LEVY BALGOS de la CRUZ
Chagun
ABRIL ANG TALISIK ng araw ay nagbabanta na naman ang chagun o tagtuyot. Ang gilid ng mga gubat sa kabundukan na hinawan at sinunog para sa kaingin ay waring lapnos na mga dibdib. Ang nagkalat na mga tuyong dahon sa palibot ay waring mga pilat na balantukan na dumarating sa mga yapak. Naninilaw ang mga damo. Nagbibitak ang linang ng mga payaw. Bumabaw ang mga ilog at nag-ultawan ang mga malalaki’t matatalas na mga bato, at ang daloy ng tubig ay may garalgal dahil sa mga balakid na mga bato’t layak na pag-agos nito.
Ang mga kaingin ay kawangis ng mga kwadrong abo’t itim na dibdib ng kabundukan. Mga punong ibinuwal, ipinatupok sa apoy at naging mga uling. Luntiang damuhang tinuyot ng mahabang tag-araw bago sinilaban. Ang mga kaingin ay umuusok ng usok na puti’t itim. Nangangalirang na wari’y mga kwadro ng disyerto.
Ang langit ay waring mataas na mataas at malayung-malayo. Habang ang bolang apoy ng araw ay tila mababa at malapit lamang laluna sa katanghaliang tapat—na wari bang gustong tupukin ang mundo.
Balisa na ang mga matatanda sa dap-ay—ang kubakob na bato’t yero na palihan ng mga batas, patakaran at mga alituntunin ng mga matatanda sa isang baryong minoridad—sa mga nayon ng Tubo, Abra. Nanawagan na sila ng sunud-sunod na tuor o kinaugaliang pangingilin upang manawagan kay Kabunian ng ulan sa tulong ng mga ispiritu ng mga ninuno. Tumatalungko sila sa mga tambak o pilapil ng mga payaw upang abangan ang paglipad ng mga ibong idaw at basahin ang mensahe sa paraan at direksyon ng paglipad ng mga ito sa himpapawid.
Ang chagun ay nangangahulugan ng taggutom. Maraming pamilya ang nauubusan na ng mga palay mula sa nakaraang tag-ani. Kailangang makapagbukas na ng mga kaingin upang pagmulan ng pang-agdong na mga kamote’t gulay. Pero maaari lamang magsimulang maghasik ng mga binhi sa kaingin kung magsimula nang umulan upang sumibol ang ipupunlang mga buto. Gayunding mabinbin ang paghahanda sa mga payaw para sa susunod na taniman kung wala pang ulan. Ganito ang kalagayang pangkabuhayan sa lahat ng mga prubinsya sa mga kabundukan ng Cordillera kapag nakakaranas n chagun o matinding tagtuyot.
Panahon ng chagun nang ipasya ng isang pangkat ng NPA na pinamunuan ni Ambo na humiwalay sa organisasyon ng Bagong Hukbong Bayan at magbuo ng sariling hukbo—ang Cordillera People’s Liberation Army (CPLA)—na siya raw tunay na hukbo ng mga mamamayang Cordillera.
Tila isang kawan ng mga idaw na may hatid na masamang mensahe, ang pangkat ni Ambo ay dumating sa Abra mula sa Kalinga. At binulabog nila ang mga organisasyong masang binuo ng NPA gayundin ang isipan ng mga mamamayan sa lugar. Pati isip ng maraming Pulang mandirigma na nakabase sa Tubo ay ginulo ng pangkat ni Ambo.
Nagbase sina Ambo sa Apatakili, Tubo—sa sityo Kili. Bago nakipagtalastasan sa pamunuan ng NPA sa Abra-Kalinga-Bontoc na nakakampo sa itaas ng Baclingayan. Humihingi sila ng kagyat na pakikipag-usap.
Pinababa ng pamunuan sina Larry, Jim at Nestor upang agapan ang pinsalang malilikha ng pangkat ni Ambo sa masa at sa pwersa.
Si Nestor—dahil
matalik na kaibigan ni Ambo
Sina
Larry at Jim naman ay sa Apatan magbabase.
Makatawid sa Ilog Otip, mahigpit na ginagap ni Larry ang kamay ni Nestor, “Para sa masa, Ka Nestor!” Bago sila naghiwalay na ng lakad. Si Nestor ay maggagaygay na lamang sa itaas ng ilog patungong Kili, at sila naman ni Jim ay aakyat na sa Apatan.
Mainit pa rin ang naging pagsalubong sa kanila ng mga taga-Apatan. Tinulungan pa sila ng ilang matanda sa pag-aalis ng mga makoto sa kanilang mga balikat. Pinainom sila ng malamig na tubig na mula sa bukal sa gilid ng sityo. Mabilis na natighaw ang malaking uhaw nila ni Jim mula sa paglalakad sa kainitan ng araw.
Naupo sila sa mga batong likmuan sa harapan ng isang bahay—ang masa ng Apatan at silang dalawa ni Jim. Nasa tabi lamang nila ang kanilang mga makoto at nakasandig sa mga iyon ang kanilang mga baril. Hinubad nila ang kanilang mga ammo belt at itinabi sa kanya-kanyang baril. At naghubad sila ng damit na basang-basa ng pawis.
“Kumusta na ho ang CPLA sa Kili?” pagkuwa’y itinanong ni Larry sa mga kaharap nila ni Jim.
“Hayun, munting kibot ay nagpipiknik sa Otip. Nagsa-sarep ng mga palileng at kampa at sa buho nagluluto.”
“Siguro
ho’y nasimot na ang karpa, palos at ogadiw sa Chico dahil sa madalas na
pagpapadinamita ni Ambo at ni Malo no’n pa!” nasala sa pandinig ni Larry ang
pakla sa sariling tinig. “Kaya siguro lumipat sila rito sa
Otip. Talagang mahilig sa piknik sa ilog si Ambo. Sabi nga niya’y
“Kahit na no’n pa mang pari siya,” sabi ni Ama Linggayo, “kapag nagpapasyal siya rito sa Tubo, hindi nakakakain kapag hindi mo ipinagparte ng animal, o kaya’y hindi hinainan ng isda! Madalas siyang magyayang magpiknik sa Otip kasama ang kanyang mga katekista!”
Nagkatinginan sila ni Jim. Ngayon lamang nila nalaman iyon!
“Bakit ba gusto nilang humiwalay sa NPA, ha?” bigla’y tanong ng isa pang matandang lalaki.
