|
good news!.... from dustithewind....scq forums..... off cam moments!.... waaaaaaaaaaaah!.... balik krung krung mode! |
| Hi there! Grabe! Sabi ko na nga ba, makatawag pansin na naman itong post ko! As usual, I was at the SCQ Reload taping kanina with some friends. Naka-chat namin during the break si Sandy at ang sabi niya, yung isang 'secret project' ay movie-inspired and yung isa naman sa TV raw. Hindi siya masyadong nag-comment, dahil pinigilan siya ni Direk Joyce Bernal, baka raw mawala ang suspense |
| Heto pa! Tinanong nung ibang fans kanina dun sa taping break ng SCQ Reload kay Sandy yung issue na mag-MU na sina Hero at Roxanne (yung lumabas dun sa The Buzz). Bago pa man siya nakasagot, narinig ni Hero ang usapan namin nina Sandy at naki-join siya sa amin! Nagpaliwanag ang ating Hero at ni-reiterate niya na 'mutual feelings' at hindi 'mutual understanding' ang meron sa kanila ni Roxanne! Magkaiba daw ang ibig sabihin nun! Ang ibig niyang sabihin, mutual admiration (crush) ang yon na na-blown out of proportions! Pabiro pa nga niyang sinabi na, "walang laman ang kanyang isipan at puso kundi ang kanyang Sandara"! At dugtong pa niya, papatayin siya ng mga Herosan fans pag iniwan nito si Sandy! Aber, sino ang may sabi na wala ng kakakilig moments sina Hero at Sandy? Kaya kayong mga nag-react agad dun sa isyu na yon, smile at palagay ko na-krung2 lang kayo nun at na-misinterpret niyo ang mga words ng ating Hero! Uy, magre-respond na naman iyan! |