| Calai : Uy, alam niyo ba, magkakaroon ako ng isa pang kapatid. Andeng: Di nga? Michie : Ang saya, baby! Calai : Eh, ayun. Andeng: Napaka-enthusiastic mo, a. Calai : E wala lang. Michie : Hindi ka ba excited? Calai : Medyo. Puwede na rin. Michie : Nakakaaliw, kita mo, pati mga kuya mo magiging sobrang excited dun sa baby. Calai : Oo nga. Andeng: Bakit parang ayaw mo? Calai : Hindi naman, pero diba? Having a baby means na magkakaroon ng mga changes sa buhay naming lahat. E I kinda like my family the way it is. Michie : Ngingiti. Na ikaw ang bunso at baby ng lahat, ganun ba? Calai : Medyo. Andeng: Oh my gosh, Calai, nagseselos ka! Calai : Mamumula. Hindi, a. Andeng: Nagseselos ka sa isang baby na hindi pa naman ipinapanganak! Michie : Kay Andeng. Oy, pero alam mo, natural na reaksiyon lang daw ng mga bunso ang ma-threaten kung may bagong ipapanganak na kapatid, kasi feel nila mapapalitan yung role nila as baby of the family. Calai : Maiinis. Wag niyo nga akong pag-usapan na parang wala ako rito! Michie : Para kang si Ruthie ng Seventh Heaven. Andeng: Ay, oo! Tapos ako si Rory Gilmore. Michie : Duh, Andeng. Andeng: E feeling ng nanay ko, siya si Lorelai, e. Bakit? Kamukha ko naman si Alexis Bledel, a. Calai : Epal. Michie : Di nga Calai. Sure na talaga yun? Calai : Yata. Oo. Ewan. Katahimikan. Michie : Nagseselos ka? Calai : Hindi ko alam. Siguro. E yun naman yung natural na reaksiyon, diba? Pero ewan. Basta ang alam ko, nagwo-worry ako. nobody else seems bothered about it. Happy nga sila, e. Nagi-guilty ako kasi I don�t think I�m as happy as they are. Michie : There�s nothing wrong with being worried. Andeng: Alangan namang pilitin mo yung sarili mo maging masaya, diba? Calai : Pero naisip ko rin, there must be something wrong with me kasi nga I�m not as happy as they are. Andeng: Oh my gosh! Baka may psychological defect ka! Calai : Tangina mo. Andeng: Kitam? Nagpapakita ka na ng animosity! Baka may violent tendencies ka! Calai : Gago. Kung psychological defects lang ang pinag-uusapan, di hamak namang mas siakol ka pa kesa sakin, no. Andeng: Haynako, Calai, yaan mo. Kapag nag- Psych ako susubukan kong pag-aralan ang mga taong katulad mo. Calai : Maganda? Andeng: Hindi, ilusyonada. Calai : Hayup. Pag-aralan mo muna yung epekto ng pagiging sawi sa utak ng tao, para naman matulungan natin tong si Michie. Michie : Gago ka, a. Andeng: Mas gago si Alex. Calai : Tangina sugurin na kasi natin! Andeng: Korek! Michie : Puta ano bang pakialam natin sa kaniya? Di ko sasayangin sa kaniya oras ko, no. Magpapalakpakan sina Andeng at Calai. Calai : E, Mich, pano kung bumalik siya sayo? Michie : Hindi na mangyayari yun. Calai : Kaya nga kung, e. Michie : Ewan ko, palagi naming tinatanong yun e. Sa totoo lang hindi ko alam kasi yang mga sitwasyong ganiyan, kailangan ng matinding pag- iisip at pagmumuni-muni. Ayoko na ngang isipin e. Wala na kong lakas para mag-weigh sa utak ko ng isang hypothetical situation na sobrang liit ng odds of happening. Papahirapan ko lang yung sarili ko. Calai : Kunsabagay. Andeng: Oo nga naman, bakit nga ba tayo nagba-bother sa mga ganiyang bagay? Tayo tayo lang yung gumagawa ng sarili nating mga problema. Michie : Korek. Calai : Kaya tayo ngayon ay magpakasaya! Andeng: At kumain. Calai : Kasi si Michie naman yung manlilibre. Michie : Nyek! Andeng/Calai: Yehey! Michie : Ayoko nga, no. Andeng: Dali na Mich, tapos isang round ulit sakin. Michie : Di nga? Andeng: Oo. Calai : Dali na Michie. Payag na, bago makarecover sa delirium niya si Andeng. Michie : Sige na nga, pero manlilibre ka uli mamaya, a? Andeng: Promise. Michie : O, anong gusto niyo? Andeng: Chicken chimichanga Calai : Mango crepe Tatayo si Michie para bumili ng pagkain. Calai : She�s handling it quite well, don�t you think? Andeng: Considering na sobrang minahal niya si Alex. Calai : Kasi naman si Alex, e. Andeng: Siyempre hindi natin mapipigilang magalit sa kaniya kasi natural, kay Michie tayo kampi. Pero we shouldn�t forget na hindi pa natin naririnig yung side niya. Calai : Oo nga pero sa totoo lang? I really don�t care kung ano yung side niya. The only thing I care about is getting Michie out of this with the least amount of wounds and scars possible. Andeng: Sabagay. I guess she would heal a lot faster if she didn�t have him to think about. Calai : Kailangan muna niya sigurong magpaka-busy para naman hindi niya maisip si Alex. Andeng: Well, that�s what we�re here for. Babalik si Michie na may dalang pagkain. Michie : O, eto na. Calai : Salamat, Mich. Andeng: Thanks. Michie : Sure. |