Hero isa sa maraming BFs ni Sandara
SA tingin, conservative at mahiyain ang SCQ winner na si Sandara Park.
Pero kapag nakausap n'yo na siya, matutuklasan ninyong masaya siyang kasama at may pagkakomedyante pa.
Hindi namin napigil ang pagtawa sa mga kakenkoyan ni Sandy nang makapanayam namin siya sa launching ng
kauna-unahang programang magkakasama ang 10 final questors ng Star Circle Teen Quest, ang SCQ Reloaded OK Ako!
na mapapanood simula ngayon Lunes sa ABS-CBN.
At itong si Sandy ay mapagkakamalan pa ngang "cheap" dahil siya pala ang nagbabayad kapag nakikipag-date.
Inamin mismo ito ni Sandara sa interview namin at tuwang-tuwa pa siya.
"I pay our bills in restaurant when I go out with Joross," aniya.
Pero ang pinabulaanan niya ay ang issue on her na siya ay playgirl at nagkaroon na ng maraming boyfriends.
Ipinaliwanag ni Hero, ardent admirer ni Sandara, na ang ibig daw sabihin ni Sandy sa isang interview noon
ng maraming boyfriends ay maraming boy friends o mga kaibigang lalaki na kinabi-bilangan nina Hero, Joross,
Raphael, Joseph at Errol.
Pero, umarya na naman ang pagiging prangka ni Sandara nang tanungin siya namin kung mag-boyfriend na ba sila ni
Hero at ganun na lang ang pagtatanggol nito sa kanya.
Alam na niya ang ibig sabihin ng boyfriend, sabi ni Sandy: "How come? He (Hero) is not even courting me."
PROFILE
Butch Roldan
Taliba
Archives