Sa grupo ng TOP 4 finalists sa ABS-CBN's STAR CIRCLE QUEST, si Sandara Park ang pinakamaraming trabaho. Hindi man nanalo, dagsa naman ang work nya.

    Recently ay pumirma si Sandara ng kontrata sa CANON.

    "I'm very happy to endorse CANON. It's a well known and trusted brand here and abroad", say ni Sandara.

    Ang glowing na personality umano ni Sandara ang nagustuhan nila kaya ito ang napili nilang modelo, sabi ni Angelo Martinez, ang sales and marketing manager of the Consumer Imaging and Information Products Division of Canon Marketing Philippines, Inc.

    Enjoy si Sandara dahil nagawa na niyang mag-pose ng kung anu-ano pa. Pero, enjoy na enjoy sya sa picture nila ni Patrick Garcia na kinunan nung hindi pa sya artista.

    Mahilig kasi si Sandara na kumuha ng mga larawan at magpakuha na rin. Itinatago nya ito para souvenir.

    "In my family it's, really me who takes pictures alot. My parents and siblings are quite the shy-type that's why I end up being the one who goes around taking the pictures," sabi ni Sandara.

    Kaya wag kayong magugulat na next time na makasalubong nyo si Sandara ay siya na ang magpapapicture na gamit ang kanyang Canon Camera.

ABANTE


Archives
Hosted by www.Geocities.ws

1