“Yun nga ho ang gusto nating malaman, e. Ano ho bang sinabi nila sa pamiting na ginawa nila?”
“Ku, e
sabi nila’y
Na
sinagot naman daw nang buong husay ng lider-masang si Ama Gaspar ng sityo Ataki:
Ano bang komunal ang sinasabi nila?
Lahat na halos na
Ang
pinakamalawak na lupa sa Abra ay pag-aari ng mga
Barbero at
Galit na galit daw sina Angat at Libnaw na kabilang sa pangunahing mga tauhan ni Ambo na siyang nagpapatakbo ng miting. Pilit daw na pinatitigil na sa pagsasalita si Ama Gaspar.
Pero ayaw paawat ni Ama Gaspar: Matagal nang pinasok ng pera ang maraming lugar ng Cordillera. Pera na ang nagpapatakbo sa buhay ng mga tao kahit na sa Tubo. Ang lahat ng kailangan, binibili. Ang yerong pambubong sa mga bahay, ang mga pako, at lahat ng kahoy na kailangan. Hanggang asin at asukal. Pati na ang mga pantalong maong nina Angat at Libnaw na parehong hindi na naman nakapagbahag mula’t sapul! Pati nga sa sigarilyo—may pumapansin pa ba ngayon sa mga tabakong pinatubo sa Tubo? Lukung-luko na ang marami sa nakakahang sigarilyo mula sa pabrika, ang mga lallakay at babbaket na lamang ang nagtitiyaga sa tabako ng Abra!
Padarag daw na naitapon ni Angat ang hindi pa nangangalahating hinihithit na sigarilyong Malboro. Si Libnaw naman daw ay waring naghahamong mayabang na nagsindi ng kanyang Philip Morris sa pamamagitan ng kanyang Zippo lighter.
Malakas na malakas silang nagkatawanan—silang lahat na magkakaharap.
“Ano pa? Ano pa?” masiglang urirat ni Jim na ganadung-ganado sa pakikinig.
“Niluluko lamang daw ng mga kasamang taga—patag ang mga taga-Cordillera. Pag nanalo daw ang rebolusyon, mga taga-patag ang maghahari dito. Sila raw ang hahakot ng mga minas at troso. Kaya paalisin na raw namin ang mga taga-patag, at ang NPA ng mga taga-patag. At mabuhay, mabuhay daw ang CPLA!”
“Pa’no mo ba sinagot ‘yun, Ama?” nakangiting tanong ng isang binatang Apatan kay Ama Linggayo. “Ikwento mo, Ama kina Ka Larry at Ka Jim, ikwento mo!”
“Kako, sa buong karanasan ng Apatakili sa NPA, hindi ang nanggaling sa patag ang mga luku-luko kundi ang mga tagarito. Sinu-sino ba, ‘kako, ang may kaso sa pagpatay sa mga baka at kalabaw ng masa? Hindi ba mga tagarito mismo?”
Muli, nangingiting nagkatinginan si Larry at Jim. Palagay ni Larry ay iisa ang kanilang naiisip habang nagsasalita si Ama Linggayo:
Noong nakaraang programa lamang ng kanilang distrito, naglunsad sila ng kilusan sa pagtutuwid. Kabilang dito ang paghaharap sa masa ng mga kasama, o ang pangalan ng mga kasama, na nadiskubre nilang may kinalaman sa mga baka at kalabaw ng masa na nagkawala sa erya nila. Inamin nila ang kahinaan sa nangyari. Sa loob ng panahong iyon ng rektipikasyon, inut-inot nilang binayaran ang mga animal na pinerde ng mga kasama. Buu-buong yunit sa loob ng teritoryo ang nagsakripisyo ng kanilang mga pondo sa pagkilos para maituwid ang mga kahinaan at kalabisan ng mga kasama sa naunang pagkilos. Marami sa mga nakabilang sa kaso ay kasama ngayon sa splinter group ni Ambo kabilang si Libnaw.
“Sinu-sino ang nagkakaso sa panluluko ng babae?” pagpapatuloy ni Ama Linggayo. “At maging nanggaling sa labas! Sinu-sino ang mga hindi nagbayad pagkaraang umutang sa tindahan? Tagarito! Kako’y mahirap na lang bumanggit ng mga pangalan.”
Talagang mahirap na ngang magbanggit ng mga pangalan si Ama Linggayo. Bukas na aklat sa lugar ang mga kasong pinatawan ng DA ng NPA kaugnay ng paglabag sa Punto 7 na nagtatakda ng disiplinang huwag pagsamantalahan ang mga babae (o ang mga lalaki). Kabilang doon si Libnaw. At ang asawa niyang si Farah—tatlong ulit, sa tatlo, iba’t ibang kasamang lalaki! A, ang pag-ibig nga naman—si Libnaw at si Farah sa NPA, si Libnaw at si Farah pa rin hanggang sa CPLA!
Pagkuwa’y naghalimbawa daw si Ama Linggayo ng mga kasamang nagmula sa kapatagan. Kabilang dito sina Larry at Jim.
“Itinanong ko sa kanila kung may makapagsasabing may isa sa inyong dalawa na nagnakaw ng kahit isang sisiw mula sa masa! Mayroon ba sa inyong nagsamantala ng babae, kasama man o masa? Mayroon ba kayong binili na hindi binayaran, o hiniram na hindi ‘sinoli?”
Naramdaman ni Larry na hindi lamang mga pisngi niya ang nag-iinit kundi pati na ang kanyang mga mata. Alam niyang gayon din si Jim. Nanatili na lamang siyang nakayuko upang ikubli ang mga luha ng kasiyahang namumuo sa kanyang mga mata.
Bilang pagwawakas daw sa kanyang diskurso sa katinuan at katapatan ng mga kasamang nagmula sa kapatagan, binanggit ni Ama Linggayo si Ka Roger. Si Ka Roger ay matagal na kumilos sa Ifugao bago siya nadestino sa Abra. Nagsimula siya sa pa-ligal na pagkilos. Naglala ng basket kasama ng mga masa. Nagtayo ng kooperatiba ng masa sa paglala ng basket. Habang hinihintay ang pagpasok ng armadong yunit sa kanyang lugar na kinikilusan. Nang dumating na ang NPA, kasama na siya ng masa sa masiglang pagsalubong dito. Hindi natagalan, kabilang na siya sa armadong kumikilos sa lugar.
