Sandara ang diva ng masa     Sept 2004
     CONGRATULATIONS talaga kay Sandara Park! Isa na nga siyang superstar! Kahit marami ang nagsasabing wala raw "K" kumanta at umarte si Sandara, muli niyang pinatunayan na mas marami ang naniniwalang may karapatan pa rin siyang maging artista.
     Matapos ang launching ng debut album ni Sandara sa ASAP Mania at ASAP Fanatics, dumiretso agad siya sa SM Bicutan. Pagpasok pa lang ni Sandara sa dressing room, nagkagulo na ang fans at walang tigil sa tilian. Ayon na rin sa ibang followers ng maraming sikat na artista na dumalo rin sa album launching ni Sandara, kahit sila ay nagulat dahil natalo pa raw ni Sandara ang album launching ng iba nating superstars. Kahit si Sarah Geronimo ay kayang kabugin ni Sandy ngayon!
     Kahit ang pamunuan ng mall ay nagulat sa dami ng tao sa album launching ni Sandara. Ayon sa mga security guards ay mas alerto sila nang araw na iyon dahil halos hindi na mahulugang-karayom ang loob ng mall malapit sa kanilang entablado. Lahat ng floor ay napuno ng tao at nagsiksikan makalapit lang at masilayan ang diva ng masa.
     Gustong-gusto ng mga fans and carrier single ni Sandy na 'In Or Out', isang dance song na unti-unting nang sumisikat. Paborito rin nila ang 'Smile In Your Heart' na isang remake.
     "This is really a dream come true for me. Since I was a kid, I imagine myself of becoming a singer, pangarap ko talaga ito..." ayon sa Koreana.
     Ikinatuwa naman ng Star Records and first day sale ng album ni Sandara. Sa launching mismo sa SM Bicutan, mahigit 300 kopya agad ang nabenta. Kaya magsusunod-sunod ang album tour ni Sandara. Noong August 15 ay nasa SM Bacoor siya (668 copya ang nabenta dito) at sa August 29 ay sa SM Fairview.
     Abala rin siya ngayon sa shooting ng Maalaala Mo Kaya bukod pa sa regular show nilang SCQ Reload: OK Ako. Panay rin ang dating ng mga endorsement niya. Kaya ayon sa katapat ni Sarah, hindi niya maintindihan kung anong charisma meron siya. Kahit baluktot ang Tagalog, ang fans na ang nag-a-adjust na mag-English makausap lamang siya. Habang sinusulat namin ito, isinugod si Sandy sa ospital dahil overworked at nag rereklamo pa ito ng namamaga niyang tonsil. Huwag kayong mag-worry, hindi naman grabe ang sitwasyon.
     Alam n'yo ba na talagang maraming boys din ang sa kanya's umaaligid? Huwag daw mag-alala rito ang fans nila ni Hero dahil sa kanyang ka-love team pa rin siya. Alam nila ni Hero na mahal na mahal ng fans ang tambalan nila. Pag magkasama nga ang dalawa, pagbaba pa lamang ng eroplano sa kanilang provincial shows, hindi na matigil sa katitili ang fans. Kaya naman si Hero, bantay-sarado ngayon kay Sandara. Ilan kasi sina Luis Manzano, Baron Geisler at Patrick Garcia sa mga mukhang seryoso talagang manligaw kay Sandara.
     "Okey lang 'yon, it's a healthy competition. Basta ako, sincerity ko ang maio-offer ko kay Sandara," ayon kay Hero na hindi raw mawawalan ng pag-asa sa dalaga.
Originally posted by iluvpink
Posted In Pinoy Exchange
The Buzz Magazine Reported By: JV Villar

Back
Hosted by www.Geocities.ws

1