KARET
Masarap sa Dila, Masakit sa
Puso
TAGPI-TAGPI ANG ILANG baha-bahagi ng kalawanging yerong bubong at kahoy na dinding ng maliit na bahay ni Mang Tonyo sa gilid ng sityo. Nang pumanhik ang tatlong Pulang mandirigma sa bahay na iyon isang gabi, naging masikip ang bahay ni Mang Tonyo, ni Aling Bebang at ng tatlo nilang anak.
Ngunit sumikip man ang iisang-kwartong bahay, damang-dama ng mga kasama na maluwag ang pagtanggap sa kanila ng pamilya. At sa mga kasama nga, ang pagtanggap na ganito ang pinakamahalaga.
Sa unang pagpasok nina Ka Ruben may kalahating taon na ang nakaraan ay hindi pa lubus-lubusan ang pagtanggap na nadama nila.
Tandang-tanda pa ni Ka Ruben nang sa almusal ay iharap sa kanila ni Aleng Bebang ang tatlong malalaking piraso ng nakapagpapalaway na tusino. Nakatitig sa kanila ang mag-anak at inanyayahan silang kumain na. Nagsulyapan mula sa isa’t isa ang mga kasama bago hinarap ang almusal na iyon at hiniling kina Mang Tonyo na umupo na ri’t kumain.
Ngunit
nakangiting umiling nga
“Mauna na kayo’t kailangan ninyong makabawi ng lakas. Napagod yata kayo sa mahabang paglalakad kagabi at pagkabibigat pa ng mga karga n’yo.”
Ilang
ulit pang niyaya ng mga kasama ang mag-anak na
makisalo na. Tinangka pa nga
“Ubusin n’yo iya’t nakatabi na ang sa amin,” anyaya ni Mang Tonyo habang iminumwestrang muli ang kahilingang magsimula nang mag-almusal ang mga kasama.
Manggagawang bukid sa Mang Tonyo. Batay sa pagsisiyasat nina Ka Ruben ay kagagaling nito sa karamdaman kayat hindi nakasama sa pagtrabaho ng mayamang magsasakang si Nicolas noong katatapos na linggo—isang kabawasan sa inaasahan sanang pagkakakitaan.
Tiyak ng mga kasama na hindi karaniwang ulam ng mag-anak na ito ang ninanamnam nilang tusino. At tama ang tantya nilang ito’y inutang lamang ni Mang Tonyo kay Nicolas.
Paghahati-hatian
Natapos at natapos ang almusal na iyon nang hindi sila sinaluhan ng pamilya. Pinagbawalan sila ni Aling Bebang na tumulong nang kahit bahagya lamang sa pagliligpit ng pinagkainan at niyaya naman sila ni Mang Tonyo na makipaghuntahan sa kanya sa isang sulok ng bahay.
“Kayo naman ang kumain,” paalala ni Ka Ruben.
Nginitian sila ng manggagawang bukid, sabay sabing, sige, mamaya na, nagkape na rin naman ako kanina. “Ika n’yo kagabi sa larangan ng labanan pangunahing nagmumula ang armas ng Bagong Hukbong Bayan? Paano ba iyon?”
Tandang-tanda pa nga ni Ka Ruben ang pangyayaring iyon, anim na mahahabang buwan na ang nakalilipas. At ngayon, makaraan ang ilang ulit pa nilang pagpanhik sa tahanang iyon at matiyagang pakikipagtalakayan kina Mang Tonyo at pakikipagkwentuhan sa tatlong bata, lubus-lubusang pagtanggap na ang nadarama ng mga kasama.
Sina Ka Ruben ay na ipinangungutang ni Mang Tonyo ng nakapagpapalaway na tusino o iba pang pagkaing napakasarap sa dila ngunit may hapding naidudulot sa puso ng mga kasama.
Kandong ngayon ni Ka Ruben ang bunso. Ang tatlong kasama at ang buong pamilya ay masayang nagsasalo ngayon sa kanin, tuyo at talbos ng kamote.
“Kumain ka nang kumain para lumaki ka kaagad,” sabi ni Ka Ruben sa kandong na bata habang sinusubuan ito. Damang-dama nila ang naabot na antas ng pakikipag-ugnayan kina Mang Tonyo, laluna sa mahigpit nang pagkakaisa nila sa pulitika—hindi na sila itinuturing na iba.
At para
nga sa mga kasama, di-hamak na mas masarap ang tuyo at
talbos na pinagsasaluhan ng isang napalaking pamilya kaysa sa malinamnam na
tusinong inuutang para maihain ng isang pamilya sa kanilang mga bisita.