TRIVIANG CANDABA

Alam ba ninyo?

.. Na naging bayan ang Candaba noon lamang 1575.

.. Na noong 1578, ang Candaba ay mayroon lamang 600 na populasyon samantalang noong 1583 nagkaroon ito ng 2000 mamamayan.

.. Na ang San Miguel at Baliwag, Bulacan ay dating mga barangay na sakop ng Candaba.

.. Na ang mga matatandang pamilya ng Candaba ay ang angkan ng mga Capulong, Soliman, Gatbonton at Balagtas.

.. Na nagkaroon ng kauna-unahang Royal Cedula na galing sa hari ng Espanya noong April 27, 1784

.. Na noong 1906 ay naitayo ang unang Munisipyo sa pangunguna ni Presidente Municipal Eugenio Arroyo.

.. Na noong 1907, natayo ang glorietta sa pangunguna nina Don Baltazar Luciano at Florentina Reyes.

.. Na noong 1908, sa pangunguna Presidente Munisipal Pedro Evangelista natayo ang eskwela sentral, sementeryo at gripos pangbayan.

..Na ang kauna-unahang kura paroko ng Candaba ay si Padre Francisco Ortega na nadestino noong Hunyo 8, 1578.

Hosted by www.Geocities.ws

1