Lucky caught in the act with Sandara
TATTLE
Nel Alejandrino
People's Tonight

"CAUGHT in the act," biro namin kay Luis "Lucky" Manzano when we bumped into him sa corridor ng ABS-CBN Tuesday evening. Kasabay kasi niya si Sandara Park, ang petite Koreana na produkto ng Star Circle Quest.
   E, nabanggit ni Lucky minsan sa isang presscon na gusto niyang ligawan si Sandara.
    In any case, dahil 'di siguro narinig ang sinabi namin, ang tanong niya ay "Ano ho?"
   Inulit namin ang sinabi, at natawa siya.
   Ito talagang anak ni Lipa City Mayor Vilma Santos ay mana sa ama. Well, do we still have to tell you na ang father ni Lucky � ay, Luis pala � ay si Edu Manzano? Anyway, 'di talaga sila mabakante sa maliligawan.
   We remember when a few months back, nakita namin si Lucky sa harap ng Luis "Lucky" Manzano
   The Cork Grill Restaurant, sa compound ng ELJCC Building, na engrossed in conversation with Karel Marquez. Biniro din namin siya na "Caught in the act."
   Walang naging comment ang dalawa noon. Only after their supposed breakup did we hear Karel say na naging mag-on sila.
   Edu, for his part, vehemently denied to us na break na sila ni Alicia Mayer at ang diumano'y bago niyang love ay ang TV newscaster na si Pinky Webb.
   Ngayon, mismong si Alicia ang nagsasalita that she had left ang kanilang lovenest ni Edu at wala siyang dinala ni isang bagay na naipundar nila in their less than a year na pagli-live-in.

Back
Hosted by www.Geocities.ws

1