So they say
Published by the Medical Mission Group Hospitals and Health Services Cooperative of the Philippines and Final Edition Inc.
February 2000

Pamukaw      Dr. Tony T. Garcia

Selpon

Sa mundong ginagalawan natin ngayon , ang komunikasyon ay isa sa mga labis ang iniunlad. Hamakin mong may telegrama na ang telepono. Sa isang iglap, kahit saan ka man naroroon ay maaabot ka. Sa bawat sulok ng lupalop, may mapapansin ka natutok sa telepono, nagdududutdot. Malayo ka man malapit na rin.

Ngunit sa kabila ng kaunlaran ng komunikasyon kahit tila nakalilito pa rin ang mundo marami sa atin ang nananatili pa ring bingi sa karaingan ng mga kapospalad. Maraming matitinis na taghoy ang nilalamon ng karimlan, umaalingawngaw sa kawalan, natatakpan ng kiriring ng gagong telepono. Saglit nga natin paglimiin.

Sa paligid natin, talamak ang nananangis, nagmamakaawa, dumudulog sa ating harapan, ngunit hindi natin pansin. Ang mga hinaing na iyan ay hindi kailanman, dadaan sa telepono. Papaano kaya nila maipapa-abot ang kanilang hinagpis sa pamamagitan ng maunlad na komunikasyon.

Masdan natin ang ating telepono kay inam tunghayan ng pabago-bago niyang kulay. Sabihin natin kung sino ang gusto nating kausapin, I-da-dial n’ya. Aliw-na-aliw kayo sa ibat-ibang tono ng kanyang ki-ri-ring kinasasabikan natin ang pagdating ng ‘ text’ na ang dalang balita ay patungkol sa kawalang kakayahan ng ating pangulo makapagtanong nga kaibigan ano ba ang sinasabi ng ‘ text ‘ tungkol sa patuloy na pagkagutom at pagkakasakit ng mga batang kalye? Ano ang isanasaad ng telepono natin hinggil sa mga batang nilalapastangan, ginagahasa, binubusabos, pinagkakaitan ng karapatan? ng buhay?  Sila yong mga batang kumakalabit sa baywang natin na kung saan nasukbit ang ating  telepono.

Di nga ba dagli natin nararamdaman ang panginginig ng ating telepono ngunit mahid tayo sa panginginig ng mga munting daliri ng batang Pilipinong nasa bangketa tumitira.  Malaking pera na ang naibahagi natin sa Kompanya ng telepono- magkano na nga ang naibahagi natin upang makatikim naman ang mga paslit ng kunting makakain?

OO, napakatindi ng komunikasyon ngayon.  Ang bagong telepono ay ginagawa tayong “autistic” bingi, manhid, hindi kaya?

Kaibigan, sa susunod na patunog ng ating telepono, pakinggan din nating maige- baka paak na boses ng ating kapuspalad.

Sayang kung lalampas muli.*
 

Back to Page 1

Hosted by www.Geocities.ws

1