So they say
Published by the Medical Mission Group Hospitals and Health Services Cooperative of the Philippines and Final Edition Inc.
April 2000

Pamukaw      Dr. Tony T. Garcia
 
 

Bagong anyo



Nitong nagdaang dalawang pambansang pagpupulong ng MMG, (yong una’y noong Peb. 20, unang pulong ng mga mangangalakal ng Medicine na ginawa sa Cebu; at yong pangalawa ay iyong panglahatang pulong ng lahat ng kasapi na ginawa naman sa Bohol), napagkasunduan ng karamihan ang pagpapairal ng “clustering” o pag pa-pangkat-pangkat.

Ang clustering ay ang paghihiwalay ng kabuuan ng karamihan ng tsapter ng pederasyon, upang pagsama-samahin ang ilang magkakalapit na tsapter sa isang maliit na pangkat.

Ang isang pangkat ay bubuuin ng tatlo hanggang anim na taspter na pipili ng kanilang pinaka-pinuno. Pupulungin ng nahirang na pinuno ang kanyang nasasakupang tsapter upang alamin ang lahat ng mga pangangailangan nito at ng mga kasapi nito. Gayundin, ang isang pangkat ay maaring mag-isip o mag-plano ng mga paraan ng kanilang sama-samang pag-unlad.

Regular ang pulong-pulong na ito. Ang mga cluster heads naman ay magkakaroon din ng sarili nilang pulong, kasama ng pambansang CEO upang talakayin ang kani-kanilang cluster issues at gawaan ng programang nararapat at ampat. Anu-ano ba ang dahilan?

1. Sadya nang napalaki ng samahan upang mapastol pa ang karamihan. Sa ating mga NDM, dahil sa dami na natin at sa dami na rin ng mga pinag-uusapan, ang mga makahulugang bahagian ng mga kasapi ay halos hindi na mabigayan ng pansin. Kung kaya, karamihan sa mga nangagsisidalo ay nangagsisi-uwing bitin.  Hindi man lang nila nasabi ang kanilang pakay at panganga-ilangan.  Tanging ang iilang kasapi na hindi mapigilang magsalita lamang ang kadalasang nakapagpapahayag.  Ang karamihan din ng mga kasapi ng tsapters ay hindi nakadadalo, kung nagkukulang sa kaalaman sa mga pangyayaring nagaganap na sa pederasyon.  Sa maliit na pangkatan, malayang at maluwag na makapagpaphayag ang lahat ng kasapi. Mandi’y, mapag-ninilay-nilayan pa ng higit ang kanilang mga panganga-ilangan.

2. Magkakaroon ng higit na makahulugang ugnayan ang mga kasapi ng maliit na pangkatan.  Ang malimit nilang pagkikita at pagbabahagian ay magtutulay sa maluwat, makatotohanan at makulay na pagsasamahan.

3. Ang lokal na kalakalan ay higit na mabibigyang pansin at ang pag-asang pagyabong ay magiging makatuturan.

4. Higit na malalalim at makabuluhan ang mga isyus na matatalakay ng mga cluster heads na kasama ang pambansang CEO upang higit na mapalalalim ang pagninilay sa kapakanan ng nakararami. Ang lahat ay mapapakinggan.

5. Ang pangangailangan ng isang tsapter ay maaring matugunan na kaagad ng kasanib tsapter sa cluster. Ang pagbibigayan ay dadali. Ang pagyabong ng isang tsapter ay pagyabong din ng karatig.

6. Higit na malaki ang masasakupan sa sama-samang pagsisikap.

7.  Magkakaroon ng pambansang epekto ang kalakalan. Lalawak ang pangangailangan at mumura ang bilihan dahil maramihan.

8.  Magkakaroon ng iisang pangkalahatang pamantayan sa paghahandog ng serbisyo at kalakalan. Saan man mapunta ang pasyente sa buong kapuluan ay makikilala ang pangangalagang MMG.

9.  Mabubuwag ang mga mapagsamantalang manganga-lakal sa kalusugan.

10. Maaring maging huwa-ran ang pagsasamahang MMG na mag-uusbong sa higit na maraming pamamaraan.

Ito’y iilan lamang sa nakikita naming kahusayan.

Ano ang inyong kuru-kuro?*

Back to Page 1

Hosted by www.Geocities.ws

1