| Andeng: Pucha, nagugutom pa ko. Calai : Ako rin, e. Andeng: Libre naman diyan, Calai! Calai : Wish mo lang, no. Andeng: Sige na, nanlibre na nga ako kanina, e. Michie : Siyempre, late ka! Andeng: Kahit na. Calai! Yihee, manlilibre na yan. Calai : Sige na nga. Andeng: Di nga? Calai : Oo na. Andeng: Orayt. Potato wedges ako, a. Calai : Ikaw, Michie? Michie : Ha? Sige, chocolate nalang, Mr. Goodbar. Calai : Kanina ka pa kain ng kain ng chocolate, a. Michie : Wala, feel ko lang. Calai : Kay Andeng. Alam mo ba, sa kaniya lahat yang mga balat ng chocolate na yan. Andeng: Uy, naglilihi. Michie : Gago. Calai : Di nga? Bakit f na f mong kumain ng chocolates all of a sudden? Daig mo pa ata ngayon si Andeng sa kasibaan, a. Babatukan ni Andeng si Calai. Michie : E wala lang. Di niyo ba alam na kapag kumakain ng chocolate, may nire-release ang katawan, endorphins ata yun, na nare-release din kapag in love ka. Calai : So� kumakain ka niyan para ma-simulate ang feeling ng pagiging in love, ganun ba yun? Michie : Hindi naman. Andeng: Labo, pare. Calai : Kay Michie. O ano? Mr. Goodbar ka lang talaga? Andeng: Naku, ha. Si Calai na mismo yung nag-aalok sayo. Mukhang maraming pera. Palay na ang lumalapit sa manok! Asukal na ang lumalapit sa langgam! Droga na ang lumalapit sa adik! Dogfood na ang� Michie : Oo, Mr. Goodbar. Calai : Sigurado ka? Michie : Ngingiti. Saka onion rings. Tatayo si Calai para bumili ng pagkain. Andeng: Kala ko di mo talaga papatusin, e. Pero di nga, Mich, onti lang kinain mo kanina a, para kang walang gana. Ok ka lang? Michie : Oo naman. Andeng: Papatayin ko na ba? Michie : Sira. Pahirapan mo muna bago mo patayin. Andeng: Galit ka ba sa kaniya? Michie : Iiling. Bakit naman ako magagalit? Andeng: Bakit ka magagalit, duh, nasaktan ka na niya ng sobra. At wag na wag mo kong hihiritan na ikaw yung may kasalanan nun, kasi shit, Michie, wala kang ginagawang masama! Michie : Pero hindi rin naman puwedeng siya yung sisihin. Katahimikan. Andeng: Ewan ko a, ewan ko lang talaga, hindi ko alam kung biased ako kasi friend kita pero ayoko nalang mag-comment kasi hindi maganda ang mga naiisip ko ngayon at baka masaktan lang kita. I�ll just put it this way. Hindi ako natutuwa sa kaniya. Michie : Alam ko. Andeng: Alam kong masakit yung feeling na ayaw ng friends mo sa mahal mo, kaya sorry Mich, a? Can�t help it, e. Michie : Ok lang yun, alam ko namang kaya ganun nalang kayo magreact kasi love niyo ko. Aww.. Andeng: Don�t flatter yourself, no. Darating si Calai. Calai : Oy, Mich, to follow nalang daw yung Onion Rings mo. Michie : Thanks. Andeng: Thanks a lot, poknat. Michie : Nakakabad- breath ba ang onion rings? Calai : Malamang hindi, kasi processed na yun, diba? Andeng: Bakit, pag pino-process, nawawala yung pagka-amoy onion niya? Calai : Malay mo. Michie : Malamang nga. Kasi ang fries, hindi naman nakaka-gas, diba? Andeng: Bakit, ang patatas ba nakaka-gas? Michie : Ay, hindi ba? Calai : Kamote yun, siakol. Michie : E ano bang English ng kamote? Andeng: sweet potato. Michie : Kitam. Andeng: Pero hindi naman ibig sabihin na potato yung pangalan niya e patatas na siya. Michie : Bakit? Malay mo variety lang siya ng potato. Andeng: Ang mangosteen ba ay mango? Ang pineapple ba ay apple? Ang watermelon ba ay� Michie : Pero pareho na yun. Tuber naman sila pareho, e. Pareho nilang main component ang starch. Calai : E tuber din yung carrot, diba? Ibig sabihin nakaka-gas din yung carrot? Michie : Ma-starch ba yung carrot? Calai : Hindi, fiber. Gulay yun e. Michie : See? Calai : So yung starch yung nagbibigay ng gas? Andeng: Hindi, yung pagbe-break down ng starch ng katawan natin. Calai : Totoo? Andeng: Yata, hehe. Darating ang onion rings ni Michie. Andeng: Bakit mo ba tinatanong, Mich? Pag nakaka-bad breath ba hindi mo kakainin? Michie : Kakainin parin. Curious lang ako. Andeng: Oh. Calai : Sige Andeng, kain ka lang niyang potato wedges para malaman natin kung nakaka-gas talaga. Andeng: Oo ba, payag akong maging guinea pig, basta all you can eat ako ng potato wedges. Calai : Wag na, no. Andeng: Why not? Calai : Hindi kami willing gumastos ng ganun kalaki kahit pa in the name of science. Andeng: Tsk. Ako nga handang magsakripisyo, e, tapos kayo, financial assistance na nga lang, ayaw niyo pa. Calai : Asa ka pa, ulol. |