BUKAS ANG KASAL nina Ka Amante at Ka Laura. Nakagayak na ang kampong pagdarausan nito. Ngayong umaga ay nagpaalam muna si Ka Amante kay Ka Laura at sa mga kasama para salubungin at kausapin ang kanyang magiging bayaw sa isang bahay ng masang maagwat ang kaunti mula sa kampo.
“Ingat lang, comrade!” ang halos pareparehong bilin ng mga kasama kay Ka Amante sapagkat may balita ng kilos ng kaaway sa paligid.
Mas maagap si Gorio—ang kanyang magiging bayaw—sa kanilang tagpuan.
Malayo pa si Ka Amante ay tanaw na siya ni
Goriong palingalinga, hanggang magkatanawan sila pareho. Nagbatian sila ng tango at
ngiti. Mayamaya lang ay nag-uusap na silang
nakaupo sa isang bangkong kahoy sa labas ng bahay ng masa.
“Kumusta ba, bayaw!” naunang umimik si Gorio at tinapik pa
sa balikat si Ka Amante. “Ninenerbyos
ka na ba?”
Tumawa lang si Ka Amante.
Hindi pa sila tapos sa unang paksa ng pag-uusap—kung sino
ang hihila ng baboy mamayang hapon papasok sa kampong pagkakasalan, kung sino
ang makakatulong sa pagkakatay, pagluluto at iba pang paghahanda sa kasal—nang
napansin ni Ka Amanteng hindi na interesado si Gorio sa kanilang huntahan.
Nanghahaba ang leeg nito sa kung anong tinatanaw sa
likuran ni Ka Amante. Biglang nanlisik ang mga mata ni
Gorio, namutla ang mukha, nangatal ang mga labi. Tumindig si
Gorio at halos mabuwal ang upuang kahoy, saka kumaripas nang takbo.
Takangtakang nilingon ni Ka Amante ang kung anong
kinakatakutan ni Gorio.
Sa may ikaapat na silak ng niyog mula sa kanyang
kinauupuan, nangingitim ang
kahabaan ng makipot na daan. Untiunti, luminaw
ang pagdating ng mga armadong nakapatig at kombatsyus.
Bumalikwas sa pagkakaupo si Ka
Amante. Inakyat ang bahay ng masa, nagmamadaling hinubad ang pantalong
parachute, at hinila ang marungis na pantalon ng masa
na nakasabit sa isang haligi. Isinuot
niya ito at pagkatapos ay itinaklis sa baywang ang
isang itak, bumuntunghininga, at saka bumaba ng bahay hagdanan. Nasa paligid na ng buong kabahayan ang mga sundalo ng 42nd
IB PA.
“Hoy!” Kinalabit ng machinegunner sa
balikat si Ka Amante. “Ikaw ba ang maybahay rito?”
“A…e…ala, oho.”
“Sino ‘yung tumakbo? Galing dito ‘yun, ano?” Ha?
Bakit hindi ka makasagot? Ha? NPA ka
‘no NPA din ‘yun, ano? Ha?”
“Sssst!” Nakialam si Tinyente Uy. Tumantan sa
pag-iimbistiga kay Ka Amante ang machinegunner. Humakbang si Tinyente Uy papalapit kay Ka
Amante. Namutla si Ka Amante.
“Ano’ng pangalan mo?” Medyo mahinahon ang pagtatanong ng
tinyente.
“Junior ho,” maagap na sumagot si
Ka Amante.
“Ikaw ba ang maybahay?”
Opo.”
“Saan ang mga kasama mo rito?”
Nasa kaingin
ho… ang mga Nanay.”
Batangueño ka?”
“Opo.”
“Bakit wala kang punto?”
“Saan?”
“Sa may sapa po.”
“O sige. Bumalik ka agad.:
“
Sumabat ang machinegunner. “Hindi naman ‘yan Batangueño, e!
Putang…”
“Sssst!”
Pumihit si Tinyente Uy sa machinegunner. “H’wag ka munang
maligalig.” Muli itong bumaling kay Ka Amante. “Sige na. Bilisan mo.”
Umabante si K a Amante. Kaswal na kaswal na naglalakad papalayo. Nang makublihan siya ng
ilang giris ay kumaripas ng takbo pabalik sa kampo.
Pagkatapos ng kwentuhan, tanungan, sagutan at maraming
“muntik na” at “maigi na lang,” umatras nang kaunting distansya ang mga NPA sa mas mataas na
bahagi ng kalupaan.
Hindi natuloy ang kasal nina Ka
Amante at Ka Laura. Sa isang araw na uli, at sa
lilipatang baryo na lang idadaos.
Alumpihit na kung papa’no si Ka
Laura habang naglalakad sa loob ng mahabang pormasyon ng NPA papalipat sa
kadikit na baryo. Pagkatapos ng
pangyayari kay Ka Amante ay hindi na nilubayan ng
tingin ang magiging asawa.
“Ka Amante!” tumawag si Ka Romero mula sa
likod ng pormasyon. “Sumama ka na sa advance force. Mas alam mo ang daan!”
Hindi pa tapos mag-oryentasyon si Ka Romero ay ngumawa na si Ka Laura.
“Mga kasama naman. Bakit naman si Ka Amante pa?”
Nagtinginan ang mga kasama at nagpipigil na mapangiti. Hindi na pinursigi ni Ka Romero na pasanibin sa advance force si
Ka Amante.
Mag-aalas dose na ng gabi nang
sila’y dumating sa isang malaking bahay ng masa sa kabilang baryo.
