Florante at Laura (pagbubuod ng bawat kabanata)

Chapter 1: Kay Selya Inaalala ni Balagtas ang panahon ng magkakilala sila ni Selya. Nagkaroon sila ng relasyon na puno ng pagmamahal. Masaya sila na namamasyal sa ilog ng Beata at Hilom. Ngunit nalulungkot si Balagtas at naagaw na ni Nanong Kapule ang ibig niyang si Selya dahil siya ay nakulong. Sa loob ng kulungan, natutong gumawa ng tula si Balagtas at inialay niya ito para kay Selya na binigyang sagisag ng M.A.R. Chapter 2:Sa Babasa nito Malaki ang pasasalamat ng makata sa mga bumasa at babasa ng kaniyang akda. Ang akda niya ay parang isang prutas na maliit sa paningin ngunit malinamnam kung ito�y lalasapin. Hiniling niya dito na wag baguhin ang mga salita at berso gaya ni Sihesmundo na mahilig magbago ng akda na nauuwi sa pagkawala ng lasa nito. Nagpaalala rin siya na kung may hindi maintindihan ay tumingin lamang sa ibaba ng pahina. Chapter 3: Sa mapanglaw na gubat Isinasalaysay ni Florante ang paligid niya. Madilim dahil hindi pumapasok ang liwanag mula sa kalangitan dahil sa naglalakihang dahon ng mga puno. Ang kagubatan ay maraming puno ng higera at sipres. Punong �punong ng mababangis na hayop ang gubat gaya ng tigre, hyena, basiliko, leon , sierpente. Chapter 4: Ang Reynong Albanya Nag-dadalamhati si Florante sapagkat ang Albanya na kanyang pinagmulan ay nasakop na ng puwersa ni Konde Adolfo. Nagpatupad ito ng mga mararahas na batas. Nais nitong makamit ang kapangyarihan ni Haring Linceo at ang yaman ng mahal niyang ama si Duke Briseo. Chapter 5: Mga hinaing ng lalaking nakagapos Punong-puno ng kalungkutan si Florante dahil sa sinapit niya sa buhay. Pinarinig niya ang kalungkutan sa buong gubat dahil tingin niy�ay nalimot na siya ng kaniyang sinta. Naalala niya ang mga panahon na inaalgaan siya ni Laura kung siya�y tutungo sa giyera. Kung may sugat ito�y ginagamot ni Laura na Kaniyang sinta. Chapter 6: Halina, Aking Laura Gusto ni Florante na maibalik ang nakaraan niya kay Laura,kung paano siya inaalagaan ng kaniyang iniirog. Ngunit nangangamba siya na baka nakuha na ni Adolfo ang puso ni Laura. Ngunit nagpasalamat pa rin ito na kahit siya�y pahirapan ay wag agawin si Laurang kaniyang mahal. Chapter 7: Ang Pagdating ng Gerero Dumating si Aladin isang Persyanong mandirigma. Siya�y umupo sa lilim ng puno at nagsimulang umiyak. Inalala niya ang nangyari sa kaniyang buhay. Sinabi niyaw na kung may aagaw sa minamahal niyta ay kaya niya itong patayin maliban na lang kung ito�y kaniyang ama. Naging katunggali niya ito sa puso ni Flerida ang kaniyang iniibig. Chapter 8: Duke Briseo � Mapagmahal na ama Huminto sa paghihimutok ang gerero, narinig nito ang bunting hininga ni Florante.Doon ay inalala ni Florante ang ama niyang pinapatay ni Adolfo.Pinugutan ito at ikinalat ang parte ng katawan sa daanan at wala ni isa ang naglibing man lang.Ngunit hanggang sa mamatay ay ang kabutihan pa rin ng anak ang kaniyang inisip. Chapter 9: Panaghoy ng Gerero Naalala ni Aladin na kasalungat ng ama ni Florante ay hindi siya minahal ng sarili niyang ama. Ang mas masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw kay Flerida na kanyang pinakamamahal. Naulila agad sa ina si Aladin gerero kaya�t di siya nakatikim ng pagmamahal ng isang ina. Nawala ang iniisip ng gerero nang marinig ang panaghoy ng nakagapos na si Florante na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura. Chapter 10: Sa harap ng dalawang leon Dalawang Leon ang lumapit kay Florante at naaawa itong tumigil sa kaniya.Sa harap ng dalawang leon nagpaalam ang binata sa Albanya at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong nagpasakit sa magiging pagkamatay niya ay ang pagpanaw na hindi hawak ang puso ni Laura. Chapter 