Calai    : Oy, Andeng, manlilibre ka ulit diba? Asan na?
Andeng: Ha?  Hindi pa ba kayo busog?
Michie  : Kami pa.
Andeng: Hayop, foodtrip a.
Calai    : O dali na!
Andeng: Ano?
Michie  : Lumpia.
Calai    : Prawn balls.
Andeng: Inumin, ayaw niyo?
Calai    : No thanks.
Michie  : Meron pa naman.
Tatayo si Andeng para bumili ng pagkain.
Michie  : Takaw natin no?
Calai    : Nagtaka ka pa.
Michie  : Shit sobrang taba ko na!
Calai    : Pucha kung mataba ka, e ano pa ko?
Michie  : Mas mataba.
Calai    : Haha.
Michie  : Pero hindi nga, ano kayang magandang diet?
Calai    : Seryosong magda-diet ka?
Michie  : Oo no, di naman kasi lahat tayo kasing suwerte ni Andeng na kahit lamon ng lamon e tingting parin.
Calai    : Nasa genes niya kasi yun, e. Kita mo mom niya ganun din.
Michie  : Puwes wala sa genes ko yun.
Calai    : Lalo naman ako no! Kita mo naman si mama, medyo lang ang taba niya diba?
Michie  : Tapos buntis pa siya e di lalo siyang magpu-put on ng weight.
Calai    : Oo nga no.
Michie  : Try ko kayang mag-cracker diet?
Calai    : Naku yan ang wag mong gagawin. Baka mapano ka. I�m no health expert, pero I don�t think maganda para sayo yung puro yun lang.
Michie  : Oo nga� isa pa I don�t think kakayanin kong mag-diet ng ganun. Masyado akong matakaw, e!
Calai    : E di ang gawin mong diet yung tipong may certain menu kang sinusunod.
Michie  : Hindi ba masyadong labor intensive yun? Kasi you have to cook things a certain way.
Calai    : Ewan ko lang. Hindi ko kasi alam kung anong mga uri ng food yung mga andun e. Pero malay mo, yung mga pagkain dun e yung mga tipong hindi na niluluto, like fruit o bread.
Michie  : Matignan nga. Hanap mo naman ako ng kopya nun, o.
Darating si Andeng.
Andeng: Kopya ng ano?
Michie  : Menu para sa diet.
Andeng: Magda-diet ka?
Michie  : Yup.
Andeng: Ha? E hindi ka naman mataba, a!
Michie  : Kaya nga magda-diet e, para hindi na umabot dun.
Andeng: Ewan ko lang ha, pero sa tingin ko hindi ganun ka-effective yung menu diets kasi siyempre, iba- iba yung metabolism ng mga tao. Yung makakapagpapayat sa isa, hindi necessarily maga-apply sa iba.
Michie  : E anong gagawin ko?
Calai    : Kailangan yung diet mo nag-aapply sa katawan mo.
Andeng: Diba may mga taong puwedeng i-consult tungkol diyan? Tapos sila na yung bahalang gumawa ng appropriate diet para sayo.
Michie  : Nge, edi gagastos pa ko.
Calai    : Alam ko na. Bago ka kumain, uminom ka muna ng isang basong tubig para by the time na kakain ka na, busog ka na tapos konti nalang makakain mo.
Michie  : O di kaya gawin ko nalang mga tatlong baso, para exag na busog na ko.
Calai    : Edi para ka naring nag-cracker diet dun! Nagpapakabusog ka sa mga bagay na virtually walang sustansiya.
Michie  : Yun nga yung point, e. Hindi na kailangan ng katawan ko ng karagdagan pang sustansiya.
Andeng: Alam mo Mich, di mo naman kailangang mag-diet e.
Michie  : Ang taba ko na kaya!
Calai    : Hindi naman gaano.
Andeng: Kitam? Anorexic ka na ata e.
Michie  : Gago.
Andeng: O bakit? Ganun naman yung mga anorexic diba? Hindi sila kumakain kasi feeling nila ang taba taba nila.
Michie  : Wala pa naman ako sa proseso ng hindi pagkain.
Andeng: Pero the intent is still there! Konting panahon nalang, may anorexia ka na. Tapos bulimia. Naku!
Michie  : Ang oa mo, a.
Andeng: Grabe, lahat ng kaibigan ko may sakit sa utak! Isa, anorexic. Yung isa pa, bayolente.
Babatukan nina Calai at Michie si Andeng.
Michie  : Gago, ikaw ata ang may sakit e.
Calai    : Paranoia.
Andeng: Pero seryoso Mich, wag ka na kaya mag-diet?
Calai    : Oo nga, kita mo ko, mas mataba pa nga ako sayo, di ko naman ever inisip na mag-diet.
Micihe  : E kasi naman, matangkad ka.
Andeng: E hindi ba dahil matangked siya,lalong mas dapat siyang magpapayat?
Calai    : Oo nga, kasi pag matangkad na ko, mataba pa, sobrang laki ko na nun.
Michie  : Hindi, kasi kung mag-gain ka ng weight, hindi masyadong halata. Ibig sabihin, �big� ka lang pero hindi ka �fat�. Kasi, yung nadagdag na weight sayo, konti lang yung nagawa para ma-upset yung balance ng proportionality mo. Gets?
Andeng: Oo nga no!
Calai    : Well, that�s one way of looking at it.
Andeng: So talagang convinced ka nang magpapayat?
Michie  : Medyo.
Andeng: Ikaw bahala.
Calai    : Kailan ka magsisimula?
Michie  : Ewan.
Kukuha si Michie ng mini tacos ni Andeng.
Michie  : Next time nalang.
whatever...
Hosted by www.Geocities.ws

1