Ang Alamat ng Pinya

Si Pina ay isang babaeng tamad maghanap ng mga gamit na nawawala. Sa tuwing pahahanapin siya ng mga bagay na nawawala sa utos ng kaniyang magulang,parati niyang sinasabi na hindi niya ito makita. Isang araw,inutusan siyan ng kaniyang ina na hanapin ang sandok dahil ito'y naglalaba.Hinanap niya ito ngunit paulit-ulit niyang sinasambit na hindi niya ito mahanap.Dahil nairita ang kaniyang ina dahil sa paulit-ulit na pagsasabi na hindi niya ito makita,nasambit ng ina na sana'y marami siyang "mata".Dito nagsimula ang hiwaga. Kinabukasan,hindi mahanap ng ina si Pina.Matapos hagilapin ang bawat sulok ng tahanan,umiyak ang ina.Hanggang sa mapansin niya ang kakaibang halamang tumutubo sa kanilang kapaligiran.Malaki at matigas ang bunga, parang si Pina.pero ang kakaiba ay marami itong mata,katulad ng sinabi ng ina kay Pina. Mula noon,tinawag nila itong Pinya.Mula sa pangalang Pina na pinagsabihan ng kaniyang ina na sana ay marami siyang mata. Return to Homepage