilang
second team up ng singer sa Viva Films na pinamagatang Pangarap Kong
Ibigin Ka.
Ang movie na nasa direksyon ni Louie Ignacio. Isang batikang
commercial and TV director ay isang light romance, isang feel good
movie.
"After 10 years, mas creative ngayon si Regine," simula ni
Boyet nang pasyalan ng ilang movie writers sa set ng kanilang ginagawang
movie.
"Mas matindi siya ngayon dahil lagi siyang may idinadagdag sa
eksena, to enhance it. Alam na alam niya ang kanyang audience. Ako,
pinanonood ko na lamang siya," dagdag pa ni Boyet.
Kung nung first team-up nila ay napaka-innocent ng kanilang mga
eksena, dito sa ikalawa ay may bed scene sila. "Do you know that
I’m Regines’s first screen kiss?" tanong ng magaling na aktor.
Marami ang matutuwa sa role ni Regine sa movie, isa siyang stalker ni
Boyet na patay na patay dito. Una niya itong nakita sa burol ng asawa
nito na kung saan ay nag-dedeliver ito ng eulogy. Humanga siya sa mga
binitiwang salita ni Boyet tungkol sa namatay nitong asawa. Bago ito ay
kakilala niya ang namatay na asawa ni Boyet. Madalas itong mamili ng
antiques sa shop niya. Humanga rin ang asawa ni Boyet kay Regine dahilan
sa alam nito ang lahat ng istorya sa kabila ng mga ibinibenta niyang
antiques.
Ito ang naging simula ng pagsunud-sunod ni Regine kay Boyet. Maski sa
sementeryo narun siya, kapag dinadalaw ni Boyet ang puntod ng asawa niya.
Yung katabing libingan ng asawa ni Boyet ay sinabi niya rito na libingan
ng namatay na boyfriend niya. Buti na lang never na tiningnan ni Boyet
ang date ng birth at death ng nakalibing dun. Kung hindi nahalata agad
niya si Regine!
May playdate ang Pangarap Kong Ibigin Ka na nagtatampok din kay
Dingdong Dantes bilang isang manliligaw ni Regine. *****
Binigyan katwiran naman ni Boyet ang ginawa nilang walkout nung
nakaraang MMFFP awards night.
"Wala nang dahilan para manatili pa kami run. Alam na namin ang
kahihinatnan ng lahat, nag-party na lamang kami. Si Lualhati (Bautista)
lang ang masasabing nag-walkout dahil andun pa kami nang manalo si Piolo
(Pascual) at nang maging presentor si Vilma (Santos)."
Sinabi rin ni Boyet na nakisama siya sa rally ng mga kapwa niya
artista sa Senado, hindi para tutulan ang 10% VAT kundi para alamin kung
saan ba napupunta ang mga buwis na ibinabayad niya sa gobyerno na aniya
ay lubhang may kalakihan.
"Hindi na maiiwasan ang pagbabayad dito dahil isa na itong batas
pero, gusto ko lang itanong sana kung may kinapupuntahan ba ang malaking
halaga na ibinabayad ko?" aniya pa.
Bilang humahawak ng dual citizenship, sinabi nito na nagbabayad siya
ng buwis sa US at dito sa Pilipinas. "Pero, mas malaki ang
ibinabayad kong tax dito. Gusto ko lang malaman na kung nagagamit ito
para sa kapakanan ng mamamayan eh bakit sira-sira ang mga kalye natin?"
dagdag pa niya.
Gustuhin man ni Boyet ay hindi siya pwedeng maglakbay hanggang di
natatapos ang soap niya sa GMA na Ang Iibigin ay Ikaw. Ang kanyang
kapareha na si Regine ay aalis agad for the US pagkatapos na pagkatapos
ng kanilang shooting for a series of concerts.
Hindi rin siya worried na pasama nang pasama ang kanyang character
dito dahil katwiran niya it’s just a role.
Source: Pilipino
Star Ngayon, Feb. 6, 2003