Si Ka Roger ay namatay sa paglaban sa mga sundalong instrumento ng gobyerno at ng mga dayuhang kapitalista sa pandarahas sa mga mamamayang pambansang minoridad sa mga kabundukan sa Cordillera—upang maagaw ang lupaing ansestral sa mga lalawigang bulubundukin sa buong Cordillera, at madambong ang lahat ng likas na yaman ng mga ito.
Si Ka Roger, sa isang naganap na engkwentro sa pagitan ng yunit niya at ng pasistang tropa ng gubyerno, ay buong tapang na lumaban kasama ng buong yunit niya sa kabila ng malaking pwersa ng kaaway. Sugatan na ay patuloy pa ring nakilaban. Ikinomand niyang magsiatras ang mga kasama, at siya’y nagpaiwan upang sagkaan ang mabilis na pagsulong ng mga militar—upang makaligtas ang nakararaming kasama sa pagdaluhong ng mga kaaway mula sa kabi-kabila. Lumaban siya hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng kanyang hininga at nakaligtas ang lahat ng kanyang mga kasama sa yunit!
At hindi si Ka Roger lamang ang kaisa-isang kasamang nagmula sa kapatagan na nagbuwis ng buhay sa paglilingkod sa mga mamamayang Cordillera! Ano pang hahanaping patibay sa kapatagan, paglilingkod at sakripisyo para sa mga mamamayan?
Hindi nga lamang si Ka Roger, hindi nga lamang siya, pabulong na sinabi ni Larry sa sarili habang siya ay nakatungo; pausal na wari’y taimtim na dasal. Si Ka Mia at si Ka Fred sa Ifugao. Si Ka Senyang, si Ka Gina at si Ka Dong sa Benguet. Si Ka Joven sa Kalinga. At sa isang iglap na iyon ay hinayaan niyang tighawin ng mga luha ang nararamdaman niyang tagtuyot sa kanyang dibdib.
“Hindi ko lang sinabi sa miting, pero palagay ko’y alam ko na kung bakit sila humihiwalay!” patuloy pa rin ni Ama Linggayo, ang tinig ay nagbihis ng makapangyarihang igting ngayon. “May milagro, palagay ko’y may milagrong nangyari! Alam na naman natin ang mga pari, mahilig sa milagro!”
Mabilis na umangat ang mukha niya kay Ama Linggayo nang hindi na niya nakuhang pahirin ang luha sa mga mata. Si Jim man ay nakaangat na rin ang mukha sa matanda ng Apatan.
“Meron nga ho, Ama,” ani Jim. “Ang milagro sa Edsa na nagpatalsik kay Macoy. Tinawag iyon ng mga relihiyoso na isang milagro. Isang rebolusyong hindi madugo, isang milagro!”
“Pwedeng isa nga ‘yan. Baka gusto nang manahimik ni Ambo. Bago na ang nasa puder, baka iniisip nina Ambo na tapos na ang laban. Baka nag-iipon lang ng lakas para sa kapangyarihan sa pakikipatawaran kung sakali! Baka nga. Pero baka may iba pang milagro.”
Gustong pumalakpak ni Larry: Ang husay-husay mag-isip ni Ama Linggayo. Tulad din ni Ama Gaspar. May iba pang milagro si Ambo. Alam niya ni Jim. Pero hindi pa nila masasabi kahit sa lalong mapagkakatiwalaang mga masa sa konsolidadong mga baryo. Hangga’t hindi pa opisyal ang paghiwalay nina Ambo. Kung mananatili si Ambo sa organisasyon ng NPA, lagi na’y iahahain sa kanya ang pagkakataong magtuwid at magbago. Kung paninigasan niyang huwag aminin ang kanyang mga kahinaan at pagkakamali, malamang ngang magtuloy na siya sa paghihiwalay. At hindi malayong magtuluy-tuloy pa ring makipagkulaboreyt sa mga kaaway.
“Ang pangyayari ngang ito, Ama, bagamat masaklap, ay pagkakataon naman para sa ating masusing pag-aaral,” sabi niya. “Tulad ng dati, pagtulung-tulungan nating tuklasin ang tutuo sa likod ng mga pangyayari!”
“Tumango-tango sa Ama Linggayo, bago,” “Kumusta na ba si Ka Nestor, Ka Larry? Sigurado n’yo bang atin pa siya?”
Nagkatinginan sila ni Jim.
“Bakit ho, Ama?”
“Wala naman. Napag-isip ko lang, tulad din ni Gaspar, at madalas nga naming napag-uusapan mula nang sumulpot ang CPLA: Si Angat ay siyang mensahero ni Ambo no’ng siya’y pari pa. Si Libnaw ay sakristan naman n’ya. Ang maraming kasama nila ngayon sa CPLA ay mga kababaryo, katribo, kababayan, kamag-anak. Si Ka Nestor ay kapwa-pari ni Ambo at matalik na kaibigan kahit no’ng bago pa sila nagpari, at magkakabayan pa rin—siguro nama’y naikwento na ito ni Ka Nestor sa inyo.”
“Dito sa Tubo, o kahit na sabihin pang sa buong Abra, dito ang balon ng mga kakilala, kamag-anak, katribo, kababaryo, kababayan, ng mga nasa CPLA na ngayon. Kaya siguro lumipat sila dito para makapagparami. Sa mismong pwersa ninyo, Ka Larry, Ka Jim, marami silang kamag-anak o personal na kakilala, liban pa sa mga katribo at kababayan. Si Ka Jet at Ka Blante ay mga katekista ni Ambo. Sina Ka Mulong at Ka Lacson ay mga pamangkin ni Angat. At marami pa ‘dyan.”
“Sinasabi ko sa inyo ngayon, para mapag-isipan n’yo at tuloy ay mapaghandaan. Alam n’yo naman sa mga komunidad ng minoridad na may labi pa ng pagka-tribo—talagang malakas pa rin ang angkan at tribo.”
Titig na titig sila ni Jim sa mukha ni Ama Linggayo. Sa makulubot na mukhang iyong kayumangging-kayumanggi sa pagkakalasab sa araw. Sa matalisik na matang iyon na kung ititig sa kausap ay wari bang ang tinutunghayan ay ang kaluluwa ng kaharap. Putting-puti na ang mga buhok niya. Ang mukha’t buhok ni Ama Linggayo ay nagsasabi ng kanyang katandaan. Pero hindi ang unat, matipuno at matikas pa rin niyang pangangatawan, at ang matalisik niyang mga mata.
