HINDI napigilan ni Sandara Park ang kanyang pag-iyak sa presscon ng Top 5 o "Fab Five" ng kinalolokohan ng mga bagets na personality search, ang Star Circle Quest sa Annabel's kamakailan lang. Naging usapan kasi sa presscon ang naging bakbakan sa votes/performances nina Sandara at Neri, na siyang na-vote out nitong huli sa Aliw Theater.

    Pukpukan umano ang laban between the two girls - pero si Neri nga ang na-lost at the end of the line, dahil nag-uumapaw ang text votes ng mga tao kay Sandara!

    Nakarating rin sa kaaalaman ni Sandy na diumano'y sa pamilya nito nanggagaling ang maraming votes kaya lumalamang ito sa boto. To which, itinanggi ito ni Deo Endrinal, ABS-CBN executive. Aniya, Sandara's family is in Korea at kinakailangan mo ng 50,000 sim cards para lang makapagtala ng gano'ng pagkalaki-laking votes ng mga tao for Sandara!

    Dito napaiyak ang iyaking Korean girl. "I did my best to be on the Top 5. If they think Neri is better than me, I respect that. Thanks to them because in that way, it made me stronger," maluha-luha nitong chika sa table namin after the general presscon.

    Halatang mahina pa ang loob ni Sandara, pero pasasaan ba't lalakas din ang loob nito't makakayang harapin ang lahat ng mga pagsubok ng isang showbiz newcomer, lalo't aalagaan naman siya ng ABS-CBN.

    Ang culmination ng Star Circle Quest ay gaganapin sa June 5 sa Araneta Coliseum. Admission is free, kaya mark that date, SCQ fanatics!

    Naku, ayaw pa rin paawat ng Dos dahil by October ay ilulunsad na nila ang mas pinalaking SCQ (Batch 2) dahil hindi lang sila magiging nationwide, kundi sakop pa rin ang Los Angeles at iba pang key cities ng USA lang naman.

    Ang taray!

MOUTHFUL
Mell T. Navarro
Taliba



Archives
Hosted by www.Geocities.ws

1