Hero, nahuhulog na ang loob kay Sandara
MAY development na sa relasyon nina Hero Angeles at Sandara Park.
Kinakikitaan na ng sweetness ang dalawa. Witness ang ilang staffer ng SCQ Reload sa malaking pagbabago sa pagtitinginan ng dalawa.
"Iba na ang sweetness nila," says my source. "Nakikita na ang pag-aalaga ni Hero kay Sandy. Mukha namang naa-appreciate ni Sandy ang pagki-care sa kanya ni Hero. Nakita na siguro ni Sandy 'yung good traits ni Hero."
Kahit si Hero ay aminado raw na nahuhulog na ang loob niya kay Sandy.
"Ang laki ng ipinagbago ni Hero," dagdag ng source ko. "Siguro, puwede nang makaporma si Hero, kasi hindi na siya tulad ng dati na maraming problema. Ngayon, may time na siya para kay Sandy."
Halos araw-araw ay magkasama sina Hero at Sandy. Bukod sa thrice-a-week taping for SCQ Reload, magkasama sila sa ASAP Fanatic.
Nakatakda nilang simulan ang isang movie kasama si Vhong Navarro under Star Cinema.
RIPPLES
Eric John Salut
People's Tonight
Archives