home   articles   campaigns   legislative   gallery   messages
information bulletin  
newsletter
archive
contact us
about us
links
 
 

Balita - Hulyo 1, 2005
Sanggunian: Connie Bragas-Regalado, Tagapangulo, 0927-2157392
Vince Borneo, Information Officer, 0927-7968198

Cory: Pabor kay GMA

"Pumapabor ba si dating pangulo Corazon Aquino sa mga krimen ni Gloria Macapagal-Arroyo para manatili ito sa poder?"

Ito ang itinanong ni Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante Sectoral Party hinggil sa aksyon at pahayag ng dating pangulo sa eskandalong Gloria-gate.

"Hindi kailanman magiging kwalipikado si Aquino na magbigay ng abiso kay Susan Roces sa 'pagpanatili sa Konstitusyon' at 'rule of law.' Matatandaang walang ginawang electoral protest si Cory para ligal na mapatunayang dinaya siya ng dating diktador na si Marcos. Naging pangulo si Cory noong 1986 dahil sa matagumpay na demokratikong kilusang masa ng mamamayang Pilipino na nagpatalsik kay Marcos," ani Bragas-Regalado.

"Si Cory ay halos nagsasabi na dapat nating tanggapin ang mga krimen ni Macapagal-Arroyo dahil hindi naman mananalo ang impeachment laban kay Gloria at ang Bise Presidenteng si Noli de Castro ay nakinabang din sa malawakang dayaan noong nakaraang eleksyon. Halatang pumapabor si Cory kay Gloria," banggit ni Bragas-Regalado.

Sinabi rin ng Migrante na "nilabag ni Macapagal-Arroyo ang Article XI ng Konstitusyon na malinaw na sinabing "Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives."

"Tahasang nilabag rin ni Gloria ang Article II o ang Declaration of Principles and State Policies na nagsasaad na "the State shall maintain honesty and integrity in the public service and implements a policy of full public disclosure of all its transactions involving public interest," dagdag ni Bragas-Regalado.

Aktibong lalahok ang Migrante sa lumalawak na kilusan para patalsikin si Macapagal-Arroyo sa Malacanang.

"Magpupursige kami sa kampanyang pansamantalang i-withhold ang aming remittances na dumadaan sa formal banking channels - (tulad ng PNB) hanggang mag-resign si Gloria," pagwakas ni Bragas-Regalado. #

for more articles, click [here]


 

"For a long time, others have been speaking in our behalf...It is NOW time to speak for ourselves".
MIGRANTE SECTORAL PARTY
Sectoral Party of Overseas Filipinos and Their Families
Hosted by www.Geocities.ws

1