Naisip ni Larry na para sa kanya, si Ama Linggayo ay isang pantas. Tulad din ni Ama Gaspar ng Ataki. Ang katalinuhan nila ay hindi nagmula sa maraming-maraming aklat na nabasa, hindi sila nakapagbasa nang marami. Ang angking talino nila ay nagmula sa mahabang-mahabang karanasan nila sa pakikibaka sa produksyon at pagkabuhay. Gayundin sa mataos na pakikipagkilala at pakikipagpalitan ng mga karanasan sa mga taong nakatalamitan nila sa buhay. Talinong hinahasa at pinatatalas pa ng pagsisikhay na patuloy na matuto at walang humpay na pagsisikap na makapag-aral.
Nangunguna si Ama Linggayo at Ama Gaspar sa pakikiusap sa mga pag-aaral na idinaraos ng NPA. Masigla sa pakikipagtalakayan. Hindi nauubusan ng mga tanong. Nagpapakahirap na magbasa ng mga babasahin. Nagsasanay maging sa pagsusulat kapag may mga importanteng dapat na maitala.
Malaking-malaki ang naitutulong nina Ama Linggayo at Ama Gaspar, at lagi na’y sinasabi naman nilang maraming-marami silang natututuhan, sa pagdalo nila nang regular na mga pulong kaugnay ng pagsusuring panlipunan, mga pulong sa tunggalian kaugnay ng mga suliranin; at mga pulong sa pamumuna at pagpuna-sa-sarili para maituwid ang mga kahinaan at pagkakamali sa paggampan ng mga gawaing masa.
Sino ang magsasabing ang mga pantas ay maaari lamang maging produkto ng mahuhusay na unibersidad? Ang mayamang buhay na karanasan na nilalagom at pinaghahanguan ng mga ginintuang aral ay nagpapanday din at nagluluwal ng mga pantas.
Ang matatandang lalaki ng Cordillera, tulad nina Ama Linggayo at Ama Gaspar ng Abra, o kaya’y tulad nina Ama Lumbaya at Ama Macli-ing ng Kalinga, mga lider-masa ng mamamayang Cordillera laban sa mapaminsalang mga proyekto ng gobyerno at mga korporasyong multinasyonal na katulad ng Chico River Dam Project sa Kalinga at Bontoc at ng Cellophil sa Abra, Bontoc at Kalinga, ay mga pantas na pinatalino ng kanilang mga karanasan sa mahabang pakikibaka para sa kapakanan ng kanya-kanyang mga komunidad gayundin ng lahat ng mga lalawigang bulubundukin sa Cordillera.
Sa
kanilang kabataan, kasama na nila ang kanilang mga magulang at mga kababayan sa
pagtutol at paglaban sa planong pagtutroso ng Heald Lumber sa kagubatan sa
hangganan ng Abra at Bontoc. Sa pagbubukas ng minahan ng mga Amerikano sa Bwasao sa
Kak-awngi at sa Mainit na pawang nasa Bontoc. Sa
surbey ng mga Araneta sa pagtutroso sa tuktok ng Tulga at Dananao sa Tinglayan,
Kalinga. Sa
pagbubukas ng minahang Butilao sa lupain ng mga tribung Butbut at Tulgao sa
Kalinga.
Magiting
na mga karanasan ng puspusang pagtatanggol sa
ansestral na mga lupain na nilalayong agawin at dambungin ng mga lokal at
dayuhang mamumuhunan sa pakikipagsapakat ng gobyerno.
Sila ay
mga tunay na pangat sa tradisyunal at napapanahong
kahulugan ng pagiging pinuno ng kanilang mga komunidad at ng mga kababayang
kapwa-minoridad sa buong Cordillera!
Takipsilim
na nang kanilang tapusin ang pagbabalitaan. Bilang
pagtatapos sa pangunguna ni Ama Linggayo ay pinayuhan
sila ni Jim ng mga matatanda ng Apatan hinggil sa seguridad.
Doblehin daw nila ang pag-iingat. Mahirap tantyahin ang likot ng isip ni Ambo at mga tauhan nito.
Mahirap na basta magtiwala na lamang. Huwag nilang ilalayo sa
kanila ang kanilang mga baril at ammo belt.
Pati ang kanilang mga makoto. Kailangang magposte sa
gabi, at tutulong sa kanila ang mga kabataang lalaki sa sityo.
Sa kanilang pagtulog—sa loob man ng sityo, o sa
gilid, kung kinakailangang sila'y mag-physical base—pasasamahan sila ng mga
binata at batang lalaki ng Apatan.
Silang dalawa ni Jim ay parehong mga
taga-patag, at ang CPLA ay kusang pinagagalit ni Ambo, Libnaw t Angat sa mga
kasamang taga-patag. Mabuti nang may
suporta silang minoridad habang hindi pa dumurugtong
sa kanila ang mga kasama nilang mga pambansang minoridad.
Isinama
sila ni Ama Linggayo sa bahay nito. Tyempong nakaluto na
ang butihing maybahay ng matanda.
Ipinaghain sila at niyayang kumain na.
Habang
kumakain ay paulit-ulit na sinabihan sila ng matandang
babae na kumain sila ng marami at magpakabusog na mabuti.
Kung
kailangan namang sila ay mabilis na makapagtago kapag
nagkabiglaan, sumuot na lamang daw sila sa ilalim ng tapis nito at tiyak na
ligtas silang dalawa ni Jim sa sinapupunan niya na parang sila'y tunay na mga
anak nito!
A, Ina
Limaton, Ina Limaton, mapapahiya sa kanya ang mga
babae ng
Nasulyapan
ni Larry si Jim na ngiting-ngiti pero may luhang
nangingilid sa malalaki at malalamlam na mga mata.
Hatinggabi
na. Nagsimula na ang posting—isang
binatang Apatan ang una--batay sa iskedyul na inihanda ni
Jim. Tulog na
ang iba pang mga binata at batang lalaki sa palibot ng higaan nila. Pareho silang gising pa rin ni Jim.
Naririnig
ni Larry ang huni ng Otip sa pagdaloy nito. Magaralgal iyon.
Waring tinig na may halak. Ganoon ang Otip--katulad din ng Chico sa Kalinga—kung tag-araw. Laluna kung
chagun. Parang hirap na
hirap sa pag-agos. Minsan pa nga'y
waring tumigil nang dumaloy—kung mangyaring pinababaw
na nang mababaw na mababaw ng sobrang init ng tag-agaw.
