KA ORLAN

Thirteen Day’s War

 

DEAR ARLENE AND CALOY,

          Mainit na pagbati at pangangamusta sa inyo!

          Habang isinusulat ko ito, wala na kami roon sa lugar na pinuntahan ninyo, pati na rin ang ibang mga kasama at organo, dahil binira ng atake ng kaaway ang lugar.  Kaya, pansamantala, vacated ang area.  Ganito nga pala ang istorya ng buong pangyayari:

Noong Mayo 1986, nang umorder si Gen. Ramos ng opensiba ng NAFP, bumira rin sila rito, kasabay sa Cagayan offensive.  Noong May 4-10, buong battalion ng 7th IB ang nag-operasyon sa Barrio Bactolon area, Sepalay, Negros Occidental.  Balak sana nilang pasukin ang lugar na pinuntahan ninyo. Pero na-frustrate nang banatan ng yunit gerilya ang isang kolum nila bilang depensibong aksyon ng NPA.  Resulta noon, minortar nila ang lugar—38 mortar shells and binira ng NAFP sa isang gabi lang; walong bahay ang sinunog at isang magsasaka ang kanilang pinatay.

June 20: Our NPA units fought back.  Tatlong battles and inilunsad ng yunit gerilya sa Hinobaan, southern Negros.

5:45 a.m. Ni-reyd ng platoon ng yunit gerilya ang detachment ng B “Coy” patrol base sa Talacagay, Hinobaan.  Nagsitakbuhan ang AFP troopers at isa ang nalabing sugatan sa detachment; sumurender siya. Nakumpiska ng yunit gerilya ang isang M16 at isang karbin.  Sinunog ang detachment.

10 a.m. Inambus ng blocking force and reinforcement team ng kaaway, mga half-kilometer from the town proper of Hinobaan.  Napigilan ang reinforcement team.  Maraming sugatan sa pasistang tropa (uncounted).

2 p.m. Isa ring reinforcement team and hinarang ng isang yunit ng NPA mula sa northern part ng Hinobaan.  Pinasabog ang kanilang sasakyang pick-up ng land mine na ibinaon ng mga kasama sa kalsada.  Sentrong tinamaan ang pick-up at pinalipad ng explosive, umangat sa lupa nang limang metro ang taas.  Ang limang sundalong nakasakay  ay hindi namatay; tatlo ang sumurender.  Limang high-powered rifles and nakumpiska ng yunit gerilya.  Ginamot ang sundalong sugatan at sumurender.

Talung-talo ang AFP sa naturang labanan.  Pati sa propaganda, dahil nateyp namin nang live ang labanan at ipinarinig sa radio sa Bacolod.  Sayang at hindi namin nakunan ng retrato  dahil nasira ang dala naming camera sa impact ng putok ng explosive.

June 24: Nag-retaliate at muling nag-offensive ang NAFP, reaction sa tactical offensive ng hukbo.  Papasok naman sana sa lugar doon na pinuntahan ninyo (doon sa basing area). Inisnayp ng isang team ng yunit gerilya ang 80 tropa ng “C” coy ng 7th IB.  Dalawa ang patay at tatlo ang sugatan.  Umatras sila sa kalapit na sityo at doon nag-start ang indiscriminate mortar shellings.  Everyday, two hours and kanilang shellings, at pagkatapos papasok ang kanilang ground troops. Pero binabantayan ng yunit gerilya ng pagkatapos ng shelling, pumupusisyon ito sa dadaanan ng ground troops at binabanatan.  Atras ang ground troops ng kaaway.  Ganito ang pattern ng away mula June 24-July 5 (“Thirteen Day’s War)—shelling ng kaaway, ko-cover ang yunit gerilya, papasok ang ground troops ng NAFP, babanatan ng yunit gerilya.

First week ng July:  Dalawang battalions na ng 7th IB at 6th IB ang mobilized ng kaaway para pasukin ang lugar.  At tinatantsa ng hukbo na hindi kayang i-contain.  Kaya binayaang  pumasok ang kaaway, binaunan ng yunit gerilya ng explosives ang mga dadaanan.  At isang platoon ng kaaway ang nakapasok sa land mine area –mga 30 troopers—ang tinamaan.  Walo ang patay on the spot at 22 ang severely wounded nang sumabog ang land mine.  Sabi ng nga mga kasamang mandirigma, “Parang palito ang mga sundalo; lumipad nang sumabog ang land mine.”

Sa kabuuan, sa depensibong aksyon ng yunit gerilya—paglunsad ng area ambush; sniping at harassment, paglalagay ng land mine at explosive—10 troopers ang confirmed killed while more than 40 were wounded. Isa ring Red fighter ang napatay.

Resulta rin nito:  52 houses ang sinunog ng mga pasistang tropa, isang magsasaka ang pinatay nila; crops were severely damaged.  More than 2,000 families were evacuated to the town proper of Sipalay and Barrio Bactolon area.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang offensive  character ng NAFP.  Sa Murcia, 14 km. from Bacolod City, nag-operasyon din ang kaaway.  Hundreds of evacuees have trooped to the provincial capital in Bacolod City.

Siya nga pala, all our materials were left behind in the area, kaya  sorry, at wala kaming mapapadala na mga statements na hinihingi ninyo.  Pati nga iyong mga kagamitan namin, nandoon pa.  Maski typewriter, wala pa kami.   (Kaya nga handwritten lang itong sulat ko, e.)

Mayroon nga palang tatlong battalions na dagdag dito mula noong Mayo –6th IB-PA, 7th Artillery Battalion, 57th IB-PA. Sa kabuuan, there are five PA battalions, three PC battalions plus INP and CHDFs.

Tungkol nga pala sa mga ibang dokumento, umabot na noon pa iyong para sa Negros.  Pero nawala noong nag-withdraw kami sa area nang mag-bombing ang kaaway.  Kung maaari sana ay padalhan ninyo kami kung mayroon kayong extra copies.

 

                                                Ka Orlan

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1