| Calai : Oy, Mich! Kanina ka pa? Michie : Ituturo ang mga balat ng Peanut Butter Cups sa mesa. Naku, hindi. Calai : Aga mo naman kasing dumating, e. Michie : Mas ok nang maaga no, kesa manlibre. Calai : Tangina kuripot! Michie : Ayos lang magkuripot, maaga naman ako e. Kesa naman sayo, no. Ano bang ginawa mo? Gumapang galing sa bahay niyo? Calai : Hindi, no. Sobrang aga ko ngang umalis sa bahay e. Kaso� Michie : Kaso� Calai : Kaso nag-Ragnarok lang ako sandali. Michie : Talaga lang ha, sandali? Calai : Medyo. Napatagal lang ng konti. Hehe. Michie : Tanginang Ragnarok yan. Calai : Wushu, alala mo lang si Alex, e. Katahimikan. Calai : Mich? Ok ka lang? Michie : Oo naman. Calai : Sigurado ka? Michie : Medyo. Calai : Naiiyak ka? Michie : Sa totoo lang, hindi. Sabi nila crying makes you feel better kasi nalalabas mo yung bigat ng dibdib mo. Kaso hindi, e. Calai : Walang epekto kahit umiyak ka? Michie : Iiling. Halos matuyuan na nga yung tear ducts ko e, tapos magsara na yung mata ko sa sobrang maga. Ganun parin. Masakit parin. Calai : Hindi naman matatanggal ng iyak yung sakit e. Panahon lang yung makakagawa niyan. Michie : Time heals all wounds, sabi nga nila. Siguro. Ewan ko. Sana. Calai : Alam mo kung ano magpapagaling diyan? Toma. Tara, inuman tayo. Michie : Oo nga. Saan? Kailan? Gusto mo mamaya? Pabilhin natin ng toma si Andeng. Calai : Tatawa. Asa ka pa dun. Alam mo naming di yun game sa mga ganun. Michie : Bakit kaya no? Ok lang naman sa nanay niya. Calai : Reverse psychology! Hehe. Kita mo naman ako. Sa mga crush ko pati manliligaw, si Marco lang talaga yung nagustuhan ni kuya, kaso lang ayoko naman sa kaniya. Michie : Bakit naman? Calai : Aba malay ko! Di ko feel ang aura niya. Puta, bading ata yun e! Michie : Ngek! Di ka liligawan nun kung bading siya no. Calai : E di fine, silahis, bisexual, anupaman. Michie : O ano naming masama dun? Ok nga mga bading, e. Calai : Ayos silang friend, kaso� jowa? Michie : Oi, ano ka. Sobrang dami ngang bading na may asawa na, may anak pa. Arnel Ignacio, Ogie Diaz� Calai : Nako! Ayoko parin! Hindi ko carry yun! Michie : Year 2003 na no. Lahat ngayon puwede. Pero teka, sigurado ka bang bading yang si Marco mo? Calai, hinding hindi papayag si Kuya Ed na magkaroon ka ng bf na bading, at lalong hindi niya magugustuhan yung guy na yun if ever no! Calai : Ah, basta! Hindi ko talaga siya like. Michie : Dahil? Calai : Basta. Ayoko lang. Michie : Ang unfair mo. Calai : E sa anong magagawa ko? Ganun talaga e. Alangan naming makipagplastikan pa ko sa kaniya. Siyempre bago ako maging fair sa kaniya, I have to be fair to myself first. Michie : Sabagay. So you�re saying wala na talaga siyang pag-asa? Calai : Actually, hindi naman sa ayoko sa pagkatao niya. Mabait naman siya, magalang, basta ganoon, kaya nga siguro siya nagustuhan ni kuya e. Hindi ko nga lang siya like in the sense na� gets? Michie : E anong uri ng tao ba naman kasi yung magiging like mo in the sense na� gets? Calai : Matangkad, maastig, guwapo� Michie : Haynako Calai. Sinasabi mo lang yan ngayon, pero kita mo, you�ll end up falling for someone the complete opposite of what you just said. Calai : Complete opposite? Ngi, wag naman. Michie : Malay mo? You can never tell. Calai : O sige, given na yon, pero basta. Kung kaninong prince charming ko man mahanap ang pag- ibig, I�m pretty sure hindi si Marco yun. Michie : Kawawang Marco. Calai : We can always be friends. Michie : Naks, artista. Calai : Speaking of artista, nasan na si Andeng? Sobrang grand entrance naman ata siya. Michie : Text mo nga. Calai : Magte-text. [Hoy, Keandra. Ganda mo, a! May intensyon ka pa bang sumipot?] Michie : Talaga naman, Andeng. Calai : Teka nga, bibili muna kong pagkain. Wala akong mapapala kung hihintayin ko pa si Andeng, e. Michie : Korek! Baka tumirik lang mata natin sa gutom. Tutunog ang cellphone ni Calai. Calai : Akin yun� Si Andeng! �Wait lang, diyan na ko as in, sorry.� Michie : Papunta na? Calai : As in daw. Michie : Sige bili ka na ng food, matagal pa yun! Calai : Sabi ko nga, e. |