Hero is mine -- Sandara
"CLASSIC talaga si Sandara Park. Kakaiba siya!"
Ito ang natatawa at napapailing na description ng ilang movie press kay Sandara nang makaharap nila ang dalaga sa presscon ng Star Circle Quest.
Kahit kami ay na-shock kung paano sumagot si Sandara sa mga tanong ng press. Hindi pa siguro nao-orient ng mga taga-ABS-CBN si Sandara kaya ganu'n siyang magsalita.
Sabi naman ng isang friend namin na katabi ni Sandara during the interview, may problema lang siguro si Sandy sa paki-kipag-communicate kaya often times ay nami-misinterpret siya at napapagkamalang taklesa at mataray.
Pero ayon sa dalaga, when she's saying something, she didn't mean to hurt people.
Sandara: "I thought Hero was mine.�
Ganu'n lang daw talaga siya.
In the middle of the interview, tinanong si Sandara kung totoong nagselos siya nang halikan ni Hero Angeles si Katya Santos at ang sagot niya, "Yes, I was jealous kasi I thought Hero is mine."
Flattered naman si Hero sa kanyang narinig. Hindi niya raw akalain na pinagselosan pala ni Hero ang pagiging close niya kay Katya nung mag-guest ito sa SCQ. Siguro, after that revelation, mas magiging close pa lalo sina Hero at Sandara.
NAPAIYAK naman si Sandara sa patuloy na pag-criticize sa kanya ng ibang tao at pagsasabing hindi siya dapat na napasama sa magic 5 ng SCQ. At ang mas grabe, inaakusanhan nila ang pamilya ni Sandara of vote buying.
Depensa naman ni Deo Endrinal, "Sa laki ng boto ni Sandara na halos umabot na ng more than 1 million, kakailanganin ng pamilya niya ng more than 50,000 sim card para makaboto ng ganu'n kalaki. Pero Sandara's family is not that rich. Hindi sila ganu'n kayaman kaya it's very unfair on her part."
Sa Sabado ay nasa Cebu sina Sandara, Hero, Joross, Roxanne at Melissa. First time nilang pupunta sa North para sa kanilang fans kaya tiyak na magiging unforget-table ito para sa mga ba-gets.
Sa June 5 naman ay nasa Araneta Coliseum ang lima para piliin kung sino ang tatanghaling Grand Questor na mananalo ng P2 million.
FOOTLOOSE
Leo M. Bukas
Taliba
Archives