Sandara, Hero nag-uunahan sa top ng Star Circle Quest


    SA Sabado ay tatanggalin na ang isa sa anim na natitirang hopefuls ng Star Circle Quest. Gaganapin ang nakakakabang paghusga sa Aliw Theater.

    Sa anim na natitira, mahigpit na pinag-aaralan ngayon ng mga quest jurors kung sino ang maiitsapuwera sa Sabado. Tiyak namang magiging unforgettable sa sinumang malalaglag sa Sabado ang pagkakatsugi sa kanya. But who knows, baka siya pa ang maunang umangat sa limang mananalo, di ba?

    May mga favorites din kami sa mga finalist. At siyempre, kasama ro'n ang dalawang cute guys na sina Joross at Hero. Sigurado na ang panalo ng dalawa. Tiyak na ka-join sila sa lima dahil dalawa na lang silang lalaki sa anim na natitira at pangit naman kung iisang lalaki lang ang magwi-win.

    Among the girls, gusto namin si Sandara. Si Hero kaya ang tanghaling no. 1 ng Star Circle Quest?

    Siya rin palagi ang lamang pagdating sa mga boto ng audience. Maging dito sa TALIBA, siya rin ang nangunguna followed by Hero.

    Between Roxanne, Melissa and Neri, medyo nahihirapan pa kaming mamili kung sino ang dapat matira.

    Hay naku, siguradong kinakabahan na ang parents at managers ng mga bagets na ito. Hindi na rin kasi biro ang hirap na pinagdaanan ng mga bata.

    Wala na raw silang panahon na makasama ang family nila. Si Joross naman nang makita namin sa ABS-CBN ay nag-confess na ang laki na raw ng ipinayat niya.

    Pero in fairness, guwapo pa rin naman ang bagets, huh! At ang cute ng mga balahibo niya sa tiyan at dibdib.


    MAY guaranteed P1 million cash prize ang mananalo sa Sabado. Kapag sinuwerte si Joross, maliwanag na agad ang P300,000 sa kaibigan naming si Jun Reyes na nagma-manage kay Joross.

    Wish lang namin na huwag lang makialam ang parents ng binata para magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng career niya.

FOOTLOOSE
Leo M. Bukas



Archives
Hosted by www.Geocities.ws

1