Naisip niya ang kilusan. Ang pambansang
demokratikong kilusan. Katulad ng
panahon sa Pilipinas mayroon din itong mga panahon ng
tag-ulan, at mga panahon ng tag-araw—o maging tagtuyot na kung tawagin nga sa
Cordillera ay chagun.
May mga
panahong mabilis
ang paghahasik, masigla ang pagsibol, mayamungmong ang pamumulaklak at hitik
ang pamumunga. Sa mga panahong ang kasiglahan
ng pagkilos ay masinsing katulad ng patak ng ulan at ang masa ay matabang
lupang naghihintay lamang ng pagpupunla at masuyong mga kamay na
mangangalaga--upang ang unti-unting pagsibol ng kamulatan ay hindi ubusin ng
mga insekto o kaya'y agawan ng sustansya ng mga damo.
Pero
mayroon nga ring panahon ng tagtuyot na katulad ng
chagun sa Cordillera. Mga
puno ay naibubuwal pa, at nasusunog—mga dahon, mga sanga pati katawan, hanggang
ugat, ay nagiging uling. Parang
mga kaingin na kawangis ay malupit na lapnos sa
dibdib. Na tag-ulan ng lamang ang makapaghihilom upang maging luntiang muli!
Ang
paghihiwalay ng pangkat ni Ambo sa Bagong Hukbong
Bayan ay nakakahalintulad ng hinawang tiwangwang na mga kaingin sa kabundukan
ng Cordillera, at sa dibdib ng kilusan. Mangangailangan ito ng gawaing katulad ng masinsing patak ng ulan.
Ng masigasig na pagbubungkal sa lupang labis na
tinigang ng init. Ng
ibayong sipag at paghahasik. At
ng dobleng pangangalaga upang mabunot sa paligid ang
mga damong kaagaw sa likas na sustansya ng lupa, at maitaboy ang mga insektong
maninira sa mga dahon, bulaklak at bunga ng muling sisibol na mga halaman ng
kamulatan.
Marami
raw reklamo sa pamunuan ni Ambo, iyon ang pamarali
niya. Tungkol sa linyang pampulitika. Tungkol sa pagbubuo ng
pormasyong kompanya ng hukbo. Tungkol sa mga taga-patag na nasa pamunuan. Tungkol sa kung
anu-ano pa.
Nakasama
niya nang matagal sa pagkilos ni Ambo. Kung siya ang
tatanungin kung ano ang pagkakilala niya rito, simple
lang ang sasabihin niya: Lagi na’y gusto
ni Ambo na ito ang bida. Kaya malamang,
ang gusto ni Ambo ay nasa pamunuan siya—hindi lamang
sa isang distrito kundi sa buong Cordillera.
Hindi lamang sa pulitika gusto niyang magbida,
gusto rin niyang bida pa rin siya sa militar.
Kaya kinuwestyon niya ang pagkakabuo ng kompanya nang hindi
siya isinama. Gusto niyang bida siya na katulad ng
pagiging bida ng pari sa pulpito na tinitingala at inaamenan ng lahat. Gusto ni Ambo na
maging pangat ng buong Cordillera, piryud.
At ang
masidhing kati ni Ambo na kilalaning bida, ay natyempo sa panahon ng kanyang
personal na krisis.
Nahuli sa
At
natyempo pa rin ito sa pinakamalaking pagbabago sa
pambansang sitwasyon: Si Macoy ay napalitan na sa pagka-pangulo ng Pilipinas ng
maybahay ng pinaslang na Senador Benigno Aquino—si Corazon Cojuangco Aquino, ng
pamilya “Himala sa Edsa” na ang promutor ay si Cardinal Sin.
Sa isip ay nirebyu ni Larry ang mga datos sa
pangyayari bago at pagkaraang maganap ang “himala” sa Edsa na ipinadala ng mga
kasama sa labas:
Pagkaraan lamang ng asasinasyon kay Aquino, kumilos na agad ang CIA (Central Intelligence Agency). Inatasan nito si David Rosenberg, dating CIA, na mag-aral sa kalagayan ng Pilipinas pagkaraang paslangin si Aquino. Siguradong nasaksihan ni Rosenberg kung gaanong isinusuka na ng sambayanan si Ferdinand E. Marcos. Ang mabilis na pagsulong ng armadong pakikibaka sa kanayunan. Ang pagdaluyong ng kilusang masa. Sa mga syudad at mga sentrong bayan, maging ang panggitnang pwersa ay napapakilos na sa mga aksyong masa dahil sa pagkakapaslang kay Aquino.
Snap election. Nagsugo si Reagan—Presidente ng Estados Unidos—ng kanyang mga kinatawan upang subaybayan ang takbo ng bilangan ng mga boto at kaalinsabay ay pulsuhan si Macoy at si Cory. Ang isa’y si Senador Lugar. At ang isa pa’y si Philip Habib, ang kanyang ispesyal na troubleshooter.
Nadiskubre ang malawakang pandaraya at
iregularidad sa eleksyon sa panig ni Macoy. Iniulat ito ng 44-kataong grupong
multinasyonal na nagmasid sa halalan. Naging sanhi ito ng pagwa-walkout ng mga
tabulator ng Comelec Quick Count sa PICC. Kinondena ito ng Catholic Bishops Conference
of the
Nagpanukala ang Washington ng isang gobyernong
koalisyon nina Aquino, Laurel at Macoy. Mahigpit na
tinanggihan ito nina Cory at Doy.
Iprinoklama ng Batasan si Macoy
bilang siyang nagwagi. Nag-walkout ang 50 miyembro ng parlamento na kabilang sa oposisyon.
Ang mga bansang myembro ng
Ang mga lider ng Kanluran ay nanawagan ng
imbestigasyon sa katatapos na halalan. Ang mga oposisyon ay nakipagpulong sa mga mission head ng 54 na embahada sa Pilipinas.
Nagdeklara ng rebelyong militar sina Juan Ponce
Enrile, ministro ng depensa, at Fidel Ramos, ang hepe ng AFP,
pagkaraang magbitiw ni Ver.
Lumabas sa telebisyon si
Macoy. Ipinahayag na
nadiskubre niya ang planong Enrile-Ramos na patalsikin siya. Nanawagan na kalimutan na ng dalawa ang
Si Cory nama’y naglunsad ng pambansang kampanya ng civil disobedience.
