RECORDING star na rin si Sandara Park. Ini-launch ang kanyang self titled album sa ASAP Mania last Sunday. Ang carrier single nito ay ang kantang sinulat ni Lito Camo na In o Out na inspired mismo ng contest na Star Circle Quest.

    Kasama rin sa album ang mga ne-revive na kanta ni Sandara na Dear Heart (Sha-ron Cuneta), Smile In Your Heart (Jam Morales) at marami pang iba.

    According to some sources, nakayayanig daw ang pagpasok ni Sandara sa recording industry. Sobrang lakas daw ng airplay ng In or Out at ma-lamang na maka-gold re-cord agad ito in two to three weeks time.

    Bongga nga kung ganu'n.

FOOTLOOSE
Leo M. Bukas
Taliba



Archives
Hosted by www.Geocities.ws

1