|
Nagtatanong ang isip
Hindi raw maintindihan
Kung anong nararamdaman
Dapat mong malaman
Sa puso ko'y ikaw lamang ang nag-iisa
refrain:
Pangamba, dapat bang isipin?
Walang hanggan, asahan mo na
chorus:
Kahit kailan, di kita iiwan?
Kahit kailan, di kita pababayaan
Kahit kailan, kahit kailan
Bulong ng iyong damdamin
Pag-ibig na walang hanggan
Ang siyang nais mong makamtan
Ngayong ay narito ako
Handang umibig sa 'yo
Na walang katapusan
Kahit kailan...
bridge:
Kung ikaw ay mawawala sa piling
Di na alam kung kakayanin pa
Kayang umibig pang muli
Kahit na ano pang mangyari
Di maaaring ipagpalit
Sasamahan pa kita hanggang sa huli
coda:
kahit kailan...
|