Andeng: Uy! Sorry! Sorry! Sorry talaga ngayon lang nakarating.
Michie  : Ok lang! Ililibre mo naman kami, e.
Calai    : Saan ka ba galling?
Andeng: Pano naman po kasi, paalis na ko�t lahat kanina, aba si motherdear, tinalakan
nanaman ako! �Haynako Keandra, ilang beses na kitang sinasabihan, sabi ko sayo i-submit mo na yung application mo sa UST! Pag ikaw lang talaga, hindi nakapag-aral ng college, bahala ka! Pagtitindahin talaga kita sa palengke,kala mo!� blah,  blah, blah�
Calai    : O, nai-pass mo ba?
Andeng: Yup, pumunta pa nga ako dun e, kaya na-late ako. O ano na? Anong gusto niyo?
Michie  : Carbonara
Calai    : tsaka Chicken Wings
Andeng: Langya, mamumulubi ako nito, a.
Calai    : Sorry, late ka e.
Tatayo si Andeng para bumili ng pagkain.
Michie  : Ikaw, nag-apply ka ba sa uste?
Calai    : Hindi. Gusto talaga ni Kuya Ed na mag-UP ako, as if naman papasa ako dun.
Michie  :
Babatukan si Calai. Gago! Kaya mo yun! Kaya nating lahat yun!
Calai    : Sana.
Michie  : E nasa Manila si Kuya Ed, diba? Ibig sabihin dun ka rin?
Calai    : Yun nga gusto niya, e. Kaso ayoko nga! Ang layo nun, no.
Michie  : Ayaw mo nun, independent.
Calai    : Tangina, independent nga, ermitanyo naman.
Darating si Andeng.
Andeng: Sinong ermitanyo?
Calai    : Ako, pag nag-UP Manila ako.
Andeng: Praning, ano bang akala mo sa Maynila, bundok?
Michie  : Oo nga, medyo baliktad ka e, no? Sang Pilipinas ka ba nakatira na ang pananaw mo sa Maynila  e  malayo sa sibilisasyon?
Calai    : Hindi, kaya ko sinasabing magiging parang ermitanyo ako, kasi diba? Kailangan kong magstay  dun kay kuya tapos kayo nandito parin. Gets? Sobrang layo ko sa    
inyo.
Michie  : Siyempre may mga makikilala ka rin naman dun, do it�s not like secluded ka or anything like  that.
Calai    : Oo nga, pero secluded parin ako in the sense na isolated ako mula sa mga nangyayari sa inyo.
Andeng: Di rin, no. kaya nga may imbensyong tinatawag na telepono, e.
Calai    : Pero siyempre, iba parin yun kung andiyan lang ako sa tabi-tabi.
Andeng: Sabagay.
Michie  : Wag niyo na nga muna problemahin yan! We�ll cross that bridge when we come to it.
Calai    : Korek!
Andeng: Pero pag inisip mo, sobrang sandali na lang talaga no? Gagraduate na tayo tapos college na.
Michie  : Ayoko pa.
Calai    : Sino bang may gusto?
Andeng: Ulit nalang tayong highschool.
Calai/Michie: Gago.
Michie  : Pero tama nga sila, highschool nga talaga yung pinakamasaya.
Andeng: How can you tell? Di ka pa naman nagka-college, e.
Calai    : Siyempre, pag college ka na, windang na yung lahi mo. Maraming schoolwork. Hectic ang  schedule. Konti na lang time mo para mag- enjoy.
Andeng: Hindi rin, no. sobrang aral naman yung gagawin mo kung pati weekends mo mauubos na.
Michie  : Pero diba, sa college, yung classmates mo, di talagang consistent na sila ng sila, tapos tipong magkakaiba pa kayo ng schedule ng  friends mo, so yung mga makakasama mo e hindi yung mga exag na ka-close mo.
Andeng: Pero astig rin naman kasi yung experience of meeting other people. Yung mga magiging blockmates mo,magiging ka-close mo rin sila sooner or later. Kaya ok rin.
Michie  : Sabagay, tapos parang nakakagana rin, kasi tipong bagong simula nanaman.
Calai    : Pero nakakatakot rin, no?
Andeng: Fear of the unknown lang yun, kasi di mo alam kung anong mangyayari.
Calai    : Sabagay. Sobrang dami naman kasi ng mga probabilities, e.
Michie  : Ano bang kinuha niyo?
Andeng: Philo, Psych. Gusto talaga ni momsy na maging lawyer ang kaisa-isang anak niya, e.
Calai    : ECE.
Andeng: Bakit?
Calai    : Wala lang, masaya e.
Andeng: Kaw, Mich?
Michie  : Nursing. Yun daw maganda ngayon, e.
Calai    : Kung gusto mong mag-abroad.
Andeng: Gusto mo ba?
Michie  : Medyo. Ayos lang.
Andeng: Sabagay, wala naman kasing mangyayari sayo dito, e. Kung maga-abroad ka, mas madaling kumita.
Michie  : Sobrang layo mo nga lang sa family mo.
Calai    : Pati sa friends.
Andeng: E di lahat tayo, mag-abroad nalang! Hehe.
Michie  : Pucha, braindrain!
Calai    : Hindi ako papayagan ni mama.
Andeng: Ay, sineryoso ni loka!
Calai    : Bakit naman hindi? Kung iisipin mo yung salary na involved, that�s a really logical choice.
Michie  : E yun naman pala, e. Bakit hindi ka papayagang umalis ng mama mo?
Calai    : Alam mo naman yun saka si papa, sentimental. Mas gugustuhin pa nilang maghirap at magutom  kaysa maghiwa-hiwalay.
Andeng: Hindi rin. Pag naman naisip nilang mas magiging maganda yung buhay mo kung pupunta ka  dun, papayag rin yang mga yan!
Michie  : Welfare mo lang naman iniisip nila, e.
Calai    : Alam ko naman yun, kaso minsan talaga, may mga times na hindi sila nakaka-relate, diba?
Michie  : Oo nga, yung sinasabi nilang maganda para sayo doesn�t necessarily mean na dun ka sasaya. I  know they mean well, pero at times they just can�t relate!
Calai    : Para bang nakalimutan na nila kung paano maging ganitong age.
Andeng: Baka naman they know what it�s like, kaso lang dahil nga napagdaanan na nilang lahat to, may  mga nakikita silang mga repercussions na hindi natin nare-realize.
Michie  : Naks. Andeng, ikaw ba yan?
Andeng: Well, alam niyo naman ako, I�m so open-minded and mature.
Calai    : Feel mo, ulol.
whatever...
Hosted by www.Geocities.ws

1