Sandara, Walang Pahinga
S-FACTS
Julie Bonifacio
People's Tonight
    NAI-PROMOTE na't lahat ni Sandara Park ang kanyang album, but up to now, 'di pa rin siya mabigyan ng solo presscon ng Star Records. Wala raw kasing maibigay na libreng schedule ni Sandara ang Star Magic (Talent Center) para sa Star Records.
    Puno na ang schedule ng young star for the next couple of months. Tatlo ang regular shows niya sa Dos at five days na ang kinakain nito sa linggo niya.
    May promo at rehearsals pa ang bagets. Ang hindi lang niya magawa ngayon ay mag-out-of-town shows.
    In between, nag-shoot pa si Sandara ng TV commercials. Di lang isang commercial ang sinasabi namin, kundi lima. Of course, bawal pang banggitin ang pangalan ng mga produkto.
    But at least, we can mention kung anong klase ng produkto ang ilan dito. May facial wash, shampoo at sanitary napkin.

Back

Hosted by www.Geocities.ws

1