11: Ang pagliligtas sa lalaking nakagapos Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya�t hinanap niya ang pinanggagalingan ngboses ng binata.Pinakawalan niya ang binata mula sa mga tali na nakagapos sa puno.Halos atakihin na ng mga leon si Florante at hinimatay dahil sa hirap. Inatake ni Aladin ng itak ang mga leon hanggang ito�y mamatay. Pagkatapos mapakawalan ay kinandong ni Aladin si Florante. Chapter 12: Sa kandungan ng gerero Nang magising si Laura ang una niyang hinanap. Nagulat si Florante na nasa kandungan siya ng isang Moro.Ipinaalam ni Aladin ang kanyang hangad at sinabing sinusunod niya pa rin ang batas ng langit kahit ang bayan nila ay magkaaway. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero. Chapter 13:Paglingap ng Gerero Hindi nag-pansinan ang dalawa hanggang bumaba ang araw. Dinala ni Aladin ang binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito inalagaan ni Aladin ang binata na di nagtagal ay namahinga sa kanyang kandungan. Binantayan ni Aladin si Florante na kung gigising ay lagging umiiyak. Itinanong ni Aladin ang dahilan ng paghihimutok nito. Chapter 14: Kamusmusan ni Florante Ikinuwento ni Florante ang nagging kapalaran niya. Sinabi niya ang kaniyang pangalan at pinanggalingan pati na ang kanyang mga magulang.Sinabi niya na ang kaniyang ama ay ang tanungan ng Haring Linceo at naging pangalawang pinuno na rin ng Albanya. Isang mapagmahal na ama si Duke Briseo. Ikinuwento niya ang mga pangyayari noong bata pa siya. Noong sanggol pa siya ay muntik na siyang makuha ng buwitre ngunit sa kabutihang palad nailigtas siya ng pinsang si Menalipo gamit ang isang pana. Isang araw, ang muntik ng dumagit sa isang mahalagang bato sa dibdib niya at yun ay ang Kupidong Diyamante. Noon din ay nawiwili siya sa paglalaro sa burol. Bata pa lamang ay magaling na rin mamana ng ibon si Florante. Chapter 15:Ang laki sa layaw Si Florante ay lumaki sa layaw.Ngunit naisip niya na ang mundo ay puno ng hirap kaya naman dapat ihanda ang bata para dito. Dahil ang batang laki sa layaw ay hindi makakatagal sa hirap ng mundo. Alam ito ng kaniyang ama kaya naman pinadala siya nito sa Atenas upang mag-aral. Chapter 16: Pag-aaral sa Atenas Labing-isang taon lang si Florante nang ipadala siya sa sa Atenas.Naging guro niya duon ang magaling na si Antenor. Isa sa mga kaklase niya rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay naging mabait kay Florante ngunit ito�y pagbabalat-kayo lamang. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika Chapter 17: Tangkang Pagpatay kay Florante Nangibabaw ang katalinuhan ni Florante sa lahat. Dito lumabas ang kasamaan ni Adolfo.Gumanap sila bilang magkapatid sa iisang dulang trahedya at nagbunga na muntikang pagpatay ni Adolfo kay Florante.Sakto naman na nailigtas ni Menandro si Florante. Kinabukasan,umuwi sa Albanya si Adolfo. Chapter 18: Namatay si Ina Si Florante ay nagtagal pa ng isang taon sa Atenas. Isang araw, nakatanggap si Florante ng sulat mula sa ama. Nilalaman nito ang isang malungkot na balita. Namatay ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Chapter 19: Mga tagubilin ng Maestro Pagkaraan ng dalawang buwan ng kalungkutan, dumating ang paibagong liham na may kasamang sasakyan at siya�y pinapauwi sa Atenas. Bago umuwi pinaalalahanan ito ni Antenor na mag-ingat kay Adolfo dahil sigurado itong gaganti.Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Chapter 20: Paghingi ng tulong ng Krotona Napaiyak si Florante ng Makita ang ama dahil sa pagkawala ng kaniyang ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linceo, dala ang sulat ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita�y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito�y hirangin ng hari na heneral ng hukbo. Chapter 21: Ang Kariktan ni Laura Nakita�t nakilala ni Florante si Laura isang babae na inahalintulad kay Venus sa kagandahan na hindi niya naisip na magtataksil sa kaniya.Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga. Chapter 22: Paghahanda patungong Krotona Di man lamang nakausap ni Florante si Laura ng masinsinan. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi man sumagot ng �oo� si Laura lumuha ito ng umalis si Florante. Chapter 23: Madugong Paglalaban Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito�y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante. Chapter 24: Tanggulang ng Siyudad Hindi nagkamali si Florante sapagkat sa kanilang paguwi ay inabutan nilan nakataas ang bandilang medialuna na sagisag ng mga Moro. Mula sa kinatataguan natanaw nila ang isang babaeng pupugutan na sa kutob ni Florante ay si Laura.Mabilis na nilusob nila Florante ang hukbo ng mga Moro at nagapi nila ito. Di siya nagkamali at nailigtas si Laura. Pupugutan ito dahil tumanggi ito sa pagibig ng isang emir.Pinakawalan ni Florante ang Hari, ang kaniyang Ama, at si Adolfo na mas umigting ang inggit kay Florante. Chapter 25: Ang Kasamaan ni Adolfo Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya. Isang araw, dumating ang isang sulat na pinapauwi ni Haring Linceo Si Florante na mag-isa. Ang hindi niya alam ay isa itong patibong na inilapat ni Adolfo. Nahulog siya rito at nahuli ng 30,000 na kawal. Nalaman niya na pi�ata ni Adolfo ang hari at ang kaniyang ama at binihag si Laura. Ikinulong siya ng 18 araw atsaka nilipat sa gubat kung saan siya natagpuan ni Aladin. Chapter 26: Ang Paghihirap ni Aladin Nang matapos si Florante sa pagkukuwento nagpakilala na ang gerero. Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi niya kay Florante na parehas sila ng sinapit sa buhay. Isinalaysay naman ni Aladin ang kaniyang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito dahil daw sa hindi pagganap napinuno sa giyera laban sa Albanya. At nang matalo sila nila Florante ay pinapapugutan siya ng kaniyang ama.Pinagbigyan siya na kung aalis sa Persya ay pagbibigyang mabuhay. Chapter 27: Ang pagtakas ni Flerida Narinig nilang dalawa ang paguusap ng dalawang babae. Ang isa ay sinabi na tumakas siya ng malaman na pupugutan ang kaniyang mahal. Nagmakaawa siya sa Sultan pumayag ito ngunit kailangang magpakasal siya rito. Sa araw ng ksal, tumakas siya na naka-suot gerero. Ilang taon din siyang naghanap sa gubat at ngayon nga ay nakita niya si Laura. Pumasok sa eksena si Florante at Aladin laking tuwa ng apat ng makilala nila ang isa�tisa. Chapter 28: Ang Pagliligtas kay Laura Ayon kay Laura, naloko ni Adolfo ang mga tao at dahil dito ay nagkagulo ang mga tao. Kasunod nito ipinapatay niya ang hari at ang mga tapat nitong alagad Inagaw ni Adolfo ang trono at pinilit magpakasal kay Laura. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang palad, nahuli si Florante ng hukbo ni Adolfo at ikinulong at itinapon sa gubat. Handa nang magpatiwakal si Laura ngunit dumating si Menandro at ginapi ang puwersa ni Adolfo. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida, na pumana at pumatay kay Adolfo. Chapter 29:Masayang Wakas Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo.Tuwang-tuwa silang lahat. Nagsaya ang buong Albanya dahil sa bagong haring si Florante. Ipinagsama naman ni Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal silang apat. Umuwi sa Persya sina Aladin nang mamatay ang kaniyang ama at doon namuno. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura. Natapos ang kuwento sa hiling ni Balagtas sa kaniyang musa na dalhin kay Selya ang kaniyang �Ay!..Ay�. Return to Homepage