Ang pagbubuod ng Florante at Laura.


          
	Nagsimula ang kwento ng Florante at Laura sa isang masukal na gubat kung saan nakatali si Florante.
	Ang lokasyon nito ay nasa may dakong labas ng Albanya,malapit sa Ilog Kositong,kung saan
	ang tubig nito ay makamandag.Ang nasa likod ng mga suliraning ito ay si Konde Adolfo.At dito
	nagsimula ang kanyang gunita na sa palagay niya ay pinagtaksilan siya ng kanyang minamahal na giliw,Ito
	ay si Laura.Isang kamalasan ang naganap sa kaniyang buhay.

	Akala ni Florante ay huli na ang lahat.Nagkataong may naglalakad na moro,Si Aladin.Narinig nito ang tinig 
	ni Florante at ito'y dali-dali pumunta sa pinagmulan ng tulong.Dalawang leon ang handang sumakmal sa
	taong nakabuhol sa puno ng Higuera.Pinatay ito ni Aladin at tinanggal sa pagkabuhol si Florante,inalagaan
	hanggang sa ito'y lumakas.

	Matapos ang kaniyang mahabang pahinga,ikinuwento ni Florante ang kaniyang buhay kay Aladin.
	Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas
	siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro.Sinambilat ng isang halkon ang kuwintas niyang
	Diyamante.Pinadala siya ng kaniyang ama sa Atenas upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor.
	Natagpuan niyo doon ang kaniyang kasamahan sa pag-aaral na si Adolfo,na naging lihim na kaaway
	matapos ang skandalong naganap habang sila'y nagdudulaan.Dito siya niligtas ni Menandro at dito
	sila naglakbay papunta sa kinta kung saan papunta sa palasyo ng kanyang ama.Tapos ay nakatanggap
	si Florante ng liham ukol sa pagkamatay ng sinisintang ina.
	
	Matapos ang mahabang paglalakbay sa Krotona,kasama ang matalik na kaibigan na si Menandro,pinatay
	niya si Heneral Osmalik na tumangkang sakupin ang lugar.Bukod dito,nagkaroon pa siya ng labimpitong
	tagumpay na pag-aalsa sa iba't ibang kaharian.Ngunit hindi lahat natatapos sa masayang katapusan.
	Matapos ang pagwagayway ng medialuna sa Albanya,agad niya itong pinuntahan kung ano ang nangyari
	sa lugar.Dito niya nakita ang isang babaeng parang pupugutan ng ulo.Agad niya itong iniligtas sa kamay
	ng mga moro,sa pamumuno ni Aladin na sakupin ito, dahil siya'y nagbabakasakali na ito'y si Laura.
	Kung saan totoo ang hinala.

	Isa na rin dito ay ang pagkatalo ng Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa.Nagtapos ang kaniyang
	pagsalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin nito ang trono ng Albaniya
	at agawin sa kanya si Laura.

	Nagpakilala ang Lider ng moro na ito ay si Aladin,kaaway na mahigpit ng relihyong Kristiyano at
	ng Bayan ni Florante,ang Albanya.Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante.Una sa lahat,
	inagaw sa kaniya ang kanyang iniirog sa kamay ng kaniyang ama,Sultan Ali-Adab ang kanyang ngalan.
	Ang ngalan ng kanyang sinta ay Flerida.

	Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig ng dalawang kalalakihan ang dalawang tinig na nag-uusap.
	Tumayo ang mga ito at nakita si Laura at Flerida na magkausap.Si Flerida'y tumakas sa Persya upang
	hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay napansin niya si Laura na ibig 
	gahasain ni Adolfo.Gamit ang dahas,pinana ni Flerida ang sukab at dito nailigtas si Laura.

	Ikinuwento rin ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante.
	Isinalaysay niya rin kung paano siya pinilit ni Adolfo sa pumunta sa kagubatan.

	Matapos ang isa-isang pagbubuod ng kanilang hinaing,nabatid nina Florante at Aladin na ang kanilang
	Iniirog ay pawang tapat sa kanila at nagtapos ang pagsasalaysay nila sa isang mabuting kalabasan.
	Sina Aladin at Flerida,matapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab,ay naghari ng
	Persya.Samantalang sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa sinintang Bayan,Albanya.
	


Return to Homepage