Nanawagan si Cardinal Sin. Ang lahat
ay pinapupunta sa Edsa. Pupung libong mga relihyoso at sibilyan ang
dumagsa sa harapan ng Crame at Aguinaldo para pigilin
ang pag-atake ng mga tropa at tangke ni Macoy.
Sa mga umaatakeng mga tangke’t tropa ni Macoy,
sila’y nag-alay ng dasal, rosaryo, at mga bulaklak. Nagsitigil ang mga tangke at naglipatan ang
mga sundalo ni Macoy sa kampong Enrile-Ramos.
Sinabihan ni Reagan si Macoy na
bumaba na mula sa poder ng kapangyarihan. Ang anumang pagtatangka na
pahabain pa ang buhay ng kanyang administrasyon ay masasayang lamang.
Inatake ng isang helicopter
gunship ang Malakanyang. Habang
nakaantabay ang dalawang US jets para sa paglilikas
kay Macoy. Nang masiguro ni Macoy na hindi na niya hawak ng AFP ay napahinuhod na rin siya
sa wakas. Mula sa
Malakanyang ay inilipad siya ng isang US helicopter patungong
At
nagdiwang ang mga tao sa Edsa. Tinawag nga nilang “himala” ang naganap na komprontasyon sa Edsa.
Tinawag din nila itong people power.
Ang malaking kasiyahan ay kawangis nga ng isang
euphoria. Isang uri ng kasiyahang
katulad ng kung ikaw nga ay sakbibi ng isang himala. O
nasa ilalim ng kapangyarihan ng drugs. O kaya’y naglulunoy sa
kaluwalhatian ng sex.
Mayroon
nga bang himala sa pangyayaring naganap? Wala, sagot sa
sarili ni Larry. Malinaw ang mga papel
sa drama sa
Edsa. Kitang-kita ang papel ni Uncle Sam, at napakanatural ng pagkakaganap ng mga papet!
Sa anu’t anuman, malinaw ang epekto ng pangyayari sa
Edsa. Inilagay nito ang bansa at mga
mamamayan, pati na ang pambansang demokratikong
kilusan, sa isang sangandaang historikal.
Kung-saang ang lahat ay hinihingan ng kapasyahan: mga indibidwal, mga
grupo’t organisasyon, mga komunidad, ang buong lipunan, ang sambayanan, ang
buong bansa.
“Ka
Jim…” tawag niya sa katabi, “ano sa palagay mo: magtutuloy na humiwalay sina
Ambo, o mananatili pa rin sa ‘tin?
Tumikhim muna si Jim, bago, “Kung baga sa saranggola, Ka Lar,
paalagwa nang talaga si Ambo batay sa naging usapan nga natin sa kampo. Estado
at Rebolusyon lang nag makapagliligtas sa kanya, pero
sabi n’yo nga ay mahina s’ya rito. Hindi siya napagbago ng
kilusan at pakikibaka. Namalagi
siya sa mga sapot ng metapisika ng kanyang
relihiyon. At
gayundin, ng kulto ng tribo at ng relihiyon niya!”
“Saan s’ya patungo. Ka Jim? Sa palagay mo’y
saan patutungo si Ambo?”
“Kung
saan patungo ang lahat ng demagogo, Ka Lar: Sa mga pahinang may sumpa ng
kasaysayan!”
“Pero sa hinaharap pa ang sumpa, Ka Jim. Sa
ngayon, parang tayo ang mga isinumpa! Ano ang pakiramdam mo,
Ka Jim?”
“Lagi na’y tinatalo ng aking galit ang aking lungkot, Ka Lar!”
“Ako man, Ka Jim. Pati na
ang aking mga takot ay tinatalo ng aking galit.
Ano ang palagay mo kay Ka Nestor, Ka Jim? Ano
ang palagay mo sa sinabi kangina ni Ama Linggayo?”
Natatandaan
kong tinanong ko minsan si Ka Nestor kung gaano sila
ka-close ni Ambo. Ang sagot niya sa ‘kin: Hindi raw niya makakalimutan ang kanilang
‘horseback-riding under the moonlight’! Ano’ng masasabi mo
dito, ha, Ka Lar, ano’ng masasabi mo?”
“Yan
ang sikreto ng mga charismatic na personalidad na
katulad ni Ambo. Nagbibigay sila ng aura
ng romansa, at kayang lumikha nito! Ang rebolusyon ay isang piknik—waw, di ba?”
“Parang ang sutanang suot ng pari at ang nakabitin sa pagitan ng
kanyang mga hita na hindi kita sa pulpito!”
Malakas
siyang napahalakhak sa huling tinuran ni Jim. Mabilis niyang tinutop ng
mga palad ang bibig.
“Tatawa-tawa
ka d’yan, Ka Lar, hindi mo alam ay nasa adyenda ka ni
Ambo! Nakahanda ka ba, Ka Lar? Maghanda ka, maghanda
tayong dalawa, sabi nga ng Apatan!”
“Dito sa ibaba ng kampo, tayong dalawa laban sa CPLA! ‘Yang ang
romansang kailangan natin ngayon, palagay ko. Revolutionary romanticism! Pahinga na tayo, Ka Jim, at maging handa para bukas. Magpuposte pa tayo.”
Ipinikit niya ang mga mata. Naririnig na naman
niyang muli ang magaralgal na huni ng Otip.
Hindi
umulan sa buong magdamag. Kinabukasan ay patuloy pa
rin ang chagun.
Magtatanghali
na ay wala pa ring sulat si Nestor. Nagpapunta sila ng masa sa
Kili. Nang bumalik ito at nagbalitang
ang pangkat nina Mars na mula sa Tiempo ay nasa Kili
na. Gayundin ang grupo nina Jet mula sa Licuan.
Wala pa ring sulat mula kay Nestor. Bisi daw
kasi ito sa pagharap sa pwersa kaya hindi magawang
sumulat. Ang masa na
rin na nanggaling sa Kili ang nagbalitang kahapon pa nagpunta sa kampo sa
Baclingayan sina Ambo, Libnaw at Angat, at may kasamang pwersang suporta ang
mga ito.
Makapananghalian
ay nagpasya sila ni Jim. Pupunta sila sa Kili.
Sila mismo ang sasalubong sa dalawang tim ng
teritoryo na dumating. Mabuti nang maging maagap sila.
