Banner Ad
Click!
Nagulo Ang Mundo ni Regine Dahil sa Star for a Night
ni Ed de Leon

TALAGA palang malaki ang preparasyong ginagawa nila para sa grand finals ng Star For A Night na gaganapin sa Ultra sa Marso 1. Hindi pa sila gumawa ng announcement, pero may mga malalaking singers daw silang kumbidado para sa grand finals.

Palagay namin pagdating ng Marso 1, lahat ng mga tao manonood ng grand finals niyang Star For A Night. Iyon lang karaniwang contests nila mataas na ang ratings eh, at hindi maikaila ng ibang istasyon na minsan sa isang linggo ay natatalo sila sa ratings dahil di-yan sa Star For A Night. Kaya sa finals, siguradong mas matindi pa ang kanilang audience share noon.

* * *

Pagkatapos ng kanilang press presentation noong mga finalists, nakausap namin si Regine Velasquez at naitanong naman namin sa kanya ang naging kontrobersiyal na one on one nilang dalawa ni Gellie de Belen.

Ang sabi ni Regine, ok naman daw ang lahat nang nangyari. Si direk Louie Ignacio pala ang nagsabi sa kanya tungkol sa ideyang iyon. Pumayag na siya at saka pala sinabihan si Gellie tungkol sa plano, ok lang naman din kay Gellie, kaya nga natuloy iyon. Pero nakita naman ninyo ang hype na ginawa nila sa one on one na iyon, kaya nga nang gumawa ng spot survey ay lumabas na nangamote ang kalaban nila sa ratings.

Alam naman ninyo ang mga Pinoy, mahilig sa mga ganyang tsismis.

Source: Journal, Feb. 6, 2003

Back to Home

Hosted by www.Geocities.ws

1