| Hi guys! After going to ASAP Fanatic, hayun at kumaripas ako papuntang SM Southmall. Nakarating ako dun around 5:30pm na kasi sobrang traffic. Pero nauna pa rin ako ng ilang minutes from SCQ Teens bago sila pumasok. |
| SOBRANG DAMI ng tao. Hindi yan exaggerated. Ito ang Totoo! Dun ako pumasok sa entrance kung saan pala nakaharap ang stage sa may lower ground floor malapit sa Isa Skating Rink ng Southmall na under rennovation sa mga sandaling iyon. |
| Masyadong makapal ang crowd at inakala ko na hindi ako makakapasok sa backstage. Well, kung hindi ako nakapasok e di sana wala itong article na ito. |
| Pinilit kung makapunta sa may likod ng stage. Marami pa ring tao. Pero naka-ready na ang mga security from Southmall management at ng Goldlink, ang security agency na nagbibigay ng service sa ABS-CBN. Sinundan ko kung saan ang pinakadulo ng security lineup at dun nga ito papunta sa may Skating Rink area na natatakpan ng mga kahoy na pader. |
| Bumukas ang pinto and nakita ko na nga sila RJ, Melissa and Errol. Nakita ako ni Melissa and nagulat kasi nga nandun na rin agad ako. Kasunod si Joross and may tinanong ako sa kanya. Kaso nga ay tinulak na sila ng security. Nagtakbuhan yung mga tao patungo sa aming direksyon. Inakala ko talaga na hindi na ako makakapunta sa loob ng stage perimeter pero nagulat ako kasi yung isang guard ay inakay na rin ako at pinasunod sa mga Teen Questors. |
| Eh di nagpaka-feeling star na rin ako HAHAHAH! Nasa likod ako ni Joross and yung mga guards ay nasa likuran ko. Napasama na nga ako sa mga nakapasok sa loob ng perimeter ng stage. THANKS GOD TALAGA! |
| Wala pang 5minutes ay na-introduce na ang Teens. Oo nga pala, ang naging host ng occassion ay si kuya Henry, yung brother ni Hero. Nagulat din siya kasi nga andun ako at nakasama sa loob. Wala si Roxanne kasi nga may sore eyes siya. |
| Sumayaw ang mga Teens ng "HEY YA" and pagkatapos ay naiwan si Joross. Siya at si Henry ay naghanap ng four girls and four boys for a contest. Ito yung magsusuot ng BNY shirt, head band, at elbow band. Paunahan and boys ang nanalo. Binigyan na rin lahat ng BNY apparels. |
| After that ay kumanta sila Melissa, Joseph, Neri at Joross. Pagkatapos nun ay naging alive and rocking ang crowd dahil kumanta na ang Koreanang si Sandara ng IN OR OUT. Pagkatapos nun ay kumanta si Hero, nakalimutan ko yung title. Tapos huling huli ay kinanta nila ang SCQ Reload Theme. |
| Habang kumakanta si Hero ay kausap ko si Kuya Henry. Nung lumabas na siya sa stage, naiwan ang isang babaeng singkit ang mata - Mother pala ni Sandy! Kaya hayun kinausap ko, in English heheh kasi hindi ko alam kung makaka-intindi ng Tagalog eh. |
| Pati pala ang father ni Sandara ay nandun din. Nagulat ako kasi sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ng mom ni Sandy ay biglang nag-Korean language na! Natawa na lang sa akin yung isa pang girl na PA yata ni Sandara. Tinanong ko yung girl kung may nakikita ba siyang pillow na maliit kay Sandara. And she told me na binigay daw yun ng isang friend ni Sandara. Nakikita raw niya na ginagamit ito ni Sandy. Well, natuwa naman ako at sinabi ko sa PA na yung pillow na yun ay ibinigay ko nung nag-meet kami ni Sandy last Easter Sunday, siyempre courtesy of Emcee. |
| Hindi ako nakakuha ng pics sa cellphone kasi masyadong magulo ang crowd and pinagbabawalan ako ng isang security personnel. Kaya hayun nag-enjoy na lang ako dun. |
| Kwela talaga itong si Melissa. Nandun ako sa left side ng stage and nandun sila ni Neri sa right side before sila i-que ng number with Joseph and Joross. May tumatawag sa akin and hinahanap ko kung saan nanggagaling. Si Melissa pala yun. At hayun nagpakawala ng mga facial expressions na hindi mo aakalaing magagawa ni Melissa. Si Nerizza naman ay ganun din. Mga kenkoy talaga yung dalawang iyon! |
| Lumipat ako sa right side before the end of the show. Bago sila ma-que for final number na SCQ Reload theme ay sumilip si Michelle sa gilid. Napansin kong nakasimangot siya. |
| I asked her why. Ibinulong niya sa akin ang dahilan. Di ko na tahasang sasabihin kung bakit. Pero yung white jeans niya ay pinaluputan nya ng jacket (yung style na nakatali yung jacket sa iyong waist). Naka-white kasi sila nun. Siguro naman alam nyo yung reason, lalo na sa mga dalaga diyan. Yun pala ang dahilan kung bakit parang iritable si Michelle that time. |
| Pagkatapos ay namigay ng mga freebies. Yung FANFAIR - Star Studio Poster Magazine and postcards ng BNY ang pinamahagi. I was asked by a staff na tumulong na sa pagbibigay so nag-uhm-effort naman ako sa pagbato ng mga poster mags. |
| Sumabay na ako sa mom and dad ni Sandara sa paglabas. Tulad ng una, dun kami lumabas sa may skating rink. Nakita ko na nakasakay na sa van silang mga Teens. Nagulat ako kasi dun ako pumuwesto sa may likod ng van. Biglang may kumatok ng malakas sa salamin. Tinted ang van at kaya naman tinignan ko ng maayos ang salamin. Si Raphael pala yun. Nagtatawanan sila ni Hero nung nakitang nagulat ako sa malakas na katok na ginawa. Binuksan ni Joross ang bintana at bigla namang nagpapirma na sa kanya yung ibang tao na naroroon (mga relatives ng mall administration personnel yun kasi inde pinaghigpitan ng guards eh). |
| Nakita ko si Michelle and sinabihan ko ng "Ok lang yan!" Isinara na ni Joross ang window. Kinatok ulit ako ni Raphael at sinesenyasan ako at sumigaw sa loob ng van, "PUMASOK KA NA!!! "Sumesenyas siya na magpunta na ako sa may pinto ng van at pumasok na. |
| Umiling na lang ako at nagsabing, "HINDI NA AALIS NA RIN AKO EH" siyempre pasigaw din. And at that time. Sumenyas na rin ako sa kanilang lahat na mauuna na ako. |
| Hay! Kakapagod na araw! Bukas, trabaho nang muli. Pero sa totoo lang, na-miss ko ang mga ganitong sandali na sisiksik ka sa maraming tao. Yet napawi lahat ng pagod at hirap dahil worth it talaga ang araw na ito! |
| Da best! |
| Ito ang Totoo! Walang chismis! |
|
Xy So SCQ Now [email protected] |