Sandara: Joross, not Hero, will win


    INIHARAP sa press ng ABS-CBN ang final five ng Star Circle Teen/Kid Quest. Pare-parehong kinakabahan sina Hero Angeles, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks at Sandara Park sa finals night na gagawin sa Araneta Coliseum on June 5.

    Bago ang finals, magkakaroon ng fans day ang lima sa Cebu Coliseum sa Sabado.

    Umiyak si Sandara sa presscon nang tanungin sa pagkaka-eliminate ni Nerizza Presnede Naig. Ang feeling nito'y siya ang sinisi sa pagkakaalis ni Neri.

    "I was guilty when I got in. But I know, I also did my best. We have the same talent. But I'm not expecting to win dahil 'di ako fluent mag-Tagalog," sabi ni Sandara, na tiyak ipagri-react ng marami niyang fan.

    Pinansin namin ang bagong ayos ng buhok ni Hero; tuloy, hindi na siya kamukha ni Vic Zhou. Mainit daw kaya siya nagpagupit.

    Masaya si Hero sa pagkakasama niya sa Magic 5 dahil makakabayad na siya ng utang nila at makabibili ng tiket sa concert ng Linkin Park sa June 15. "Manonood talaga ako," sabi niya.

    Sina Sandara at Hero ang magka-loveteam sa SCTQ, pero si Joross ang hinuhulaan ni Sandara na mananalo.

    "Physically, Hero is okey and he's very intelligent. But when it comes to dancing and acting, Joross tops my list. Hero kasi is not a good dancer," banggit ni Sandara, na ewan namin kung ipinarinig kay Hero.

    Bukas at sa mga susunod na column, ang tatlo pang kasama sa Magic 5 ang aming isusulat para makilala ninyo nang husto.

BASTA
Nitz Miralles
People's Tonight



Archives
Hosted by www.Geocities.ws

Journal Group 2004 � Copyright. All rights reserved. 1