Sa tulay sa itaas ng bukal sa gilid ng Apatan ay
sinita sila ng mga babae ng Apatan.
Nagsitigil ang mga ito sa ginagawa—paglalaba,
paghuhugas ng mga gamit sa kusina, at paliligo—at sinita sila. Nang malamang sa Kili ang punta nila, parang galit na
sinabihan sila: Ano ba raw sila, naluluko na?
Na sila ba’y nagpapakamatay? Nakita nang delikado ang
panahon, magpapahara-hara pa? Ba’t ba hindi na
lang muna sila manahimik sa kinalalagyan nila?
Buong
lumanay siyang nagpaliwanag: Hindi lang sila ni Jim
ang tao ng teritoryo. May pananagutan
sila sa iba pang mga tauhan ng distrito. Na dumating na ang
tim ni Mars mula sa Tiempo. At ang tim din ni Jet mula sa Licuan. Sasalubungin lang
nila ang mga kasama. At isasama nila sa Apatan. Sa Apatan sila mag-uusap-usap. Hindi naman
sila magtatagal at babalik agad.
Mahigpit
silang pinaalalahanan ng mga babae ng Atapan:
“Pasa-alerto!”
“Oo. Lalo na sa matataas na
gilid ng daan. At sa
parteng madadawag.”
“Pasa-distansya! Pero siguraduhing
magkakasuportahan kayo ni Ka Jim kung anu’t anuman.”
“Hindi kayo daraan sa ibaba ng Kili. Sa gilid ang daan, do’n sa masa mataas.”
Nakatawang
sinaluduhan nila ni Jim ang mga babae ng Apatan.
Wala
pang sampung minutong naglalakad sina Jim ay napatigil na
sila. May mga dumarating na kasalubong nila.
Natanaw nilang nakaarmas ang ilang sa mga iyon.
Mukhang mga masa ang marami sa mga iyon. Siningkitan niya ang mga sa
pagsipat at pagkilala sa kung sino ang mga armadong kasama ng masa.
“Ka
Lar, mga taga-Ataki!” sabi ni Jim? Putris na mga mata ‘to, lumalabo na talaga.”
“Si Ka
Mars, Ka Lar! At si Ka Jet! May taginting na tinig ni
Jim. “Hindi ko kilala
ang iba.”
Sinalubong nila ang mga dumarating. Mga masang taga-Ataki nga sa
pangunguna ni Ama Gaspar. At naroon na rin si Ama Linggayo. Si Mars. Si Jet. Ang iba pang armado ay nakilala niyang
mga kasamang taga-Kalinga. Mga kasama sa teritoryo ni Ambo. Mga CPLA? Malamang, malamang! Pero ang
mahalaga’y naroon si Mars at si Jet.
Sa bugso ng tuwa’y nasugod ng yakap ni Jim si
Mars.
“Ka
M-mars?” nagugulumihanan ang atubiling tinig ngayon ni
Jim. Nakakapanibago
talaga si Mars. Si Jim ang kalihim ng Seksyon Uno ng distrito, at si
Mars naman ang tim lider ng armadong yunit sa ilalim
nito. Magaan at
malapit ang relasyon nila. Puno
ng masayang batian, biruan at may kasama pang yakapan ang kanilang pagkikita
pagkaraan ng panahon ng paghihiwalay sa pagpapatupad
ng mga gawain sa sakop ng seksyon. Ano’ng nangyari kay Mars?
Ngiting-ngiting binati naman niya si Jet. Pero
si Jet ay hindi ngumiti. Madilim na
madilim ang mga mata nito sa pagkakanut-nuo. Nakatingin lamang ito sa kanya na para bang hindi siya kilala.
“Sa
Apatan na tayo,” sabi ni Ama Gaspar. Na mabilis na
sinang-ayunan ni Ama Linggayo at ng mga masang kasama nila.
“Tayo na nga!” paungol na sang-ayon ni Jet. “Tayo na,
nang matapos na ‘to! At sinulyapan lamang silang dalawa ni
Ka Jim bago mabilis nang tumalikod.
Sumunod sa nagpauna nang si Mars. At sinundan ng mga taga-Kalinga.
Nilapitan niya ang tila natutulingag pa ring si Jim. Tinapik niya ito sa
balikat.
“Tayo
na, Ka Jim, nang malinawan natin ang lahat.”
Nagpauna
na si Ama Linggayo at sinundan ito ng iba pang
masa. At sumabay na
sila sa paglakad, nagpapagitnaan ng mga masa.
Si Ama Gaspar ang pumwesto sa dulo ng kanilang
linya.
Tuluy-tuloy
sila sa bahay ni Ama Linggayo. Pabilog silang naupo sa
sahig sa kabahayan, ang mga dinding ang ginawa nilang sandalan. Ang mga baril
nila ni Jim ay pareho nilang isinandig sa dinding sa
kanilang tabi habang ang kanilang makoto ay inilagay naman nila sa kanilang
harapan. Mula sa
bukal ay nagdatingan ang mga babae ng Apatan at nakiupo rin sa umpukang
iyon. Si Jet at si Mars ay nakaupo sa tabi ng dinding na kaibayo nila. Ang mga taga-Kalinga na
kasama nila ay hindi nakiupo, nasa kusina at pasilip-silip lamang sa kanila
mula sa pintuan.
“Ano’ng balita, Ka Jet?” nakangiting simula niya.
“H’wag mo sanang masamain, Ka Larry.”
Nakangiti
pa rin ang bibig niya, pero hindi na ang mga
mata. “Ano ‘yun Ka
Jet? Kung hindi masama bakit mamasamain?
Diretsuhin mo na.”
At
diniretso nga ni Jet: “Kukunin namin ang pera ng
Baclingayan. Ang CPLA
na ang bahalang magpatupad sa proyekto.”
Biglang naglapat ang kanyang mga labi kasabay ng pagtitiim ng kanyang
mga pilipisan. Napasulyap siya kay Jim.
Walang kangiti-ngiting itinaas niya ang isang kilay kay Jim habang hindi niya mapigil sa paniningkit ang kanyang mga mata.
Bahagya
siyang yumuko upang hindi mabasa ng lahat sa mga mata
niya ang sinasabi ng isip at loob niya.
Putangna, hindi siya nagpakatanda rito sa
kilusan para magpaluko lang basta nang ganoon!
