| Hi Guys! Advanced happy valentine's beep beep na lang sa matatamaan ah heheheheh ............. - - - - - - - Sentimyento sa Pebrero: "Ala akong date!?!" Hay Pebrero na naman! Fresh blooms will soon line up the streets and red will be the theme color of every store you'll pass by. Kahit pa yung tulak-tulak na Shawarma stand ni Bai sa Bur dubai may heart na, may nakatusok pang stick sa gitna, aray, may pickles at sauce pa, my friend nilalangaw na! Dreaded na naman ang second week ng Feb. kahit saan ako lumingon may ka-partner ang sangkatauhan. Kung makatingin pa sila eh para bang isinumpa ka't dapat pandirihan dahil nag-iisa ka ... alang ka holding hands and ka swing-swing the arms while walking. Kulang na lang ay makipag-plastikan ako't lokohin ang sarili kong bumili ng roses para kunwari sa girlfriend at ibalandra habang naglalakad sa Sheik Zayed sabay ngiti up to the ears para lang masabi na "uy may flowers na sya, how sweet naman nya sa mama nya!" Gusto ko na ngang umabsent ng opisina a-diyes pa lang. Siguradong ang million-dollar question na naman nyan sa reception sa office pagdating mo sa umaga eh "san ang date nyo sa valentine's?" Ewan ko ba't tila napaka-sagrado ng tanong na yan na kapag negatibo ang sagot mo as in "ala akong date" eh pandidilatan ka ng mata with mouth hanging open ng mga meron. Kung swe-swertihin ka ay tatapikin ka lang nila at sasabihin "darating din yan p're." Kung mamalasin ka nga naman eh hindi ba't tila nag-enroll ng isang semester sa seminary ang mga loko at mga frustrated na pari at madre siguro ... sesermonan ako ng iba; "p're wala pa?" o kaya "ano ba kasi ang tagal mo naman magka-girlfriend, nakaka-apat na ko ah!" (pinapabilang ko!?!?) o "lungkot naman" (aray ko) "kelan ka ba? Eh anong gagawin mo sa Valentine's?" (mag-lalaba ng rubber shoes ko). "ano ba kasing hanap mo sa babae, baka napakapihikan mo?" (Teka nga kelan ba naging parang isang trabaho ang babae at dapat hanapin, habul-habulin, follow-up, may interview at exam!) Yung iba naman good samaritan, hihirit ng "gusto mo ihanap kita? I-set-up kita sa kaibigan ng kapatid ng hipag ng pinsan ng pamangkin ko ..." o kaya "dun sa bestfriend ng girlfriend ng ex-boyfriend ng ate ng barkada ng inaanak ng Tita ng boyfriend ng kapatid ng bayaw ko ..." Ala akong magawa kundi mapatitig. Anak naman ng sampung kabayong pumuputak na ipinaglihi sa alagang kalapati ni Tarzan na nakatira sa ikapitong bundok ng Cotabato ng pinag shootingan ng pelikula ni Pocahontas 0!!! I have absolutely nothing against blind dates except for one undeniably strong personal reason ... it's not my stuff. I don't go for that thing. In short, a-y-o-k-o. Okey lang yun actually eh, exciting nga, pero a-y-o-k-o. I'm not comfortable with the idea of sitting down with a sophisticated girly, wearing a sleeveless signatured blouse holding a 2,000 dirham worth cellphone from Finland in front of me, making tete-a-tete over a cup of steaming Starbucks coffee, puffing prettily knowing fully well that both of you should make an effort to like each other. Or have the other like you, magpa-cute at magpa-impress or just be yourself and do your best to make a go at it. Because the one who set you up is expecting to hear a nice story about it in the morning. At kung hindi baka i-set up ka na naman sa kung sinong Tasya na kilala ni Tasyo na maganda daw sabi ni Tasye ... ahh ewan! Mas gusto ko ata yung accidental meeting or so-natural thing na both of you are just talking, walang pressure. Kasi mas natural na ako ang lumalabas. Ngayon kung ka-hypocritan ang papairalin ko and wouldn't want pity slapped on my face, sasabihin ko na lang na may date kahit wala, pipilitin na lang na makipagdate at yayayain ang isang girl na may crush sa kin na di ko naman gusto talaga. Ang pangit naman non, unfair don sa girl, wawa naman sya. Ngayon kung di ako nahihiya, downright sasabihin ko plainly and clearly without blinking my eyes "wala akong date dahil wala akong ka-date." Sa Valentine's ayoko sanang lumabas ng bahay. Kahit masaya ako by being single and available by choice, malulungkot din ako, kahit magpa-strong and unaffected effect kuno ako. Minsan may urge talaga na, alam mo yon, sometimes it gets really lonely. Naturingang araw ng mga puso pero hanggang ngayon kalahati pa rin ang akin ... alang ka-partner. Wawa naman. Laging muntik-muntikan sasagutin na sana ako kaso something not right comes up, may boyfriend na pala, in love pala sya sa bestfriend nya, may hang-up pa sa ex nya, atheist pala, mas bata sken at kung anu-ano pa. Sarap sanang may ka-embrace sa ilalim ng puno sa creek park o kaya along the creek side overlooking the distant achored ships in the ocean water. Sarap sana yung somebody would listen about my uneventful day. I want to hold her hands and snuggle close to her shoulders when a love song plays in the taxi stereo. I want to carry a small umbrella during rainy days para siksikan kami ... mas close, sarap sana. I have memorized all the sweet and "oh gosh how heart-melting" lines of romantic movies I've seen. I want to say it to her even if I don't have to stand in the balcomy looking up at her while the moon lights our spot. Sarap sanang mag-surprise sa valentine's day, may mapagbibigyan ng love letter or flowers.... Sarap sanang may ma-babatuk-batukan, aasarin, aawayin kung trip, pagseselosin minsan, kurut-kurutin, tatadyakan, at papaamuyin ng medyas. Yun bang babaeng hindi maarte na matilamsikan lang ng putik ang kotse eh parang sinukluban na ng palda ng isang bading at minumura na ang buong earth! Yung babaeng hinde mandidiring maglakad sa buhangin at mag-inarteng lumakad mula St.Mary's chruch hanggang Bur Juman kung walang masakyan. Bottom line nyan, sarap sanang makasama ang babaeng really meant for you, as in sya yung nawawala mong kalahati. Suited talaga kayo from the nicest to the worst na trip nyo sa buhay, (ultimo ang pagpahid ng kulangot sa gilid ng keyboard). Kaso ayan wag daw pipiliting ma-in love eh. Kung hinde, hinde talaga, wag ipilit just for the sake of falling in love kahit fake. Eh di wag, sabi ng mabait kong bestfriend wag daw eh. Tsaka I'm pining for a lost love, hoping na magkita kami ulit. Kung sakali man, di pa sya sumasagot papakasalan ko na ... After valentine's day, ayoko pa ring pumasok. Maririnig ko lang ang mga chikahan nila about their dates. Paka-pathetic siguro ng dating ko sa inyo ... pero sorry ka na lang eto ang sentimyento ko ... wag mong pakialaman. This is a free country. Hindi ako bitter, freedom of _expression to (lumulusot ata ako!!) Haay, asan na ba kasi ang Juliet ko eh. Where art thou o Juliet, my Juliet? (baka nalaglagan ng eroplano? Naipit ng barko? Or nasa parlor?) Asan ka ba Juliet? Ay naku! Nasa Jules Bar na naman siguro! Tsk-tsk-tsk ... |