Banner Ad
Click!
Journal, Feb. 6, 2003
by Nitz Miralles

AYAW nang i-elaborate ni Regine Velasquez ang pagbabati nila ni Gelli de Belen sa Sis. Pati 'yung comment ng viewers na between them, mas relax si Regine at intense pa rin si Gelli ay hindi na pinahaba ni Regine. Ang importante raw ay bati na sila at may closure na ang isyu sa kanilang dalawa.

"I said yes right away when I was invited to guest on Sis. It was director Louie Ignacio who asked me to guest. It was a heartwarming and nice interview. I don't know if after this ay puwede na kaming mag-sama sa concert ni Ariel (Rivera). Depende kay Ariel `yun. Ako, I don't mind working with him. Pero, si Gelli, puwede nang mag-guest sa SOP," ani Regine.

Incidentally, kahit busy sa shooting ng Pangarap Kong Ibigin Ka, pinananood pa rin ni Regine ang press presentation ng 11 finalists ng Star for a Night na ang finals ay gagawin sa March 1 sa Ultra. Ayaw magbanggit ng name si Regine kung sino ang magagaling sa mga finalist dahil mahuhusay sina Roxanne Castro, Angeli Mae Flores, Angeline Quinto, Kristela Musica Cristobal, Carlos San Jose, Sarah Geronimo, Jason Velasquez, Mark Bautista, Mailyn Yu, Maureen Mauricio at Florie Mae Lucido. P1 million ang grand prize nang mananalo sa singing contest na host si Regine.

After the Star for a Night grand finals, aalis si Regine kasama si Martin Nievera sa March 6 for a series of shows sa States na tatagal ng isang buwan. Pero, tatapusin muna ni Regine ang shooting ng Pangarap Kong Ibigin Ka nila ni Christopher de Leon. Isa sa aabangan ng tao sa Boyet-Regine starrer ay ang kanilang love scene. Most daring love scene ito ni Regine 'pag nagkataon.

Pinag-react din namin si Regine sa nabanggit ni Paolo Montalban na gusto siyang yayaing mag-dinner. Ikinuwento tuloy ni Regine na mula nang una silang magkita ni Paolo sa ABS-CBN ay gorgeous na ang tawag nito sa kanya at sinabihan pa siyang she's beautiful. Natawa si Regine sa obvious na pagli-link ng press sa kanila ni Paolo.

Source: Journal, Feb. 6, 2003

Back to Home

Hosted by www.Geocities.ws

1