Putangna talaga, oo! Kinuyom niya nang mahigpit ang mga daliri ng
dalawang kamay upang mapigilan niyang maitantos sa
mukha ni Jet ang isang panggitnang diliri.
“Pa’no kung… kung hindi namin ibigay?” mababa at makapal ang tinig
niya.
“Hindi namin gusto ang gulo, Ka Larry. Ibibigay n’yo sa amin ang pera.”
Mabilis
na umangat ang mukha niya kay Jet. Hindi na niya itinatago ngayon ang sinasabi ng naniningkit niyang
mga mata.
“At
sino’ng may sabi sa inyong ibibigay namin? Parang sinabi mo, Jet, na
tayo nang magnakaw sa masa, at pinipilit mong papayagin kami!” Lumabas na nga ang
komprontatibong karakter niya. “Hindi kami papayag. Ano’ng gagawin n’yo? Pipilitin n’yo kami? Didis-armahan?
Papatayin, basta makuha n’yo lang ang perang pareho
namang hindi sa ‘tin? Gawin n’yo ang gusto n’yo pero hindi n’yo makukuha sa
‘min ni Jim ang pera para sa irigasyon ng Baclingayan.!”
Labis ang kanyang pagpipigil at hinihingal siya nang matapos. Habang si Jet naman ay kukurap-kurap na titig na titig sa kanya.
“Ang
pera, Jet, ay para sa irigasyon ng masa. Tagarito ka,
naranasan mo rin ang lupit ng chagun! Alam nating ng tuor ay hindi
makakalikha ng irigasyon. Isang sistema
ng patubig ang kailangan ng masa upang kunin ang tubig kung
saan mayro’n. Sa ilog, sa bukal, at padadaluyin kung
saan kailangan ito. Sa
payaw, kahit sa mga kaingin! Ngayong may
proyekto na sila, ngayong may dumating nang tulong na
sumisimpatya sa kanilang pagkakaisa, saka natin bubulabugin! At
nanakawin pa natin ang perang pinagpagurang ipundar nila at ng kanilang hukbo!”
Tuluyan nang napayuko si Jet. Si Mars ay nagtakip ng
panyo sa mukha.
“Jet,
kasama…ikinlulungkot ko. Bigo ang
unang atas mo mula CPLA. Hindi n’yo makukuha ang pera. Hindi namin ibibigay kahit ano’ng mangyari,
kahit patayin n’yo kaming dalawa ni Ka Jim. Pera kasi ‘yun ng masa.
Ang para sa masa ay para sa masa, nakalimutan mo na
ba?”
“Si Ka
Nestor ang nag-utos sa aming kunin ang pera,” mahinang-mahina ngayon ang tinig ni Jet. “Ang CPLA na raw ang magpapatupad ng mga proyekto para sa masa rito
sa teritoryo. Makakasama pa rin
daw kayo ni Ka Jim sa pagpapatupad sa mga ito kung
kayo’y magsi-CPLA na rin.” Hindi na matigas ang mukha nito. Mailap, malikot
lamang ang mga mata.
Pahablot
na inalis ni Mars ang panyong nakatakip sa kanyang
mukha. Mapulang-mapula ang mga mata nito, ang buong mukha. “Gusto ko lang
ilinaw na h-hindi… hindi ako nagpunta rito para… para magpatupad sa atas! Sabi ko nga kay
Nestor, ba’t hindi s’ya ang kumuha? Sila ni Ambo ang gigil na
gigil na makuha ang pera, silang ang kumuha!”
“Narito
ka rin, Ka Mars,” malumanay na usig ni Jim kay Mars.
“Kasama nina Ka Jet. Hindi ba pagsunod na rin ‘yun sa atas? Isang antas na rin ng pagpapatupad?”
“Hindi! Sumama ako para pumigil kung
susundin nila ang ikalawang atas!”
“Ano ang ikalawang atas, Ka Mars?”
“Ang pagdis-arma sa inyong dalawa kapag hindi n’yo ibinigay ang pera.
Dis-armahan daw kayo at itaboy sa Bontoc at palabasin
na ng Cordillera! Hindi ko papayagang
gawin nila ‘yun, Ka Larry, Ka Jim, hindi ko papayagang galawin nila kayo, hindi
ako papayag!” Parang batang umiiyak na si Mars ng iyak na halos panangis.
Angat na angat ang mukhang matiim na pinagmasdan ni Ama Gaspar si
Mars. Nakangiti ito pero namumuno sa luha ang mga mata.
“Sige
na, Mars,” sabi ni Ama Gaspar. “Kami na ang bahala kina Ka Larry at Ka Jim. Kaming mga masa ng Apatan at Ataki na pinagtulung-tulungan n’yong maimulat! Hintayin mo na lang
kami sa ibaba. Isasama ka naming umuwi sa Ataki habang naguguluhan ka pa sa mga nagaganap. Ibig
kong malaman mo, anak ko, na natutuwa ako, kaming lahat, sa paninindigang
ipinakita mo sa
harap ng usaping ito ngayon. Anak ka nga ng Ataki!”
Mabilis nang tumayo si Mars. Napatigil sa harapan
ni Jim. Tumayo si Jim at niyakap nang
mahigpit na mahigpit si Mars. Yumakap sa kanya nang mahigpit na mahigpit din
si Mars. Nakangiti’y
umiiyak si Jim.
Nagmamadaling
tumayo si Jet at tuluy-tuloy nang lalabas nang tawagin ni
Larry.
“Kung tunay na para sa masa
ang CPLA, Ka Jet, tulad nang sinasabi nina Ambo, ang isang pagkakakitaan nito
ay kung tunay na pinanghahawakan nito ang linyang masa. Kung tuluy-tuloy ka na nga sa CPLA, ito siguro ang unang dapat ninyong mahigpit
na pagkaisahan!”
Nagtuloy nang lumabas si Jet. Nagkulusan sa kusina
ang iba pang mga kasama niya at tuluy-tuloy nang nanaog upang magbalik si Kili.
Nagtanguan, nagngitian silang mga naiwan. Nakita niya na ang
mga mata ng halos lahat ay may luha.
A,
magwawakas na yata ang chagun! Nagyakap sila nang mahigpit ni Jim. Pareho silang tumatawa-umiiyak, umiiyak-tumatawa. At
nakitawa’t nakiiyak sa kanila si Ama Linggayo at si
Ama Gaspar, pati na ang iba pang mga masa ng Apatan at Ataki!