TAPOS na ang presscon para sa Bcuz of U nang dumating si Sandara Park,
isa sa lead actress ng trilogy movie ng Star Cinema.
Marami kasing project ang Texter's Choice ng 1st batch ng Star Circle Quest.
Happy si Sandara sa mga biyayang nakakamtan niya ngayon.
Aniya, "I'm so lucky to be an ABS-CBN artist.
"I'm so proud of my commercials, I want more," ang nakangiting sabi niya.
Hindi pa rin inaamin ng dalaga na hanggang ngayon ay nililigawan siya ni Hero Angeles.
"I want Hero to express his feelings more," say ng Koreana.
Pero, hindi pa siya handang mag-boyfriend. "My mother don't want me to be in love as of now.
She said saka na lang when I reach 25."
Wala rin daw katotohanan ang balitang boyfriend niya si Joseph Bitangcol, a Star Circle Questor.
"Joseph is only a friend like Hero. Kaya nabalitang he's my bf because siya ang lagi kong kasama sa lakaran.
Like malling, shopping, etc. while Hero is not, because after our taping, he always goes with his family.
But it's true, he always gives me fruits sa set."
First movie nina Hero at Sandara ang Bcuz of You at sana raw suportahan pa rin
sila ng SCQ fans nila sa showing nito on November 17.
Ang iba pang loveteams na kasama ng dalawa ay sina Kristine Hermosa at Diether Ocampo at Heart
Evangelista at Geoff Eigenmann.
E-TALK
Beth Gelena
People's Tonight
Archives