NU'NG Linggo, nag-drop-by si Sandara Park sa audition ng ABS-CBN Talent Center para sa Star Magic,
ang bagong batch of stars na ilu-launch this year. Kasama ni Sandara na nag-observe sa audition si Roxanne Guinoo.
Nakatsikahan ko si Sandara tungkol sa sinasabing playgirl image niya.
Sa loob ng limang buwan, na-link siya sa dalawang bagets actors �
sina John Wayne Sace at Patrick Garcia. Pinag-react ko si Sandara sa isyu. "It's really funny," reaksyon niya.
Kung tama ang dinig ko, nag-usap sina Sandara at Hero Angeles tungkol kay Patrick.
Naaapektuhan daw si Hero kapag may nababalitaan na bagong crush ni Sandara.
At para hindi ma-offend si Hero, iwas-pusoy na si Sandara sa isyu about Patrick.
The fans need not worry dahil tuluy na tuloy na ang pagpu-push sa loveteam nina Sandara at Hero.
Nagsimula nang mag-taping sina Sandara at Hero para sa SCQ Reload: OK Ako. Bukod kina Hero,
Sandara at ang Magic Circle of 10, nasa main cast sina Jaclyn Jose at Lani Mercado.