O sige, pakinggan mo muna ito:

Sabi nga ng mga dalubhasa sa larangan ng siyensa, 10% lang ng kapasidad ng ating utak ang ating nagagamit. Samakatuwid, (at hindi samabaluktot) mayroon pa tayong 90% sa ating utak ang nanatiling hindi nagagamit. Mantakin ninyo... 1% lang ang madagdag, super talino ka na 'nun. Pero karamihan sa atin hindi pa rin nayuyutilays ang 10%, mga 7% lang siguro (super-bobo ka na rito mare't pare!). Kaya kung ako saiyo, medyo paganahin mo na iyang utak mo at magpraktis ka nang sumulat at ipadala sa amin. Dito magkakaroon ka ng pagkakataong katasin ang medyo "slightly used" mong "brain." Baka may mapiga pang latak diyan, pwede na 'yon. Hindi naman kami maselan. Katunayan mababaw lang ang kaligayahan namin. Kahit baluktot ang grammar mo at nahihiya ka dahil wala kang natutunan kay Mrs. Bautista, patatawarin ka na namin. Hindi pa naman siguro damage yan, di ba? So, kung hindi pa, join ka na dito. Ikaw din, pag di ka sumali dito sa atin, isa lang ibig sabihin 'nun... Panget ka!!! Ayoko na sa'yo! Magbasa ka na lang dito!

Pero dun sa medyo nang-gagalaiti ang mga daliri at mayaman sa imahinasyon, madali lang ang pagsali. Ipunin lang ang mga pakete ng sabon... ehe! Mali! Ganito lang... Nakikita 'nyo ba yung "write/email the Webmaster" sa ibaba? Kami ni Lino 'yun! Klikin mo lang 'yun at otomatik, me lalabas na momo, ehe! Ano ba yan mali na naman. Ah basta, pag may lumabas na kuwadrado mag-tayp ka ng mag-tayp. Kahit na ano, 'wag lang bastos, kasi may mga bata rito. Mga batang-isip...tulad namin. O di ba? "Feeling Young" kami. Ano kamo? Ikaw rin? O siya sige, kasama ka na rin. Basta sumali ka, guwapo ka na rin tulad namin, kahit bubae ka pa... gu-guwapo ka rin!

Gagarantiyahin namin, magiging matalino ka rin katulad namin ni Lino "supertalino" Tolentino. At mararamdaman mo giginhawa ang iyong kapaligiran at gagaan ang iyong pakiramdam... Dahil matagal-tagal na ring kinakabagan iyang utak mo at wala kang pagkakataong iutot ang nasa-saloobin mo. Kaya hala, sige na, baka masayang lang ang utak ko kaeekspleyn. Basta sumulat ka, kami ng bahala sa iyo.

Yun lang!

The Webmaster

For comments, suggestions, & contributions write/email the Webmaster at [email protected], [email protected]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1