Sandara, Melissa hanggang 3 buwan lang!
HANGGANG tatlong buwan maaaring lumabas sa telebisyon at pelikula ang Star Circle Questors na sina
Sandara Park at Melissa Ricks.
Bagama't binigyan sila ng special working permit ng Bureau of Immigration (BI) para maipagpatuloy nila ang kanilang
showbiz career sa bansa, obligado silang kumuha ng panibagong work permit makaraan ang tatlong buwan kung gusto
nilang makapagpatuloy sa pag-aartista.
Personal na bumisita sina Park, isang Korean national at Ricks, Filipino-American, kay Immigration Commissioner
Ali-pio Fernandez kahapon upang iayos ang kanilang mga papeles.
Si Park ay nakatakdang mag-host ng bagong telenovelang "Sandara's Romance."
Kasama naman si Ricks at ang walo pang Star Circle Quest finalist sa isang bagong youth-oriented drama series "SCQ REload."
Nangako naman sina Sandara Park at Melissa Ricks na tutugon sa mga ipinatutupad na regulasyon at
patakaran sa inisyung special work permits sa mga foreign artists.
Nagbabala rin si BI Executive Director Roy Almoro sa dalawa na sakaling lumabag sila sa Philippine
Immigration law ay maaari silang agad mapatalsik palabas ng bansa.
Archives