Nagsimula ang pagkasilang ni Lam-ang nang ang kaniyang magulang ay hindi pa nagkakaroon
ng anak.Dahil sa isang biyaya,ang kaniyang ina'y sinilang siya na may kakaibang lakas.Unang
kapangyarihan na ipinakita niya ay ang pagsasalita at pagpili ng sarili niyang pangalan.Kung gayon,
ang pangalang Lam-ang ay pinili ng sanggol mismo.At ito'y tinanggap ng mag-asawa.
Isang araw,at ang ama niya'y hindi pa nakakauwi sa kanyang paglalakbay.Dito nag-alala ang mag-ina.
Nagpaalam si Lam-ang sa kaniyang ina na si Namongan upang hanapin ang nawawalang ama na si
Don Juan.Pinayagan siya ng kaniyang ina,at dito nagsimula ang paglalakbay niya sa paghahanap ng
kanyang ama.Isang gabi,habang ito'y nagpapahinga at nakatingala sa langit,napansin niya ang isang
katang-tanging bituin.Ito ang nagbibigay ng pinakamalakas na liwanag,kung saan ito'y agad niyang
sinundan sa pag-asang tinuturo nito ang lugar kung nasaan si Don Juan.
Kinaumagahan,sa isang tribo ay may nakita siyang kawayang nakatayo at may ulong nakatusok.Tila bang
pinarusahan nang malubha.Nang ito'y lapitan,at nakumpirma na ang ulo ay pagmamay-ari ng kanyang ama.
Nagtanong siya sa mga tao na nakatira kung ano ang ginawa nila sa kanyang ama.Ngunit walang sumagot.
Datapwat,ang Lider ng tribo mismo ang nagsabing "Wag ka na bumisita muli rito,kung ayaw mo matulad
sa ama mong pinaslang sa kawayan".
Dito naghimutok ang damdamin ni Lam-ang.Sa sobrang galit ay pinatay niya lahat ng tao sa lugar at
naghiganti sa ngalan ng pagkamatay ng kanyang ama.Ubod ng lakas si Lam-ang na walang nakatumba
kahit isa sa mga pinakamagaling na mandirigma sa Tribo,lahat ng tao ay kanyang pinatay at umuwi sa
tahanan.
Habang nasa daan ay naligo siya sa ilog ng Amburayan (pinakamalaking ilog sa Ilocos).Sa sobrang dumi ni
Lam-ang,nalinis ang mga ito at nailipat sa katubigan ng ilog.Na nagresulta sa pagkamatay ng mga isda at iba't-
ibang hayop pandagat.Habang siya'y naliligo,may mga grupo ng kababaihan ang lumalapit sa kanya upang
bumati.
Pagkatapos maligo ay tinuloy niya ang kanyang paglalakbay.Ngunit sa kalagitnaan nito ay napadaan siya sa
tahanan ng babaeng napupusuan niya,si Ines Kannoyan.Kahit na ang ina niya ay di sang-ayon sa kanyang
desisyon,nagpasya pa rin siyang ituloy ang panliligaw.Dito nagsimula ang panibagon labanan.
Maraming manliligaw si Ines,at dito niya ponatumba lahat ng manliligaw gamit ang kanyang alagang manok,
pusa at aso.
Matapos gamitin ng manok ang kaniyang pakpak sa mahika,natumba ang bahay nina Ines.Ngunit pinatahol niya
ang kanyang aso,at nabuo muli ang bahay na parang walang nagyari.Dito nagulat lahat ng manliligaw,pati na
rin si Ines,sa ginawa ni Lam-ang.At siya ang pinili ni Ines.Ininbitahan ng mga magulang ni Ines si Lam-ang para
sa isang salu-salo.Dito sinalaysay ni Lam-ang kung gaano siya kayaman.Pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng
pamimigay ng dalawang Gintong Barko.Dito tinanggap ng pamilya ni Ines si Lam-ang.
Isang araw,nais ni Lam-ang na mangisda at kumuha ng isda kung tawagin ay rarang.Ngunit siya'y nakain ng
isang dambuhalang pating,isang Berkaken.Sa sobrang lungkot ni Ines sa pangyayari,inutusan siya ng manok
ni Lam-ang na kuhanin ang mga buto ni Lam-ang at patungan ng tapis ang nakolektang buto.Matapos gawin ito
ni Ines ay inayos niya itong korteng tao,at pinaypayan ng manok ang buto gamit ang pakpak nito.At si Lam-ang
ay nabuhay muli,masayang nagkita ang dalawang magkasintahan.