SI Hero Angeles ang napili ng Star Circle Quest jurors na maging Grand Quester sa katatapos lang na Star Circle Quest
finals night na ginanap sa Araneta Coliseum.
Naging pukpukan ang laban nina Hero at Sandara Park nang pareho silang matira sa top 2 ng SCQ.
Unang na-out sina Melissa Ricks at Joross Gamboa. Tapos sumunod naman si Roxanne Guinoo.
Nang sina Sandara at Hero na lang ang natira sa stage ay hindi na mapigilan sa katitili ang kanilang fans.
Of course, they're expecting na sana ang idol nila ang maging Grand Quester.
Halata kay Sandara na hindi siya makapaniwala na napasama pa siya sa top 2.
Si Hero naman ay confident na confident na siya ang mananalo.
Unang tinawag ni Kuya Boy Abunda ang pangalan ng winner which is Hero.
Lalo nang nagsigawan ang fans ni Hero sa Araneta. Bigla namang niyakap ni Sandara si Hero
tanda ng kanyang pagiging sports sa naging resulta ng kompetisyon.
Isang araw bago ang finals night ay tinanong ang SCQ Fab 5 kung sino sa tingin nila ang mananalo.
Lahat sila ay si Roxanne ang inaakalang mananalo, pero hindi 'yon ang nangyari.
PUNUMPUNO ang Araneta Coliseum sa SCQ Finals Night. Sabi ng isang kaibigan namin,
pati raw hagdanan ng coliseum ay hindi na niya madaanan.
Bongga rin daw ang mga production number ng Fab 5.
Pina-believe din ni Joross ang mga judge nang humataw na siya sa pagsayaw.
Pinalakpakan din nang todo ang ginawa ni Sandara habang palutang-lutang siya sa ere at kinakanta ang song ni
Maria na Butterfly.
Si Hero ay tumanggap ng P2 million worth of cash and contract sa ABS-CBN.
Magkakaroon din siya ng bagong show kasama sina Joross, Melissa, Roxanne at Sandara.
FOOTLOOSE
Leo M. Bukas
Taliba
Archives