Samasamang natulog sa malawak na
papag ang mga babaeng NPA. Ang ibang lalaking mandirigma ay pumwesto sa mahahabang tablang upuan, at ang iba nama’y nagkabit ng
duyan. Si Ka Amante ay natulog na isang gilid
ng papag, sa bandang paanan ng mga
kasamang babae.
Malapit nang magbubukang-liwayway nang biglang
bumangon si Ka Laura. Naramdaman ng mga katabi niyang babae
ang pagbangon niya.
“Bakit Ka Laura?” naalimpungatang nagtanong si Ka
Julie.
“Ssssh…”
Nagmuestra si Ka Laura para manahimik ang
nagtatanong. Pabulong itong nagpatuloy,
“May papalapit…”
Nanlaki ang mga mata ng mga kasamang babae, iginala ang
tingin sa paligid.
Nakiramdam. Inaabangan ang kung
anong papalapit.
“Tatlo sila…”patuloy ni Ka Laura.
Lalong nanlisik ang mga mata ng mga babae.
“Isang mataba…isang payat…isang pandak…”
“Nasaan?” pabulong na tanong ni
Ka Juliet.
“Nasa pintuan na sila… Nasa
pintuan na sila! Aaaahhh!” Nagwawala na si Ka Laura.
Nagbalikwasan ang lahat. Siniyasat ng mga kasamang lalaki ang
paligid. Walang taong mataba, payat, o pandak sa
pintuan. Napaghinuha ng mga kasama na
binabangungot si Ka Laura.
Inawat ng mga babae si Ka Laura. Pero nagpatuloy ito sa pagngawa
at wala makilala sa mga kasama.
Sumubok si Ka Amante. “Ka Laura! Ka Laura!” Kapit niya ang
balikat ng magiging asawa.
“Aaaahhh!”
Lalong lumakas ang ngawa ni Ka Laura. “Ayoko sa ‘yo!” Dinuduro ni Ka Laura ang
magiging kabiyak. “Ayoko sa ‘yo! Ayoko sa ‘yo! Pangit ka!”
Tumindig si Ka Amante at lumayong pailing-iling.
Si Ka Juliet ang nangahas sumampal kay Ka Laura, nagbaka-sakaling makaigpaw ito
sa bangungot. Napahinahon nga si Ka
Laura.
Katahimikan.
Kinaumagahan, kainaman ang kwentuhan at biruan ng mga
kasama tungkol sa bangungot habang nagluluto ng iba’t
ibang putaheng karne para sa kasal. Untiunti nang dumaragsa ang mga kamag-anak,
kaibigan at iba pang bisitang sibilyan sa kasal nina
Ka Amante at Ka Laura.
Mag-aalas diyes ng umaga nang magsimula ang
seremonya ng kasal. Kasabay halos nito,
humahangos na nagbalita ang isang kabataan: May
kaaway. Buntunghininga. Maraming
kaaway. Buntunghininga.
Papalapit. Buntunghininga. Papalapit ang maraming kaaway. Buntunghininga.
Nag-alerto ang mga NPA. Isang platun ng NPA ang tumaliba sa
posibleng daraanan ng mga kaaway. Isa pang platun ang inireserba sa paligid ng pinagkakasalan. May iskwad na
tumaliba malapit sa umpukan ng mga bisitang sibilyan. Nakakalat ang may isang platun ng NPA sa loob mismo n g lugar na pinagkakasalan. Ang kumand: tuloy
ang kasalan. Tuloy rin ang putukan kung papasok sa AOR
ang kaaway.
Giya ng mga sundalo ang isang konsehal na
kamag-anak ni Ka Laura. Pinilit itong sumama sa
operasyon ng mga sundalong 76th IB PA para baybayin ang diumano ang
nasasakupang sityo ng konsehal. Kung hindi dumating ang mga sundalo sa dampa ng konsehal,
naggagayak na rin
Nag-aalangang humakbang pahulo si konsehal
bagamat ito ang sityong kanyang nasasakupan.
Lakad. Lakad. Lakad. Ipinapanalangin niyang sana’y umiwas na lang ang mga kasama.
Sugsog-sapa. Lakad. Pahulo. Isang liko na lang at ang lugar ng kasalan ay masusumpungan na. Tumalilis pabalik si
konsehal. Tumigil sa paglakad ang mga sundalong sumusunod sa kanya.
“Bakit, konsehal?” Mababa ngunit matipuno ang pangangatawan
ng CO ng mga sundalo.
“Maitanong ko lang, sir. Mahal n’yo ga
sir, ang inyong buhay? Sampu ng inyong mga kasamahan?”
“Bakit, konsehal?”
“
“Gaano karami, konsehal?”
“
“Konsehal… saan ang pwedeng atrasan?”
“Dito tayo, CO,” pumihit si konsehal sa
mahabang pormasyon ng mga sundalo, “Dito tayo!” At pakaway na
minuestra ang direksyong pabalik, palayo sa lugar ng kasalan. Umatras ang mga sundalo ayon sa oryentasyon ni konsehal.
Binaybay na nina Ka Amante at Ka Laura ang pormasyon ng NPA na
naka-crossrifle. Pagdating sa may dulo ay iniharang ng magkapares na kasama ang
kanilang mga sandata sa bagong mag-asawang lumulusot sa ilalim ng
crossrifles. Hindi nila aalisin ang
harang na sandata hangga’t walang “Kiss muna!”