Sandara, Gusto nang mag quit sa showbiz?
FOOTLOOSE
Leo M. Bukas
Taliba
    MATAGALAN pa kaya ni Sandara Park ang buhay artista?
    Lately kasi, may mga naririnig kaming balita na tila nagrereklamo na ang dalaga sa sobrang hectic schedules. May insidente pa nga na nag-collapse siya sa taping ng SCQ Reload at kinai-langang isugod sa hospital dahil sa sobrang pagod at kulang sa tulog.
    Mas hectic pa nga raw ang schedule ni Sandara kesa sa tinanghal na grand questor na si Hero Angeles.
    At ang nakaloloka pa, nagpahayag na raw si Sandara ng pagsuko. A-yaw na raw nitong ituloy ang kanyang pag-aartista at balak nang mag-quit sa showbiz. How sad na-man kasi mahal na mahal siya ng mga Pinoy kahit isa siyang Koreana.
    Kapag nangyari 'yon, tiyak na mamomroblema ang advertisers na kumuha sa kanya bilang endorser ng kanilang mga produkto. I've heard, may apat na TV ads na ginawa si Sandara na maglalabasan pa lang ngayong September. If she's quitting, tiyak na madidemanda siya, di ba?
    Anyway, tuwang-tu-wa naman ang dalaga sa lakas ng air play ng kanyang kantang In or Out under Star Records. Hindi raw ito makapaniwala na tatangkilikin din nang husto ng publiko ang kanyang debut album.

Back

Hosted by www.Geocities.ws

1